ONE HALF SHEET OF PAPER (SHORT STORY) - PART 1


ONE HALF SHEET OF PAPER
Ni: Jericho Paul De Guzman
                Isang matalinong estudiyante si Jayson sa isang saikat na Unibersidad sa Manila, kada sasapit ang pasukan, baliwala lang sa kanya, hindi siya excited at hindi rin siya kinakabahan sa maaaring mangyari sa kanyang buhay sa bawat semester na dumadating at natatapos. Tinatapos niya ito na may mataas na grade at napapabilang pa sa dean’s list at paborito ito ng mga professor, napakasimple lang ng buhay niya, pagkatapos ng klase niya, diretso uwi na ng bahay, kakain, manonood saglit ng TV, gagawa ng assignments at project at saka matutulog.
                Napakasipag niyang tao subalit isang araw napansin niya habang  naglalakad siya papasok ng school, may nakita siyang isang grupo ng magbabarkada na papasalubong sa kanya, masaya, nagbibiruan, at nagtatawanan. Napayuko na lamang si Jayson dahil hindi pa niya naranasan magkaroon ng ganon’ karaming kaibigan, nagkakaroon siya paisa-isa pero alam niyang hindi totoo kasi kinokopyahan lamang ito ng assignments at minsan sa major exams at agad din itong nawawala dahil hindi siya nagpapakopya. Never pa rin siya nagkaroon ng love life, kaya naman sa huli niyang semester sa college, gusto niyang maging friendly, at magkaroon ng social life.
                Class dismiss! Pahayag ni Professor Lopez, isang terror at napakatinding professor pagdating sa deadlines at hindi natatakot mangbagsak ng estudyante. Pero hindi takot si Jayson dito, Favorite professor pa nga niya ito.
                Habang naghihintay ng masasakyan pauwi, “Hi! Ikaw yung kaklase ko sa General Ethics class kanina kay professor Lopez diba?” Sambit sa kanya ng babaeng naka-uniporme rin ng unibersidad ng kanyang pinapasukan. Tinitigan pa niya ang babae dahil hindi naman niya ito mamukhaan, hindi niya kasi tinitingnan ang mga kaklase niya tuwing may lecture ang professor. “A, oo siguro, hindi ko kasi matandaan e.” sagot ni Jayson sa babae.
                Napakunot ang noo ng babae pero ng malaon ay napangiti na rin ito, “Balita ko ikaw ang number one dean’s list sa Engineering a’, ako nga pala si Joyce, AB Communication, magkaklase tayo sa General ethics class kaya ‘wag mo akong kalimutan a’” Sagot naman ni Joyce sa kanya. “A hindi naman, ako nga pala sa Jayson” sabay ngiti naman ni Jayson sa dalagang kaklase.
                Kakaiba ang naramdaman ni Jayson ng mga oras na iyon, bumilis ang tibok ng kanyang puso na hindi niya malaman kung bakit, basta iba ang naramdaman niya na parang napapangiti siya sa nangyare. “Ito na ‘yun!” Bulong ni Jayson sa sarili.
                Kinabukasan, habang naghihintay kay Professor Lopez, nakita ni Jayson si Joyce na paparating, umupo ito sa pinakaharapan ng klase sa tabi ng pintuan, naglakas naman siyang lapitan ito. “Hi” bati ni Jayson, “ikaw pala?” gulat ni Joyce, ngumiti si Jayson sa kanya at paakmang dumating si Professor Lopez “Get ½ sheet of paper, crosswise”

ITUTULOY...

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN