MAPAPATIKIM SA PATA TIM (RECIPE)


MAPAPATIKIM SA PATA TIM
Ni: Jericho Paul De Guzman
                Wow, napakasarap, at napakabongga ng lutuing ito, kakaunti lamang ang sahog subalit sa lasa pa lamang ng toyo, suka at asukal, siguradong lalabas ang aroma at napakasarap na amoy nito, kaya naman amoy pa lang, mapapatikim at mapapakain ka na.
                Ang pata ay isang bahagi ng baboy na kung saan ito ay mabuto at kung minsan ay walang laman, pero ang mas habol ng mga mahihilig sa pata ay ang “taktak” o ang laman na nasa gitna ng buto at tinawag itong “taktak” dahil itinataktak ito sa pinggan o kamay, minsan naman ay sinusundot ito ng toothpick o daliri. Lalo ring sumasarap ang pata kung tama ang pagpapalambot nito, maging masensyoso rin sa paghihintay dahil kapalit naman nito ang mala-heaven sa sarap.
MGA SANGKAP
1 kilo ng Pata (Pwedeng haluan ng laman para sa mga bata)
Toyo
Suka
Asukal
Pamintang buo
Saging na saba (hiwain)
Puso ng saging
Bawang
PARAAN NG PAGLUTO
                Pakuluan ang pata sa mainit na tubig, hintayin ito hanggang sa medyo lumambot, lagyan ito ng toyo, pamintang buo at bawang upang lalong lumasa.
                Kapag malambot na ang karne, timplahan ito ng suka, huwag munang hahaluin hangga’t ito’y maluto saka ito lagyan ng asukal, isabay na rin ang puso ng saging at saging na saba, takpan ito hanggang ito ay maluto at pwede ng i-serve at mapapa-wow sa sarap.



Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN