BULANGLANG FOR YOUR HEALTHY LIFESTYLE (RECIPE/HEALTH)


BULANGLANG FOR YOUR HEALTHY LIFESTYLE
Ni: Jericho Paul De Guzman
                Healthy, subalit ang karaniwang pagtingin ng mga taga Maynila sa ulam na ito ay pang-probinsya lamang, puro gulay at karaniwang hindi kinakain ng mga bata. Bulanglang ang tawag dito, pinaghalo-halong uri ng gulay na maaring igisa sa panahog na baboy o kung minsan sa pinagtirhang pritong isda.
                Walang duda, napaka-sustansiya ng pagkaing ito, mahigit limang gulay ang mga sangkap nito na nagbibigay ng iba’t-ibang bitamina na kakailanganin natin sa araw-araw. Nauso ang ulam na ito sa probinsiya dahil doon karaniwang makikita at maaani ang mga gulay na pangunahing sangkap nito.
MGA SANGKAP
Dahon ng Saluyot
Talong
Ampalaya
Kalabasa
Okra
Sitaw
Bawang at Sibuyas
Kamatis
Panahog na baboy/Isda tulad ng pritong bangus
Asin at paminta
Mantika
PARAAN NG PAGLUTO
                Hiwain ang mga gulay at hugasan itong mabuti, igisa ang bawang, sibuyas at ang kamatis sa mainit na mantika, ilagay ang panahog na baboy at igisa itong mabuti.
                Ihalo ang gulay, unahin ang mga matagal lumambot tulad ng kalabasa, okra, ampalaya, sitaw at talong, at lagyan ito ng tubig, kapag malambot na ang mga naunang iginisang gulay, ihalo na rin ang dahon ng saluyot, timplahan ito ng paminta at asin at saka pakuluan sa loob ng dalawang minuto.
                Maaari na itong ihain, hindi lamang sa mga taga-bukid pati na rin sa mga may gusto ng healthy lifestyle.
Image result for bulanglang recipe
(photo c/o lola kusinera)

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN