Posts

MY NEW "NEW BALANCE 2002R"

Image
  Grabe, sobrang comfy at ang lala ng design nitong NB 2002r, good sya for casual, running and style shoes talaga ito. 13k ang original price nito sa Market pero nakuha ko sya ng 6500 sa Footlocker Trinoma. Thank you sa sale. Twice ko na ito naisuot at sobrang comfy talaga. As a new balance kid, nasatisfy na naman ang aking luho. hahaha

UNDAS 2025

Image
First time namin na mag visit sa cemetery na immediate family yung bibisitahin. Nakakapagod pero masaya na ginugunita natin ang yumao nating mahal sa buhay. Kudos pala sa cemetery kung saan nakalibing ang aking tatay, Forest Lawn, dito sa Montalban, Rizal. Napakalawak, maaliwalas at higit sa lahat, hindi siksikan ang mga tao (although yung mga sasakyan lang dahil walang maparkingan) pero since wala naman kaming sasakyan ay okay lang naman. Marami kaming nilutong pagkain, una na rito ang chao fan ala chowking style na may toppings na shanghai, siomai at hotdog. Meron din kaming nilutong Ube Halaya, at pritong liempo. Yung kapatid ko naman ay nagdala ng no baked macaroni. Para kaming nagpicnic doon, dahil naparaming nagtitinda ng pagkain, nag halo halo kami sa Chowking, nag sweet corn at kung ano ano pa. Kung makikita sa aking larawang kinuha, napakaluwag, kanya kanyang dala ng tent at napakalinis ng paligid. May disiplina ang mga tao at may kanya kanyang buhay. Kaya sa susunod na taon a...

IPHONE 13 DEAD BATTERY

Image
Kahapon, habang nanonood sa TV, iniwan kong naka-charge itong IPhone13 ko, then after almost 2 hrs, binalikan ko sya. Napansin kong ayaw na nya mag open, so triny ko lahat ng way para mag open sya. Akala ko sira yung charger ko, so nanghiram ako sa kapatid ko naka Iphone 13 din. Ayaw din gumana at bumukas hanggang sa nagpapanic na ako. Kaya naman dinala ko na sya sa Cellphone Repair Shop na malapit lamang dito sa amin, binuksan nila at tiningnan kung battery ba ang sira. Nag try sila ng bagong battery pero di pa rin gumana. Ang sabi mukhang motherboard ang sira, which is nakakakaba dahil mahal magpa-replace ng motherboard.  So may nirefer silang shop din na isang tricycle lang naman papunta roon. Nagtungo agad ako at nalaman agad nung technician na Full short circuit daw ang sira, so motherboard nga. Initial estimated na cost is 6k, edi oo agad ako since super need ko yung Phone at naroon lahat ng aking personal na pangangailangan sa trabaho ko. Edi ayun, almost 2 hrs ako nagwait, ...

MY MYSTERY MANILA EXPI

Image
 Hahahaha. Recently Napa-event ang company namin for a halloween themed special at ang napili nilang event for employees at Mystery Manila (Halloween Edition) sa Century Mall. So ang mechanics, dapat ay bumuo kami ng team with 5-7 members. At yon' na voluntold na nga kami. Ang ending, 3 sa team namin at nag back out dahil yung isa may heart condition (valid naman), yung isa may injury at yung isa, wala, natakot lang daw sya hahaha. So eto na, nag sstart na yung games sa mga unang team (buti last kami) eh 4 lang kami, so for disqualification na kami dahil kulang. Namomoblema pa ako kasi walang tao na pwedeng maipalit dahil sobrang konti ng pumasok sa office since hybrid kami (yay). Buti nalang yung isang taga General Accounting eh andun at nagtatag sya ng assets ng company at nayaya ko syang sumali para macomplete kami. At G naman sya. Pagdating namin, ayun may foods agad at naka 3 akong hotdog sandwich (TJ kasi yung hotdog eh) hahaha. Then yung mga interns namin ay sumali rin at na...

ANG HEALTHY NA FRESH BUKO JUICE

Draw draw ay umiinom ako ng fresh buko juice. Pakiramdam ko sobrang nakakatulong ito sa pag maintain ng aking creatinine. Kahit may gamut ako na maintenance ay hindi naapektuhan ang aking kidney (Sana). Refreshing na healthy pa. Kaya tara at mag BJ na.

DAING NA BANGUS AT PRITONG TALONG! SOLVE!

Image
One of the best comfort foods nating mga Pilipino ang Daing. Bukod na masarap itong i-ulam, almusal, tanghalian man o kahit pa hapunan. Talagang walang makakapantay lalo na kung may kapares na sawsawan na toyo-mansi at may kasama pang siling labuyo o kaya naman ay ang tamis-asim na suka na mayroong sibuyas na pula. Napakasarap rin nito kung paparesan nang pritong talong at itlog na maalat at kamatis. Kaya ano pa ang hinihintay nating lahat! Tara, kain.

ABOITIZ GROUP OF CORPORATION

Image
 Isa sa mga kumpanyang pinangarap ko noon na makapasok ako. College palang ako ay isa na itong company na ito sa mga tinitingnan kong mapasukan. After graduation, napunta naman ako sa isang broadcasting company (TV5 Network Inc), related naman sa tinapos kong Mass Communication pero sa Treasury Department ako na-assign (more on numbers) Haha. Pero 7 years ako doon, napag-tyagaan ko since maganda naman ang benefits (Kahit di gaano kataasan ang sahod ko, dahil siguro under employed ako) Hindi related sa work yung course na tinapos ko. Naging okay naman sa akin yun at naging maganda ang relasyon ko sa kanilang lahat. After 7 years, may opportunity na pumasok sa aking buhay. Isang beses habang naka work from home ako, mayroong tumawag sa akin na taga Aboitiz Power, tinatanong if pwede raw ba ako ma-interview for initial interview. Pumayag ako. Sinabi nila na pumasa ako sa interview at maganda ang naging feedback sa akin. After 1 day, pinag-take nila ako ng exam na napakahirap. Haha. Ho...

SAUCY MENUDO! Tara Kain

Image
Marami sa atin ang nalilito kung ano ang pagkakaiba-iba ng Menudo, Mechado, Afritada, Potchero at Kaldereta. Pero sa limang putahe na ito, ang menudo ang pinaka-madaling makilala. Lahat ng ito ay may tomato sauce pero ang hiwa ng karne at gulay ng menudo ang kakaiba sa lahat dahil bite size ang lahat ng ito. Sa mga masasarsang pagkain at ulamin, ito rin ang kadalasang nakikita sa mga handaan lalo na tuwing mayroong birthday. Very occassional nga ika-nila. Kaya tara, try natin itong gawin kahit walang okasyon sa abot kayang halaga lamang, Ang mga sangkap na gagamitin dito ay ang mga sumusunod: 1/2 Kilo ng baboy, Kasim Isang medium size patatas Medium size carrots 2 pcs tender juicy hotdog 1 pc bell pepper 1 large tomato sauce 5 cloves of garlic 1 red onion 3 tbps sugar Salt and Pepper to taste 1 can of liver spread Celery (Optional) Green Peas Oyster Sauce 3 pcs of fresh tomato 1 Cup of clean water Paraan ng Pagluluto Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis, isangkutsa ang karne ng baboy. ...

LUMPIANG TOGUE, MASARAP NA, MURA PA!

Image
Puwedeng meryenda, puwedeng ulamin, masarap i-partner sa lugaw. Saan ka pa? Edi mag lumpiang toge na. Sa murang halaga ay makakabili at makakagawa ka na para sa buong pamilya. Mura lamang ang kilo ng toge, umaabot lamang ng bente hanggang trenta pesos, ang gulay naman na ihahalo rito ay tig sasampung balot-balot na pang chopsuy, tatlong pirasong tokwa na nagkakahalagang limang piso ang isa. Isang pirasong sibuyas na limang piso ang isa, at dalawang pisong bawang. Marami na rin ang limang tanda ng lumpia wrapper na nagkakahalaga ng trenta pesos. O diba, sa halagang isang daan, may ulam, meryenda ka na! Sa mahal ng bilihin ngayon, mapapamura ka nalang talaga kaya kailangan mong mag isip ng pagkaing swak sa panglasa at sa bulsa. O siya! Wag' na raw magreklamo sa taas bilihin, turuan ko nalang kayo kung paano gawin ang masarap at crispy lumpiang toge. Mga kakailanganin: Toge Lumpia Wrapper Mix gulay (pang chop suey) Bawang Sibuyas Tokwa Asin at Paminta Paraan ng pagluluto Igisa ang baw...

Nagresign ako.

Image
Sabi nila while you are young, mas magandang i-explore na natin ang mga gusto natin sa buhay lalo na sa career. I graduated AB Mass Communication sa isang sikat na unibersidad sa Manila pero nag umpisa ang aking karera bilang isang Treasury Staff sa isang kilalang TV Network dito sa Pilipinas. Tinanggap ko ang trabahong iyon dahil ang pag-aakala ko ay maaari akong malipat ng department.  After 7 years, hindi ako nalipat, naburo ako as Treasury Staff, although napromote naman once at naging Treasury Analyst. Isang araw, may tumawag sa akin, Manager ng isang napakalaking kumpanya sa Pilipinas na maraming subsidiaries sa larangan ng banking, power distribution, real estate, food, shipping, construction at marami pang iba. Nu'ng una, pinag iisipan ko kung mag aapply ako dahil alam ko kung gaano kahirap makapasok sa company na ito. Pero sinubukan ko ang interview, exams at ang final interview at nakapasa naman. Mas maganda ang compensation at JD, pareho lamang ng benefits kaya di na ako...