TRADING HAUS, KAINAN, RESTO-BAR ATBP SA HMR PHILIPPINES

 

TRADING HAUS, KAINAN, RESTO-BAR ATBP SA HMR PHILIPPINES

NI JERICHO PAUL DE GUZMAN

              Complete package baa ng hanap mo? Magshopping at kumain sa mas murang halaga kumpara sa mga pangunahing mall sa bansa, narito ang HMR Philippines na tutugon sa inyong mga hinahanap.

              Maaaring mag buy and sell ng mga gamit sa kanilang trading haus, sari-saring gamit at appliances ang maaaring ipagpalit dito.

              Mayroong Television set, Refrigerator, computer set, Speaker, DVD Players, Electric Fan, Air Conditioner, at napakarami pang iba.



              Halimbawa rin ng mga ibinebenta at binibili rito ay ang iba’t-ibang uri ng gamit sa bahay, tulad din ng Sofa, lamesa, aparador at napakarami pang iba.

              Kung ikaw naman ay magugutom sa rami ng iyong pinamili, mayroong HMR – Pioneer Market na matatagpuan lamang sa likod ng trade center, napakaraming pagpipilian dito, mayroong Chinese Food, Vietnamese Food, Japanese Food, Western Food at siyempre, Filipino Cuisine.

              Mayroong KTV Bar tuwing umaga na matatagpuan sa second floor ng gusali na maeenjoy ng buong barkada, mayroon ding open bar sa labas lamang ng gusali tuwing gabi naman ito, at maaaring makipag-jamming sa mga banda.


              Matatagpuan ang HMR Philippines sa kanto ng Pioneer at Reliance Street sa Mandaluyong, malapit ito sa TV5 Network.

              Kung ikaw ay manggagaling sa EDSA – Boni, sumakay lamang ng Tricycle sa Robinson’s Pioneer at bumaba mismo sa tapat ng HMR upang ito’y mapuntahan.

 

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN