ONE HALF SHEET OF PAPER (SHORT STORY) - PART 3
Ito na naman, ang klase na halos
matulog ang lahat sa sobrang antok kay Professor Lopez, pero bigalang nagtawag
ito ng estudiyanteng humihikab na “Ikaw! Labas!” pasigaw ng Professor sa
kaklase nila, nagulat ang lahat at bigla silang nagsi-ayos sa pag upo. “We’ll
continue our discussions next meeting!” Ayon kay Professor Lopez, nagtaka ang lahat
na hindi tinapos ng professor ang kanyang lecture at may tititra pang
dalawangpung minuto ng biglang “get ½ sheet of paper, crosswise” biglang singit
ng professor. Napakamot na naman ng ulo ang mga estudiyante, kaya hingian na
naman sila ng papel at may nagtanong pa “sir ½?”
Gaya
nu’ng una, nagkopyahan muli sina Jayson at Joyce at siyempre ligtas na naman
ang dalawa dahil natapos nila ng malinis ang kanilang pagkokopyahan. Habang
naglalakad palabas ng campus, masayang nag-uusap ang dalawa at talagang napabuti
na ang loob ni Jayson kay Joyce, kaya naman pinangako niya sa kanyang sarili na
liligawan na niya ito bago pa mahuli ang lahat.
“A’ san ka nakatira?” Pasimpleng
tanong ni Jayson
“Sa Caloocan” sagot naman ng
dalaga
“A’ ahhhh, gu-gusto mo ihatid na kita?”
Nauutal na tanong ni Jayson
Umiling si Joyce at biglang
nagmadali ng lakad “A’ may dadaanan pa pala, kita na lang ulit tayo bukas, bye”
nagmamadaling sabi ni Joyce
Nababaliw
na si Jayson, hindi na siya makakain ng maayos, hindi na rin siya makatulog,
basta iisa lang ang kanyang iniisip, ayun ay si Joyce, in love na siya kaya
naman naisip nitong maglakas loob na ito’y ligawan, habang nasa botanical
garden ng unibersidad si Joyce, nilapitan ito ni Jayson. “Hi” pagbati ni
Jayson, “Ikaw pala,” sagot ni Joyce, “Ano’ng ginagawa mo dito?” tanong ni
Jayson, “a’ nagpapahangin lang”. Ilalabas na sana ni Jayson ang bulaklak at
tsokolate ng may biglang “Babe, pasensiya na, ang tagal kasi magpalanas ng
Professor ko sa Algebra e” singit ng isang lalaki, “okay lang babe” sagot naman
ni Joyce, sabay naghalikan ang dalawa. Namutla si Jayson sa kanyang nakita,
halos hindi na siya makagalaw sa kanyang kina-uupuan at tumatagaktak ang pawis
sa kanyang katawan, nanikip ang kanyang dibdib at tila maiiyak na sa
paghihinagpis nito. “A’ si-sige a-alis na ako Joyce” nauutal na pagpapaalam ni
Jayson “a’ saglit Jayson” pagpigil ni Joyce “si Ryan nga pala, boyfriend ko,
Ryan, si Jayson, kaklase ko” dagdag pa ni Joyce “A’ sige paalam” pagsingit
naman ni Jayson.
Umiiyak
na naglalakad palabas ng campus si Jayson, wala na siyang paki alam kahit
pinagtitinginan siya ng napakaraming tao. Nang bigla itong nahimatay sa gitna
ng hallway, nagkagulo ang mga estudiyante, sumugod din ang mga gwardiya upang
dalhin siya sa clinic. At doon napag-alaman na mayroong malubhang sakit si
Jayson na maaari na nitong ikamatay.
Sinundan
pala ng kanilang kaklase na si Charles si Jayson nang may nakita itong hawak na
bulaklak nu’ng ito’y papalabas ng klase upang ito’y i-bully, subalit naiba ang
kanyang plano ng Makita niya ang dinatnan ni Jayson, nakita ni Charles ang
lahat ng paghihinagpis, sumama rin ito sa mga guard upang madala sa clinic si
Jayson. Walang alam ang pamilya ni Jayson sa mga nangyayare, nagdo-dormitoryo
lamang si Jayson kaya wala rin itong kasama.
ITUTULOY
Comments
Post a Comment