KUTO, PAANO MAIIWASAN? (Health)


KUTO, PAANO MAIIWASAN?
Ni: Jericho Paul De Guzman
                Ayon sa healthinfotranslations.org, ang mga kuto ay maliliit na mga surot ng buhok na kasinlaki ng linga.  Naninirahan sila sa buhok at nangangagat ng anit upang sumipsip ng  dugo. Hindi sila lumilipad o tumatalon, ngunit mabilis silang gumalaw.  Dahil dito, napakahirap nilang hanapin sa buhok. Ang mga lisa ay mga itlog ng mga kuto. Mukha silang madilaw na puti o kayumangging balakubak. Kinakabit ng mga kuto ang kanilang mga itlog sa mga poste ng buhok na mayroong “pandikit” na di-tanatablan ng tubig. Ang mga kuto ay nangingitlog malapit sa anit. Hanapin ang mga lisa sa batok at sa likod ng mga tainga. Ang mga lisa ay hindi natatanggal sa pagbabanlaw o pagsusuklay ng buhok. Kailangan silang tanggaling isa-isa.
                Ngayong summer, karaniwang kinakapitan ng mga insektong ito ay ang mga bata, dahil mas maraming aktibidad ang mga bata at dahil na rin sa mas mainit na panahon. Dahil sa tirik ng araw, hindi maiiwasan na magkaroon nito.
                Madali ring itong humawa, tulad ng nasabi, hindi lumilipad ang kuto subalit maaring magkahawaan sa paghihiraman ng gamit. Iwasang makipaghiraman ng mga bagay na isinusuot at inilalagay sa ulo tulad ng suklay, sombrero, kumot at unan.
                Kaya ngayong summer, para hindi uminit ang ulo lalo na ngayong summer, siguraduhin na maligo araw-araw at hangga’t maaari ay huwag magbabad sa ilalim ng araw.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN