MGA LUTUING NAPAKA-NINAMNAM GAMIT ANG SAGING NA SABA
Sabi nga ng karamihan, ang
Pilipinas ay isa sa Banana Capital of Asia na kung saan isa ang ating bana sa
nangunguna sa pag-export nito sa mga dayuhang bansa.
Isa
na rito ang saging na saba, na kung saan hindi lamang napaka-sarap,
napaka-sustansya pa.
Maraming
pag-aaral ang ginagawa ang mga dalubhasa paukol sa saging, sa kahit anong uri
ng saging, kabilang na ang bida na saba.
Ayon
kasi sa latest research, ang pagkain ng isang saging at pag-inom ng isang
basong tubig tuwing umaga ay makakatulong upang bawasan ang iyong timbang.
Siguradong
may epekto rin sa diet ang saging na saba, ngunit anu-ano nga baa ng mga
epektong naidudulot nito sa ating kaulusan?
Unang-una
na rito na ang saging na saba ay nakakatulong upang magkaroon ng magandang
sirkulasyon ng dugo na dumadaloy sa atin dahil mayaman ang saging na saba sa
potassium, tumutulong din ito upang maging normal ang tibok ng ating puso.
Dahil
sa maraming bitamina ang makukuha rito, nakakatulong din ito upang mawala ang
iyong pagod at ng hangover.
Nakakatulong
din ito para sa mga mayroong dysmenorrhea dahil mayaman ito sa fiber.
Nakakatulong
din mag-reduce ng acidity sa katawan ang saging na makakatulong upang pagalingin
ang may mga sakit sa ulcer.
Ayon
din sa huling pag-aaral sa ibang bansa, ang saging na saba ay nakakatulong
upang maiwasan ang pagsisigarilyo at kung ano pang mga bisyo dahil ang pagkain
ng saging ay nakakabawas ng epekto ng nicotine sa physical at psychological ng
mga may addiction.
Ngunit,
paano mo nga naman kakainin ang saging na saba kung hindi mo gagawin ang mga
masasarap na recipe nito.
Nariyan
na rin ang isa sa mga pangunahing almusal ng mga pinoy, ang nilagang saba.
Magpakulo
lamang ng tubig at maglagay ng kaunting asin, bantayan lamang ang oras at
maaari na itong kainin.
Kung
pang-meryenda naman ang hanap, nariyan ang banana cue, turon, maruya.
Pare-parehong
ipiniprito sa mantika at nilalagyan din ito ng asukal na pula upang lalong
lumasa.
Para
sa mga naiinitan naman, puwede rin itong dessert, tulong ng saging con yelo.
Matamisin
lamang ang saging na saba sa asukal at ihalo ito sa kinayod na yelo, lagyan ng
kaunting asukal at gatas na eporada.
Puwede
rin naman ang mag-eksperimento ng mga lutuin na ang saging na saba ang
pangunahing sangkap.
Comments
Post a Comment