SAUCY MENUDO! Tara Kain


Marami sa atin ang nalilito kung ano ang pagkakaiba-iba ng Menudo, Mechado, Afritada, Potchero at Kaldereta. Pero sa limang putahe na ito, ang menudo ang pinaka-madaling makilala. Lahat ng ito ay may tomato sauce pero ang hiwa ng karne at gulay ng menudo ang kakaiba sa lahat dahil bite size ang lahat ng ito. Sa mga masasarsang pagkain at ulamin, ito rin ang kadalasang nakikita sa mga handaan lalo na tuwing mayroong birthday. Very occassional nga ika-nila. Kaya tara, try natin itong gawin kahit walang okasyon sa abot kayang halaga lamang,

Ang mga sangkap na gagamitin dito ay ang mga sumusunod:


1/2 Kilo ng baboy, Kasim
Isang medium size patatas
Medium size carrots
2 pcs tender juicy hotdog
1 pc bell pepper
1 large tomato sauce
5 cloves of garlic
1 red onion
3 tbps sugar
Salt and Pepper to taste
1 can of liver spread
Celery (Optional)
Green Peas
Oyster Sauce
3 pcs of fresh tomato
1 Cup of clean water

Paraan ng Pagluluto
Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis, isangkutsa ang karne ng baboy.
Lagyan ng oyster sauce, igisang maigi at ilagay ito, lagyan ng tubig.
Pakuluan ito sa loob ng 15 minutes upang lumambot ang karne ng baboy.
Ilagay ang mga gulay tulad ng patatas, carrots at bell pepper.
Ihalo ang tomato sauca at liver spread
Pakuluan ulit sa loob ng apat na minuto.
Lagyan ito ng mga pampalasa tulad ng asin, paminta at asukal pangbalanse.
Ilagay ang green peas at pakuluan muli sa loob ng dalawang minuto.
Ilagay ang hotdog at pakuluan na lamang ito sa loob ng 30 seconds.

At ayan, puwede na ihain at ipares sa mainit na kanin. Tara kain!

Photo credit to Foxy Folksy

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN