ONE HALF SHEET OF PAPER (SHORT STORY) - LAST PART


Nagtataka si Joyce na wala pa rin si Jayson sa klase, “Get ½ sheet of paper” Utos ng Professor, may nagtanong muli “Sir, crosswise o lengthwise?” Natapos ang pagsusulit ng walang anino ni Jayson.  Nagulat si Joyce ng bigla siyang nilapitan ni Charles “Hi! Alam mo ba na may gusto sayo si Jayson?” pagmamalaki ni Charles. “A’ hindi, bakit mo naman nasabi ‘yan?” Tanong ni Joyce, “kahapon, nakita ko siyang bibigyan ka niya ng bulaklak pero biglang dumating ‘yung boyfriend mo, ayun nahimatay siya, at hindi lang ‘yun, may malubhang karamdaman pala siya kaya hindi na siya makakapasok.” Pagku-kwento ni Charles.
                Na-shock ang dalaga sa kanyang nalaman at agad itong lumabas, sakto naman nakita niya ang boyfriend niya sa Garden, may kasamang ibang babae, at tsempong naghahalikan ito. Nag-init ang dugo ni Joyce sa kanyang nakita, agad niya itong nilapitan at sinampal si Ryan “Simula ngayon, break na tayo!” Galit na sabi ni Joyce, nagulat naman ang babaeng kasama ni Ryan sa nangyare “Teka, may girlfriend ka pang iba bukod sakin?” tanung ng babae kay Ryan, “Let me explain!” pagpapaliwanag ni Ryan.
                Inalam ni Joyce kung saan naka-confined si Jayson at agad niya itong pinuntahan. Nagkita sila sa isang kuwarto, mag-isa lang si Jayson dahil papunta pa lang ang mga magulang ni Jayson sa Manila.
“Kamusta?” Tanung ni Jayson
“Ano’ng ginagawa mo rito?” dagdag pa ni Jayson
“A’ binibisita ka, masama ba?” Patanong na sagot ni Joyce
“Dapat hindi ka na pumunta rito” utos ni Jayson
“Nasaan na yung bulaklak na ibibigay mo sakin?” Biglang tanong ni Joyce
“A-a’ paano mo nalaman?” tanong ni Jayson
“Basta alam ko! Nasaan na nga ibigay mo na sa ‘kin” utos ni Joyce
“Wala na, naitapon ko na” sagot ni Jayson
“Bakit mo tinapon? Sayang naman ‘yun” ani Joyce
“E’ baka magalit ang boyfriend mop ag nalaman niyang tumatanggap ka ng bulaklak galing sa ‘kin” pagpapaliwanag ni Jayson
“A’ wala na akong Boyfriend, nahuli ko siyang may kahalikan na iba, kaya hiniwalayan ko na” pagpapaliwanag ni Joyce sa medyo galit na tono
“Gano’on ba? Sorry” sagot ni Jayson
“Kaya ibigay mo na sa ‘kin yung bulaklak, kung naitapon mo na, ibili mo nalang ako” sambit ni Joyce
“Paano ako makakabili? Hindi nga ako makakilos e’ pero pwede naman akong magpabili sayo, ibili mo ako bukas ha tapos ibibigay ko sayo”, sambit ni Jayson
“Sira ulo ka talaga, pero sige, ibibili kita bukas tapos ibigay mo sa akin ha’”, sambit ni Joyce
“Oo naman, I-I L-love You” Pautal na pagpapahiwatig ni Jayson
“I Love You too” sagot ni Joyce, napangiti si Jayson, “ibig sabihin?”, tanong ni Jayson “Oo, Jayson, sinasagot na kita”
                Kinabukasan, may dalang bulaklak si Joyce papunta sa kwarto ni Jayson, nakangiti at excited si Joyce kada hakbang at akyat sa bawat baytang ng hagdanan. Pagdating niya sa kwarto, nakita niya ang buong pamilya ni Jayson, nag-iiyakan, at naghihinagpis sa pagkawala ni Jayson. Nabitiwan ni Joyce ang dala niyang mga bulaklak at napaluha na lang. Inilabas niya ang mga One Half Sheet of Paper na puro pasado ang marka nang dahil kay Jayson.
THE END

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN