Posts

Showing posts from 2022

DAING NA BANGUS AT PRITONG TALONG! SOLVE!

Image
One of the best comfort foods nating mga Pilipino ang Daing. Bukod na masarap itong i-ulam, almusal, tanghalian man o kahit pa hapunan. Talagang walang makakapantay lalo na kung may kapares na sawsawan na toyo-mansi at may kasama pang siling labuyo o kaya naman ay ang tamis-asim na suka na mayroong sibuyas na pula. Napakasarap rin nito kung paparesan nang pritong talong at itlog na maalat at kamatis. Kaya ano pa ang hinihintay nating lahat! Tara, kain.

ABOITIZ GROUP OF CORPORATION

Image
 Isa sa mga kumpanyang pinangarap ko noon na makapasok ako. College palang ako ay isa na itong company na ito sa mga tinitingnan kong mapasukan. After graduation, napunta naman ako sa isang broadcasting company (TV5 Network Inc), related naman sa tinapos kong Mass Communication pero sa Treasury Department ako na-assign (more on numbers) Haha. Pero 7 years ako doon, napag-tyagaan ko since maganda naman ang benefits (Kahit di gaano kataasan ang sahod ko, dahil siguro under employed ako) Hindi related sa work yung course na tinapos ko. Naging okay naman sa akin yun at naging maganda ang relasyon ko sa kanilang lahat. After 7 years, may opportunity na pumasok sa aking buhay. Isang beses habang naka work from home ako, mayroong tumawag sa akin na taga Aboitiz Power, tinatanong if pwede raw ba ako ma-interview for initial interview. Pumayag ako. Sinabi nila na pumasa ako sa interview at maganda ang naging feedback sa akin. After 1 day, pinag-take nila ako ng exam na napakahirap. Haha. Honest

SAUCY MENUDO! Tara Kain

Image
Marami sa atin ang nalilito kung ano ang pagkakaiba-iba ng Menudo, Mechado, Afritada, Potchero at Kaldereta. Pero sa limang putahe na ito, ang menudo ang pinaka-madaling makilala. Lahat ng ito ay may tomato sauce pero ang hiwa ng karne at gulay ng menudo ang kakaiba sa lahat dahil bite size ang lahat ng ito. Sa mga masasarsang pagkain at ulamin, ito rin ang kadalasang nakikita sa mga handaan lalo na tuwing mayroong birthday. Very occassional nga ika-nila. Kaya tara, try natin itong gawin kahit walang okasyon sa abot kayang halaga lamang, Ang mga sangkap na gagamitin dito ay ang mga sumusunod: 1/2 Kilo ng baboy, Kasim Isang medium size patatas Medium size carrots 2 pcs tender juicy hotdog 1 pc bell pepper 1 large tomato sauce 5 cloves of garlic 1 red onion 3 tbps sugar Salt and Pepper to taste 1 can of liver spread Celery (Optional) Green Peas Oyster Sauce 3 pcs of fresh tomato 1 Cup of clean water Paraan ng Pagluluto Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis, isangkutsa ang karne ng baboy.

LUMPIANG TOGUE, MASARAP NA, MURA PA!

Image
Puwedeng meryenda, puwedeng ulamin, masarap i-partner sa lugaw. Saan ka pa? Edi mag lumpiang toge na. Sa murang halaga ay makakabili at makakagawa ka na para sa buong pamilya. Mura lamang ang kilo ng toge, umaabot lamang ng bente hanggang trenta pesos, ang gulay naman na ihahalo rito ay tig sasampung balot-balot na pang chopsuy, tatlong pirasong tokwa na nagkakahalagang limang piso ang isa. Isang pirasong sibuyas na limang piso ang isa, at dalawang pisong bawang. Marami na rin ang limang tanda ng lumpia wrapper na nagkakahalaga ng trenta pesos. O diba, sa halagang isang daan, may ulam, meryenda ka na! Sa mahal ng bilihin ngayon, mapapamura ka nalang talaga kaya kailangan mong mag isip ng pagkaing swak sa panglasa at sa bulsa. O siya! Wag' na raw magreklamo sa taas bilihin, turuan ko nalang kayo kung paano gawin ang masarap at crispy lumpiang toge. Mga kakailanganin: Toge Lumpia Wrapper Mix gulay (pang chop suey) Bawang Sibuyas Tokwa Asin at Paminta Paraan ng pagluluto Igisa ang baw

Nagresign ako.

Image
Sabi nila while you are young, mas magandang i-explore na natin ang mga gusto natin sa buhay lalo na sa career. I graduated AB Mass Communication sa isang sikat na unibersidad sa Manila pero nag umpisa ang aking karera bilang isang Treasury Staff sa isang kilalang TV Network dito sa Pilipinas. Tinanggap ko ang trabahong iyon dahil ang pag-aakala ko ay maaari akong malipat ng department.  After 7 years, hindi ako nalipat, naburo ako as Treasury Staff, although napromote naman once at naging Treasury Analyst. Isang araw, may tumawag sa akin, Manager ng isang napakalaking kumpanya sa Pilipinas na maraming subsidiaries sa larangan ng banking, power distribution, real estate, food, shipping, construction at marami pang iba. Nu'ng una, pinag iisipan ko kung mag aapply ako dahil alam ko kung gaano kahirap makapasok sa company na ito. Pero sinubukan ko ang interview, exams at ang final interview at nakapasa naman. Mas maganda ang compensation at JD, pareho lamang ng benefits kaya di na ako

ANG PABORITONG PAGKAIN NG MGA PILIPINO (PERSONAL LIST)

Image
01. SISIG - Sa tingin ko ito na talaga ang paboritong pagkain ng mga Pinoy, bukod sa pwede itong i-ulam, number 1 din itong pulutan ng mga tatay sa kanto. 02. LUMPIANG SHANGHAI - Marahil marami sa inyo ang nagtataka kung bakit nasa ikalawang puwesto ang shanghai, pero para sa akin, walang Pilipino ang hindi kumakain nito. Sa bawat handaan ay present ito at kauna-unahan laging nauubos. 03. SINIGANG NA BABOY - Sabi nga ng ilang, ito ang isa sa best comfort ulam dito sa Pinas. Sino ba naman ang hindi mapapangiwi sa asim nito. Pero para sa akin, isa ito sa pinaka paborito ko, pu-pwede rin ang Sinigang sa Isda, Baka at iba pang variety nito. 04. ADOBONG MANOK - One of the world's best, ika nga ng mga banyaga. Isa ito sa pinaka-sikat na ulam at pagkain di laman sa Pilipinas kung hindi pati na rin sa buong mundo. Pero ang mga pinoy, di pa rin nakaka get over sa Sinigang vs. Adobo. Bahala na kayo humusga. 05. KARE-KARE - Umuusbong ngayon sa kasikatan ang Kare-kare, sabi nga nila, It's

PAGIGING JOURNALIST, ISA SA PINAKA-DELIKADONG TRABAHONG PINOY

Image
  Balita rito, balita roon, kahit saan man tayo pumunta, ang bansa natin ay hindi nauubusan ng balita, mapa-politika, pang-palakasan, entertainment, balitang probinsya at sari-sari pa na mainit sa mata ng karamihan. Kung ano ang viral, siya ang sikat, kung ano ang madalas makita sa internet ay madalas na ring pinaniniwalaan ng mga tao. Maraming maaaring pang-galingan ang balita bukod sa internet, unang-una na rito ang telebisyo, ang pinaka-mabisa at epektibong balita.               Mas credible ang balita kung ito’y nakikita ng ating mga mata, isang medium din ay ang radyo na kung saan mas epektibo sa mga probinsya at liblib na lugar ng ating bansa. At ang huli ay ang dyaryo na mas convenient sa lahat dahil maaari itong dalhin saan man.               Ngunit kung minsan, ang nagbabalita ay siya mismong nababalita tulad ng nangyari sa Maguindanao noong taong 2009 kung saan 32 na Journalist ang napaslang. Sinasabi rin na hindi bababa sa lima kada taon na Journalist ang napapaslang sa