LUMPIANG TOGUE, MASARAP NA, MURA PA!

Puwedeng meryenda, puwedeng ulamin, masarap i-partner sa lugaw. Saan ka pa? Edi mag lumpiang toge na. Sa murang halaga ay makakabili at makakagawa ka na para sa buong pamilya. Mura lamang ang kilo ng toge, umaabot lamang ng bente hanggang trenta pesos, ang gulay naman na ihahalo rito ay tig sasampung balot-balot na pang chopsuy, tatlong pirasong tokwa na nagkakahalagang limang piso ang isa. Isang pirasong sibuyas na limang piso ang isa, at dalawang pisong bawang. Marami na rin ang limang tanda ng lumpia wrapper na nagkakahalaga ng trenta pesos. O diba, sa halagang isang daan, may ulam, meryenda ka na!

Sa mahal ng bilihin ngayon, mapapamura ka nalang talaga kaya kailangan mong mag isip ng pagkaing swak sa panglasa at sa bulsa. O siya! Wag' na raw magreklamo sa taas bilihin, turuan ko nalang kayo kung paano gawin ang masarap at crispy lumpiang toge.

Mga kakailanganin:
Toge
Lumpia Wrapper
Mix gulay (pang chop suey)
Bawang
Sibuyas
Tokwa
Asin at Paminta

Paraan ng pagluluto
Igisa ang bawang at sibuyas, hayaan lang na maging transparent ang kulay nito bago ilagay ang toge at ang halo-halong gulay na mabibili sa palengke. Timplahan ito ng asin at paminta.
Igisa lamang ito hanggang sa lumambot ang lahat ng gulay.
Gumamit ng colander upang patuluin ang nagtubig na gulay.
Kapag malamig na ang gulay, maaari na itong balutin gamit ang lumpiang wrapper.
I-prito sa mainit na mantika at pwede na itong ihain sa lahat.

Masarap itong may kaparehang sawsawan na manamis-namis na suka na maraming sibuyas at pipino.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN