KWINTAS (SHORT STORY) - LAST PART

 

“Ibig sabihin ‘nun destiny” sagot ni Joshua

              “Naniniwala ka ba ‘dun?” Tanung ni Janine

              “’Nung nakilala kita, Oo” sagot ni Joshua

 

              Kinilig ng sobra si Janine, hindi na niya mapigil ang kanyang mga ngiti, hindi na rin siya mapakali sa sobrang kilig ng bigla niyang marinig ang boses ni Joshua, “puwede ba kitang ligawan?” hindi na sumagot si Janine subalit ngumiti ito, simula noon, naging sila na rin ni Janine at Joshua.

 

              Habang nagbabasa ng libro si Joshua sa kanyang kwarto, may biglang kumatok sa kanyang pintuan, “O’ Julia, bakit?” wika ni Joshua, napansin niya ring nakainom si Julia, “teka, kalian ka pa natutong uminom” dagdag pa ni Joshua

              “Joshua, mahal kita” wika ni Julia

              “Julia, nakainom ka, lasing ka lang” sagot ni Joshua

              “Mahal na mahal kita, dati pa lang” sambit ni Julia

              “Julia…” paputol na wika ni Joshua

              “Mahal mo rin ba ako? gusto mo rin ako diba?” wika ni Julia

              “Julia, hindi puwede e’, may mahal na akong iba” wika ni Joshua ng bigla niyang nakita si Julia na nakatulog na sa kanyang kama, “Hays” pahabol ni Joshua.

              Pagkagising kinabukasan, nakita ni Julia na nakahiga sa sahig si Joshua at gulat na gulat na nakatulog siya sa kama ni Joshua ng may biglang kumatok sa pinto.

              Himbing na himbing ang tulog ni Joshua kaya naman siya na ang nagbukas ng pinto.

              “Julia” gulat na wika ni Janine, “Anong ginagawa mo sa kwarto ni Joshua?” dagdag pa nito

              “A’” hindi agad nakasagot si Julia, ng biglang lumabas si Joshua, gulat na gulat ito.

              “Janine, mali ang iniisip mo” wika ni Joshua

              “totoo ba ‘yun Julia?” tanung ni Janine kay Julia

              “Ang pagkakatanda ko kasi, lasing ako kagabi, at… at… naghahalikan kami, ‘yun ang naaalala ko”

              Napaiyak si Janine at bigla itong umalis, hinabol siya ni Joshua

              “Janine, narinig mo naman ang sinabi niya diba? Lasing siya, kaya iba ang naaalala niya, saka mahal kita, walang magbabago ‘dun” wika ni Joshua

              Hinubad ni Janine ang kanyang kwintas at isinuot it okay Joshua, “teka Janine, bakit mo ito isinusuot sa akin?” wika ni Joshua

              “Naniniwala ako sayo Joshua, mahal din kita, naniniwala ako sayo” wika ni Janine na may kasama pang luha

              “Pero…” paputol na wika ni Joshua

              “Mahal na mahal kita Joshua, tulad ng pagmamahal ko sa kwintas na ito, kaya tanggapin mo, gusto ko lagi mo ‘yang isusuot” sambit ni Janine.

              Nagyakap ang dalawa sa gitna ng daan, maraming tao ang nakakakita sa kanila subalit wala silang pakiaalam.

 

              Naging sikat na PBA player si Joshua, nagpakasal sila ni Janine at nagkaroon ng dalawang anak, si Jamie naman ang nakatuluyan ni Jake at nagkaroon din ng sariling pamilya si Julia at si Jun, naging masaya ang buhay nila hanggang sa kanilang pagtanda, subalit sa kanilang pagtanda, nakasuot pa rin sa leeg ni Joshua ang tanda ng kanilang pagmamahalan, ang kwintas.


WAKAS.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN