MAMING GALA SA COMMONWEALTH AVENUE

 

Sa kahabaan ng commonwealth Avenue, madadaanan ang isang mamihan, mamihan sa kalye na kung tawagin ay maming gala, matatagpuan ito sa tapat ng commonwealth market at talaga namang dinudumog ito lalo na ng mga pasaherong bumaba sa tapat nito.

Pagbaba mo palang sa Jeep, Bus FX o UV Express ay maaamoy mo na agad ang mami na itinitinda roon, at makikita mo agad ito dahil sa dami ng kumakain dito.



Tinawag itong Maming Gala dahil ito ay nasa isang trike o tricycle o na dipadyak na mayroong tatlong gulong tinatawag din itong food cart ng ilan, maaari itong pumuwesto kung saan man pu-puwede at magtinda lalo na sa mga naghahanap ng pampalipas gutom.

Karamihan sa mga nagtitinda ng maming gala ay otomatikong mayroon ding pares-pares na kung saan pinaparisan ito ng sinangag na kanin.

Mapapansin din na nagkalat ang nagtitinda ng Maming Gala, mayroon sa Avenida, Recto, Fairview, Makati at saang dako pa ng Metro Manila, kahit sa ilang kalapit na probinsya ay akalain mong may franchise na rin ito.

Subalit paano nga ba ang paggawa ng napakasarap na Maming gala? Mayroon kasing iba-ibang klase ng mami na itinitinda, mayroong Pork Mami, Chicken Mami at ang pinaka-sikat sa lahat, ang Beef Mami.

Basta, kung ano mang’ protinang sangkap ang gagamitin, ang pinaka-mahalagang proseso nito ay ang pag-aasado nito upang lalo itong sumarap at lumasa.

Kailangan ding isama sa pagpapakulo ng sabaw ang mga buto-buto ng baka o hindi kaya ng baboy, importanteng napakainit dapat ng sabaw nito, dahil iyon ang karaniwang hanap ng mga mamimili.

Upang i-asado ang karne, kakailanganin lamang ng mga sumusunod; 1/4 hanggang kalahating kilong karne, depende sa rami ng kakain sa iyong pamilya, subalit kung ito’y pang tinda, maaari itong dagdagan pa ng dalawa hanggang sa tatlong kilo.

Kakailanganin din ng toyo, ilang piraso ng star anise, isa hanggang dalawang piraso ng dahon ng laurel o bay leaf sa ingles, paminta, apat hanggang walong kutsara ng asukal, depende sa panglasa, bawang at sibuyas at tubig o pineapple juice.

Pagsama-samahin lamang ang lahat ng mga sangkap sa isang kasirola at hayaan itong kumulo hanggang sa lumambot ang karne.

Maglagay ng isang dakot ng miki noodles sa isang mangkok, lagyan ito ng petchay Baguio at isang slice ng nilagang itlog, budburan ng paminta, maglagay ng fried garlic bilang toppings o hindi kaya ay chili garlic kung gusto ng maanghang, maaari ring maglagay ng kalamansi.

Maaari itong partner-an ng sinangag upang lalong makumpleto ang iyong meryenda at kung hindi naman kayang lutuin ang mga ito o hindi naman kaya ay tinatamad kang magluto, ang pinaka-mainam na solusyon ay bumili na lamang ng maming gala, maaari rin itong i-take out.

Samantala, balik sa Maming gala sa Commonwealth Avenue sa Quezon City, pagsapit pa lamang ng 3pm ay pumupwesto na si Manong Maming Gala sa malapit sa ilalim ng foot bridge na kung saang nagdadaanan ang mga taong pauwi na sa kani-kanilang mga tahanan na karamihan ay taga probinsya ng Rizal.

Ayon sa tindero nito, talagang malakas ang pagbebenta ng Maming gala sa puwestong iyon dahil sa dami ng tao, bukod sa tapat nito ng palengke, nasa gilid din ito ng isang malaking simbahan.

At ang pinaka-magandang bagay na puwestong iyon ayon kay kuya Maming gala, ay babaan at sakayan ang lugar na iyon ng mga pasaherong galing ng Manila at Mandaluyong, Makati at sakayan ng mga papuntang Fairview at Novaliches.

Bukas ang mamihan na iyon mula 3pm hanggang 11pm ng gabi pero kung minsan ay hanggang 9pm lamang dahil sa bilis nitong maubos.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN