ANG MASARAP NA SINAMPALALUKANG MANOK (RECIPE)


ANG MASARAP NA SINAMPALALUKANG MANOK
Ni: Jericho Paul De Guzman
                Totoong napakahilig ng mga Pilipino sa maaasim na pagkain tulad na lamang ng prutas na puno ng vitamin C at Sinigang sa baboy, sa isda at kung anu-ano pa. Ang lutuing ito ay kahalintulad lamang ng sinigang, subalit ang sinampalukang manok ay gumagamit ng sariwang manok at sampalok, pero puwede na rin namang gumamit ng powdered sampalok na pampa-asim.
                Iba-iba ring sahog na gulay ang nilalagay dito, mayroong naglalagay ng malunggay, kangkong, pechay at minsan ay mustasa, luya at bawang naman ang nagbibigay ng masarap na lasa sa lutuing ito.
MGA SANGKAP
Isang kilong manok
Powdered sampalok
Kangkong o Malunggay
Luya
Sibuyas at bawang
Kamatis
Labanos
Okra at sitaw
Asin at paminta
PARAAN NG PAGLUTO
                Igisa sa mainit na mantika at kawali ang sibuyas, bawang at kamatis, isunod din ang Luya at igisa itong mabuti hanggang lumabas ang katas at lasa nito. Igisa na rin ang manok at lagyan ito ng tubig at pakuluan hangga’t ito’y lumambot.
                Habang pinapakuluan, timplahan ito ng asin at paminta pati na rin ng powedered sampalok at saka ilagay ang okra, sitaw at labanos. Kapag maayos na ang lasa, at malambot na ang manok, ilagay na rin ang kangkong o malunggay.
                Siguradong tatagaktak ang iyong pawis kapag natikman ang sarap ng Sinampalukang Manok at for sure, mapapa-extra rice at mapapaulit ka pa.

Image result for sinampalukang manok

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN