ABOITIZ GROUP OF CORPORATION
Isa sa mga kumpanyang pinangarap ko noon na makapasok ako. College palang ako ay isa na itong company na ito sa mga tinitingnan kong mapasukan. After graduation, napunta naman ako sa isang broadcasting company (TV5 Network Inc), related naman sa tinapos kong Mass Communication pero sa Treasury Department ako na-assign (more on numbers) Haha. Pero 7 years ako doon, napag-tyagaan ko since maganda naman ang benefits (Kahit di gaano kataasan ang sahod ko, dahil siguro under employed ako) Hindi related sa work yung course na tinapos ko. Naging okay naman sa akin yun at naging maganda ang relasyon ko sa kanilang lahat.
After 7 years, may opportunity na pumasok sa aking buhay. Isang beses habang naka work from home ako, mayroong tumawag sa akin na taga Aboitiz Power, tinatanong if pwede raw ba ako ma-interview for initial interview. Pumayag ako. Sinabi nila na pumasa ako sa interview at maganda ang naging feedback sa akin. After 1 day, pinag-take nila ako ng exam na napakahirap. Haha. Honestly, hindi ko alam kung paano ko yun naipasa. And after 1 day lang, ininterview ako for final exam ng magiging manager ko. Na pang malakasan yung mga tanungan, akala mo naman pag supervisory yung position na inapplyan ko eh same as Treasury Analyst lang naman.Yung mga tanungan na "how do you think you can contribute to the company?", " How you can help as a leader of a team?" and many more na umabot ata ng 30 mins. Akala ko di ako makakapasa sa interview na yun, apakahirap mag english. Haha.
Within that day, tinawagan ulit ako ng HR and congratulating me, ang sarap sa feeling na sobrang nakakakaba dahil after 7 years, aalis na ako sa comfort zone ko.
Walang pagsisisi! 5 months na ako sa ABOITIZ POWER CORP, at masasabi kong masaya pa ako sa ngayon, maganda ang mga benepisyo at hindi hamak na mas okay ang compensation. Ang ganda rin ng environment at napaka-pleasant ng mga kasama. Nalungkot lang ako na nagresign yung Supervisor ko na napakabait at nililibre ako ng kape sa Coffee Bean and Tea Leaf. Haha skl.
Ayun lang, isa sa mga magandang kumpanya ito rito sa Pilipinas sa tingin ko. Sana ay marami akong matutunan. Hehe
Comments
Post a Comment