ONE HALF SHEET OF PAPER (SHORT STORY) - PART 2
Nagkagulo ang buong klase dahil
hindi sila handa na magkakaroon ng pagsusulit sa araw na iyon, pero si Jayson
ay chill lang, ni hindi siya kinakabahan dahil alam niya pa ang mga tinuro ni
Professor Lopez nu’ng nakaraang meeting ng may biglang kumalabit sa likod niya
“Pare! Pahingi naman ako ng papel” paghingi ng kaklase ni Jayson. Isang buong
papel ang hawak ni Jayson, nakita niyang wala pa ring papel si Joyce kaya naman
hindi niya binigyan ng papel ang nasa likod at kay Joyce ibinigay ang kalahati
ng kanyang papel.
Habang
nag-eexam, napansin ni Jayson na walang maisagot si Joyce sa kanyang papel,
nagkataon naman na nasa likod si Professor Lopez, agad na iniabot ni Jayson ang
papel niya kay Joyce, hindi siya sanay sa ginagawa niya pero nais niyang
mapalapit kay Joyce. Yumuko siya para hindi siya mahalata ng professor na wala
sa kanya ang papel niya.
NAKALUSOT,
hindi akalain ni Jayson na magagawa niyang magpakopya, kahit kalian ay hindi pa
siya nagpakopya kaya naman natakot din siya na baka mapansin ng Professor ang
pagpapakopya niya kay Joyce. “Okay, please pass your paper!” Ani Professor
Lopez na agad naman nagreact ang buong klase “Hala sir”, “sir 5 minutes
please”, “sir wait lang po” at kung anu-ano pang hirit ng kanilang kaklase.
Siniko ni Joyce si Jayson na kinagulat muli nito “Ikaw na unang magpasa,
maya-maya na ako” utos ni Joyce, “A sige” sagot naman ni Jayson. Kauna-unahan
nagpasa ni Jayson, agad naman tiningnan ni Professor Lopez ang kanyang papel
“Very good Mr. Aquino!”
“Congratulations
Mr. Aquino, 100% in your first quiz” pagbati ni Professor Lopez, binalik na rin
ang mga papel ng iba pa, “Congratulations also to Ms. Joyce Cruz, 95%” dagdag
pa ng professor, napansin ng mga kaklase nila na sila lang ang pumasa subalit
nagtaka naman si Jayson, sa isip-isip niya, bakit 95% lang si Joyce ‘e pinakopya
niya ang lahat ng sagot, “’di ko kinopya lahat, nakakahiya kasi kung kokopyahin
ko lahat, saka baka mahala ni sir na nagkopyahan tayo” singit ni Joyce. “Gano’n
ba?” napa-isip si Jayson na mabait talaga si Joyce, dahil kung ang iba yun,
malamang baka pati pangalan niya ay kopyahin na nito.
As
usual, kumakain na naman mag-isa si Jayson sa canteen, sanay naman siyang
kumain mag-isa, sa katunayan mas gusto niyang mag-isa at ayaw niyang may
nakakasama pang iba. Subalit, palingat-lingat siya sa pagkakataong ito, iniisip
niya n asana ay sabayan siya ni Joyce sa pagkain, nagugulila ang kanyang
pakiramdam, nararamdaman niya sa ngayon ang lungkot na nadarama na hindi naman
niya nararamdaman noon.
Sa
wakas, lumapit sa kanya si Joyce at nagtanung kung puwedeng makiupo “oo naman!”
ang sagot ni Jayson, kahit huling subo na ng kanin ni Jayson, hindi siya umalis
sa kinauupuan. “Kamusta?” tanung ni Jayson kay Joyce, “Okay naman, siya nga
pala, maraming salamat sa pagpapakopya mo sa akin sa exam sa General Ethics,
wala talaga akong isasagot kung hindi kita katabi noon” pagpapasalamat ni
Joyce. “Walang anuman, gusto mo doon na ako umupo ara lagi na kitang
papakopyahin” sagot naman ni Jayson, “talaga? Maraming salamat sayo” napahiyaw
si Joyce sa tuwa. Pinagmamasdan ni Jayson ang mga ngiting iyon ng dalagang
kaklase, naiisip niya na magiging girlfriend niya ang babaeng kaharap niya at
kung papalarin ay makakasama niya sa panghabang buhay.
Comments
Post a Comment