MAS MADALING PAGHAHANAP NG TRABAHO DAHIL SA INTERNET

 

Totoong napakahirap maghanap ng trabaho ngayon, lalung-lalo na ang mga fresh graduate dahil karamihan sa mga employer ay requirement ang experience.

              Subalit sa panahon ngayon, isang click lamang ay makakapag-send ka na ang job application sa karamihan ng mga kumpanya, mas gusto pa nga ng mga employer ang online application kaysa walk-in application.

              Isa sa nangungunang job search website sa Pinas ay ang Jobstreet.com na kung saang libu-libong vacant job positions ang hina-hire.

              Mayroong salary rate, benefits, comparison, job description at marami pang makikita tungkol sa kumpanyang pag-aapplyan.


              Kaya kung may internet ka ay mas madali na kumpara sa nakaraan ang paghahanap ng trabaho.

              Karaniwan kasi na ang paghahanap ng trabaho noong araw ay mano-mano, mag-fill-up ng biodata, puntahan ang office address at saka maghihintay ng feedback na manggagaling sa kumpanya.

              Nung mauso ng cellphone, mas dumali ito dahil sa phone interview, gano’n din nu’ng mauso ang email.

              Sa ngayon, dahil mayroon ng Jobstreet, JobsDB, Indeed, Kalibrr at marami pang iba, mas maraming opportunity, maraming trabaho, mababawasan ang mahihirap.

              Hindi rin gaanong mahihirapan ang mga Fresh Grad dahil makikita sa mga online website na ito kung ano ang mga qualification ng employer.

              Nakatulong din ang mga ito upang bumaba ang employment rate sa Pilipinas maging sa ibang bansa.

              Maaari mo ring hanapin ang specialty o kung ano ang related sa iyong trabaho, kung halimbawa ay sa communications, puwede mong i-search ito at lalabas na ang lahat ng job openings na may kinalaman sa communication.

              Sa panahon ngayon, kailangan maging praktikal, lalo na sa paghahanap ng ating ikakabuhay sa ating pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN