Posts

Showing posts from October, 2019

MAPAPATIKIM SA PATA TIM (RECIPE)

MAPAPATIKIM SA PATA TIM Ni: Jericho Paul De Guzman                 Wow, napakasarap, at napakabongga ng lutuing ito, kakaunti lamang ang sahog subalit sa lasa pa lamang ng toyo, suka at asukal, siguradong lalabas ang aroma at napakasarap na amoy nito, kaya naman amoy pa lang, mapapatikim at mapapakain ka na.                 Ang pata ay isang bahagi ng baboy na kung saan ito ay mabuto at kung minsan ay walang laman, pero ang mas habol ng mga mahihilig sa pata ay ang “taktak” o ang laman na nasa gitna ng buto at tinawag itong “taktak” dahil itinataktak ito sa pinggan o kamay, minsan naman ay sinusundot ito ng toothpick o daliri. Lalo ring sumasarap ang pata kung tama ang pagpapalambot nito, maging masensyoso rin sa paghihintay dahil kapalit naman nito ang mala-heaven sa sarap. MGA SANGKAP 1 kilo ng Pata (Pwedeng haluan ng laman para sa mga bata) Toyo Suka Asukal Pamintang buo Saging na saba (hiwain) Puso ng saging Bawang PARAAN NG PAGLUTO                 Pak

ANG MASARAP NA SINAMPALALUKANG MANOK (RECIPE)

Image
ANG MASARAP NA SINAMPALALUKANG MANOK Ni: Jericho Paul De Guzman                 Totoong napakahilig ng mga Pilipino sa maaasim na pagkain tulad na lamang ng prutas na puno ng vitamin C at Sinigang sa baboy, sa isda at kung anu-ano pa. Ang lutuing ito ay kahalintulad lamang ng sinigang, subalit ang sinampalukang manok ay gumagamit ng sariwang manok at sampalok, pero puwede na rin namang gumamit ng powdered sampalok na pampa-asim.                 Iba-iba ring sahog na gulay ang nilalagay dito, mayroong naglalagay ng malunggay, kangkong, pechay at minsan ay mustasa, luya at bawang naman ang nagbibigay ng masarap na lasa sa lutuing ito. MGA SANGKAP Isang kilong manok Powdered sampalok Kangkong o Malunggay Luya Sibuyas at bawang Kamatis Labanos Okra at sitaw Asin at paminta PARAAN NG PAGLUTO                 Igisa sa mainit na mantika at kawali ang sibuyas, bawang at kamatis, isunod din ang Luya at igisa itong mabuti hanggang lumabas ang katas at lasa nito. Ig

KUTO, PAANO MAIIWASAN? (Health)

KUTO, PAANO MAIIWASAN? Ni: Jericho Paul De Guzman                 Ayon sa healthinfotranslations.org, ang mga kuto ay maliliit na mga surot ng buhok na kasinlaki ng linga.   Naninirahan sila sa buhok at nangangagat ng anit upang sumipsip ng   dugo. Hindi sila lumilipad o tumatalon, ngunit mabilis silang gumalaw.   Dahil dito, napakahirap nilang hanapin sa buhok. Ang mga lisa ay mga itlog ng mga kuto. Mukha silang madilaw na puti o kayumangging balakubak. Kinakabit ng mga kuto ang kanilang mga itlog sa mga poste ng buhok na mayroong “pandikit” na di-tanatablan ng tubig. Ang mga kuto ay nangingitlog malapit sa anit. Hanapin ang mga lisa sa batok at sa likod ng mga tainga. Ang mga lisa ay hindi natatanggal sa pagbabanlaw o pagsusuklay ng buhok. Kailangan silang tanggaling isa-isa.                 Ngayong summer, karaniwang kinakapitan ng mga insektong ito ay ang mga bata, dahil mas maraming aktibidad ang mga bata at dahil na rin sa mas mainit na panahon. Dahil sa tirik ng araw, hi

BULANGLANG FOR YOUR HEALTHY LIFESTYLE (RECIPE/HEALTH)

Image
BULANGLANG FOR YOUR HEALTHY LIFESTYLE Ni: Jericho Paul De Guzman                 Healthy, subalit ang karaniwang pagtingin ng mga taga Maynila sa ulam na ito ay pang-probinsya lamang, puro gulay at karaniwang hindi kinakain ng mga bata. Bulanglang ang tawag dito, pinaghalo-halong uri ng gulay na maaring igisa sa panahog na baboy o kung minsan sa pinagtirhang pritong isda.                 Walang duda, napaka-sustansiya ng pagkaing ito, mahigit limang gulay ang mga sangkap nito na nagbibigay ng iba’t-ibang bitamina na kakailanganin natin sa araw-araw. Nauso ang ulam na ito sa probinsiya dahil doon karaniwang makikita at maaani ang mga gulay na pangunahing sangkap nito. MGA SANGKAP Dahon ng Saluyot Talong Ampalaya Kalabasa Okra Sitaw Bawang at Sibuyas Kamatis Panahog na baboy/Isda tulad ng pritong bangus Asin at paminta Mantika PARAAN NG PAGLUTO                 Hiwain ang mga gulay at hugasan itong mabuti, igisa ang bawang, sibuyas at ang kamatis sa mai

ONE HALF SHEET OF PAPER (SHORT STORY) - LAST PART

Nagtataka si Joyce na wala pa rin si Jayson sa klase, “Get ½ sheet of paper” Utos ng Professor, may nagtanong muli “Sir, crosswise o lengthwise?” Natapos ang pagsusulit ng walang anino ni Jayson.   Nagulat si Joyce ng bigla siyang nilapitan ni Charles “Hi! Alam mo ba na may gusto sayo si Jayson?” pagmamalaki ni Charles. “A’ hindi, bakit mo naman nasabi ‘yan?” Tanong ni Joyce, “kahapon, nakita ko siyang bibigyan ka niya ng bulaklak pero biglang dumating ‘yung boyfriend mo, ayun nahimatay siya, at hindi lang ‘yun, may malubhang karamdaman pala siya kaya hindi na siya makakapasok.” Pagku-kwento ni Charles.                 Na-shock ang dalaga sa kanyang nalaman at agad itong lumabas, sakto naman nakita niya ang boyfriend niya sa Garden, may kasamang ibang babae, at tsempong naghahalikan ito. Nag-init ang dugo ni Joyce sa kanyang nakita, agad niya itong nilapitan at sinampal si Ryan “Simula ngayon, break na tayo!” Galit na sabi ni Joyce, nagulat naman ang babaeng kasama ni Ryan sa nangy

ONE HALF SHEET OF PAPER (SHORT STORY) - PART 3

Ito na naman, ang klase na halos matulog ang lahat sa sobrang antok kay Professor Lopez, pero bigalang nagtawag ito ng estudiyanteng humihikab na “Ikaw! Labas!” pasigaw ng Professor sa kaklase nila, nagulat ang lahat at bigla silang nagsi-ayos sa pag upo. “We’ll continue our discussions next meeting!” Ayon kay Professor Lopez, nagtaka ang lahat na hindi tinapos ng professor ang kanyang lecture at may tititra pang dalawangpung minuto ng biglang “get ½ sheet of paper, crosswise” biglang singit ng professor. Napakamot na naman ng ulo ang mga estudiyante, kaya hingian na naman sila ng papel at may nagtanong pa “sir ½?”                 Gaya nu’ng una, nagkopyahan muli sina Jayson at Joyce at siyempre ligtas na naman ang dalawa dahil natapos nila ng malinis ang kanilang pagkokopyahan. Habang naglalakad palabas ng campus, masayang nag-uusap ang dalawa at talagang napabuti na ang loob ni Jayson kay Joyce, kaya naman pinangako niya sa kanyang sarili na liligawan na niya ito bago pa mahuli a

ONE HALF SHEET OF PAPER (SHORT STORY) - PART 2

Nagkagulo ang buong klase dahil hindi sila handa na magkakaroon ng pagsusulit sa araw na iyon, pero si Jayson ay chill lang, ni hindi siya kinakabahan dahil alam niya pa ang mga tinuro ni Professor Lopez nu’ng nakaraang meeting ng may biglang kumalabit sa likod niya “Pare! Pahingi naman ako ng papel” paghingi ng kaklase ni Jayson. Isang buong papel ang hawak ni Jayson, nakita niyang wala pa ring papel si Joyce kaya naman hindi niya binigyan ng papel ang nasa likod at kay Joyce ibinigay ang kalahati ng kanyang papel.                 Habang nag-eexam, napansin ni Jayson na walang maisagot si Joyce sa kanyang papel, nagkataon naman na nasa likod si Professor Lopez, agad na iniabot ni Jayson ang papel niya kay Joyce, hindi siya sanay sa ginagawa niya pero nais niyang mapalapit kay Joyce. Yumuko siya para hindi siya mahalata ng professor na wala sa kanya ang papel niya.                 NAKALUSOT, hindi akalain ni Jayson na magagawa niyang magpakopya, kahit kalian ay hindi pa siya nagp

ONE HALF SHEET OF PAPER (SHORT STORY) - PART 1

ONE HALF SHEET OF PAPER Ni: Jericho Paul De Guzman                 Isang matalinong estudiyante si Jayson sa isang saikat na Unibersidad sa Manila, kada sasapit ang pasukan, baliwala lang sa kanya, hindi siya excited at hindi rin siya kinakabahan sa maaaring mangyari sa kanyang buhay sa bawat semester na dumadating at natatapos. Tinatapos niya ito na may mataas na grade at napapabilang pa sa dean’s list at paborito ito ng mga professor, napakasimple lang ng buhay niya, pagkatapos ng klase niya, diretso uwi na ng bahay, kakain, manonood saglit ng TV, gagawa ng assignments at project at saka matutulog.                 Napakasipag niyang tao subalit isang araw napansin niya habang   naglalakad siya papasok ng school, may nakita siyang isang grupo ng magbabarkada na papasalubong sa kanya, masaya, nagbibiruan, at nagtatawanan. Napayuko na lamang si Jayson dahil hindi pa niya naranasan magkaroon ng ganon’ karaming kaibigan, nagkakaroon siya paisa-isa pero alam niyang hindi totoo kasi