Posts

Showing posts from October, 2020

GINILING NA BABOY (RECIPE)

Image
  May Baka, Baboy at iba pa, alam n’yo ban a napakaraming puwedeng lutuin sa giniling? Lalong lalo na sa baboy, maaari itong gawing Lumpiang shanghai, panahog sa iba;t ibang lutuing gulay at sa mga ginisang ulam.             Maaari rin itong itorta sa itlog at gawing pangunahing ulam na may sarsa pa. Marahil ito’y nakaka-high blood, ayos naman kung paminsan-minsan lang.             Isa sa mga paboritong luto ng mga Pilipino ay ang Giniling na baboy with Sarsa kaya naman kakailanganin lamang ng ilang minuto upang ito’y ihanda. MGA SANGKAP Isang kilo ng giniling na baboy ¼ kilo ng sariwang patatas Apat na piraso ng siling pula (bell pepper) Kalahating kilo ng tomato sauce Anim na piraso ng nilagang itlog Isang putting sibuyas Apat na piraso ng bawang Apat na kutsara ng mantika Asin at paminta ¼ cup ng asukal Dalawang baso ng tubig PARAAN NG PAGLULUTO             Igisa sa mantika ang sibuyas at ang dinikdik na bawang, hintayin itong mamula. Kapag mapula n

ONLINE SURFING, MAKAKATULONG PARA HINDI MA-DEPRESS ANG MGA SENIOR CITIZEN

  Ang internet ay hindi lang para sa mga kabataan at mayayaman, nakakatulong din ito upang mabawasan ang stress at maiwasan ang pagka-depress ng isang senior citizen. Karaniwang nade-depress ang mga may edad tuwing sila ay nag-iisa o madalas ay wala ng makausap o ang sobrang kalungkutan.                 Nararamdaman kasi nila na napag-iiwanan na sila ng panahon, kaya naman isinusulong ng mga pag-aaral na turuan at pahalagahan ang social life ng ating pinakamamahal na lolo at lola sa pamamagitan ng kinahuhumalingan ng lahat ngayon, ang internet.                 Ayon sa ilang Psychologist, nakakatulong ito dahil napapanatiling konektado at magkakaugnay ang mga senior citizen sa kanilang mahal sa buhay kahit ito’y nasa malayo na. Nakaka-chat at malalaman nila kung ito ay nasa mabuting kalagayan. Nagkakaroon din ng significance ang online surfing para sa mga senior citizen kung ito ay nakakabuti na maging “in” sila sa uso at hindi nagpapahuli sa mga pag—click ng like at share.       

BUKO PALABOK, MASUSTANSIYANG – MASUSTANSIYA (RECIPE/HEALTH)

Image
  Sa init ng panahon ngayon, ano ba ang mga alternatibong paraan upang hindi tayo ma-dehydrate o maubusan ng tubig sa katawan at magpapapresko sa atin ngayong usong-uso ang heat stroke? Unang – una sa listahan ang buko, hindi lang pampapresko, matutulungan pa tayong linisin ang ating bato at maiwasan ang pagkakaroon ng UTI. Ang buko ay nagtataglay ng iba’t – ibang bitamina tulad na lamang ng Vitamin C, B6, Calcium, Iron at Magnesium. May iba’t – ibang gamit din ito at maituturing na walang sayang ang puno ng buko, puwedeng gawing oil, gatas, pang salad, lotion, sabon, shampoo, at kung ano-ano pa. Ginagamit na rin itong pangunahing sangkap sa iba’t – ibang klase ng lutuin, tulad na lamang sa Spaghetti, Sinigang at maging sa Palabok. Ang pangunahing sangkap nito ay ang ginayat na laman ng buko, ito na rin ang magsisilbing noodles ng palabok, ang ilang mga sangkap ay ang atsuete, bawang, sibuyas, mantika, asin, paminta, kalamansi, hiniwang baboy, dinurog na tinapa (tinapa flakes), n

SECOND HAND PRODUCTS, MABENTANG – MABENTA

  Sa hirap ng buhay, hindi maiwasan na ibenta ang mga naipundar na gamit tulad ng iba’t – ibang appliances, electronics, alahas at iba pang gamit na mahalaga. Basta’t kailangan ng pera, kundi mangungutang, mas pinipili ng ibenta na lamang ang iba pang mga gamit.                 Pero mas mainam kung ang mga ibebentang gamit ay yung mga hindi na ginagamit subalit mapakikinabangan pa ng iba tulad ng mga damit na mahuhusay pa, kung may sobrang appliance tulad ng telebisyon o radio na hindi naman gaanong nagagamit, maaari na itong ibenta.                 Mas pinipili ng ilan na i-post ito kung saan-saang online selling pero kung kapos naman sap era at walang access sa internet at walang magagarbong gamit, maaari itong ilako sa labas o kaya naman ialok sa mga kapitbahay upang magkaroon ng pera.                 Sa isang kalye sa Rodriguez, Rizal, matatagpuan ang mga sari-saring gamit na ibinebenta sa gilid ng kalsada, dinudumog naman ito ng mga tao dahil sa mababang presyo. Kabilang sa

ANG LOVER KONG KUNDOKTOR (SHORT STORY) - LAST PART

  Naguguluhan sa nangyayari sa Jasmine kaya naman umalis din ito at sinundan sila John. Sa gilid ng mall natagpuan ni Jasmine ang dalawa, nagtago siya sa gilid at pinakinggan ang pinag-uusapan, wala na ganung tao sa mga oras na iyon, “John, I’m sorry, ‘di ko gusting saktan ka, pero hindi talaga kita mahal” ika ni Rose, “Dapat una pa lang sinabi mo na para hindi na ako nagmukhang tanga sayo! Ginagamit mo lang pala ako, sa mga araw na malungkot ka, sa mga araw na nag-iisa ka, ako ang lagi mong tinatawagan, ako ang lagi mong sandalan! At kalian mo balak sabihin ang tungkol sa mga bagay na ito?” galit at naluluhang dayalogo ni John, “All these years, iniwan ko ang pamilya ko sa Amerika ng dahil sayo, binalewala ko ang kayamanan na makukuha ko dahil gusto kitang makasama habang buhay, akala ko ikaw ang taong mamahalin ako, akala ko ikaw na ang babaeng pakakasalan ko, hindi pala, niloko mo lang ako!” dagdag pa ni John, nanlaki naman ang mga mata ni Rose ng marinig ang mga salitang iyon, “Sor

ANG LOVER KONG KUNDOKTOR (SHORT STORY) - PART 4

  “Pare, ayus ‘yun a’, ligawan mo na!” Ika ni Rey, “Hindi ako two-timer tulad mo! Ikaw lang ‘yun” Sagot ni John, “Ano’ng two-timer? Tumigil ka nga! Kung girlfriend mo ‘yung Rose na ‘yun, bakit hindi mo maisabay dito sa bus ‘yun? Sa picture ko pa nga lang nakikita ‘yun e’” Pagtatanong ni Rey. Biglang nanahimik si John, tila napaisip sa mga sinabi ni Rey pero hindi niya maiwasan na isipin na baka totoo nga ang mga sinabi ni Rey, pumunta ito sa likod ng bus, itinapat niya ang aircon sa kanyang sarili at iniliabas ang aircon, nagtype siya sa kanyang cell phone, “Rose, tuloy tayo mamaya ha, I Love You,” mensahe ni John, hindi nagreply si Rose, umabot na ng hapon, walang reply na dumarating at hanggang umabot na ng gabi, huling biyahe na nila John at Rey subalit wala pa ring pagtunog ang kanyang cell phone. Habang naghihintay na lamang ng mga bumababa sa bus, nang biglang tumunog ang kanyang cell phone, kaya naman agad niya itong binuksan at binasa ang mensahe, bigla siyang nalungkot ng maki

ANG LOVER KONG KUNDOKTOR (SHORT STORY) - PART 3

  Sa totoo lang, isang magsasaka si Jasmine bago pa ‘man siyang makapunta sa Manila para magtrabaho, ito ang nakapagtapos sa kanya sa kursong accounting, dahil kapos ang pamumuhay sa probinsya, pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral sa sarili niyang mga kamay, nakatapos siya ng cum laude. Kahit maputi ang balat niya, nasanay naman ito na babad sa araw at napakasimple lang nang pamumuhay. Swerte naman nakapasa at nakapasok siya sa isang sikat na kumpanya at sakto rin naman na may mabait siyang pinsan na nakatira sa Caloocan kaya naman naghanap ito ng mauupahan na malapit lang dito, ang pinsan niya rin ang nagturo sa kanya kung paano ang maging sosyal dahil bagay naman it okay Jasmine dahil sa kulay at ganda nito. Simula noon, napakaraming nanliligaw at nagpaparamdam kay Jasmine, at ni-isa rito, wala siyang sinagot.   “Bata! Simula pala mamaya hindi na tayo magkasama, may bagong hired na kundoktor e’” bungad ni Kuya Ernie, “Ha? Maayos naman ako magtrabaho a’ bakit nila ako tatang

ANG LOVER KONG KUNDOKTOR (SHORT STORY) - PART 2

  Habang nakahiga si John, naisip niya ang mga sinabi ni Ernie “Sasagutin pa ba ako ni Rose?” Halos walong buwan na rin siyang nanliligaw dito pero hanggang ngayon ay hindi pa siya sinasagot. Nagulat siya ng biglang may tumawag sa kanyang cell phone, si Rose “Hello Rose, napatawag ka?” Tanung ni John “John, pwede ba tayong magkita?” Ika ni Rose, “Ngayon na mismo? Gabi na ‘a” ika ni John, “may problema kasi, gusto ko lang ng makakausap” pagpapaliwanag ni Rose, “sige papunta na ako” May dalang hamburger si John ng pumunta sa bahay nila Rose, natagpuan niya ito sa labas ng bahay, nag-iisa at halatang halata ang pagkalungkot. “May problema ba?” tanong ni John, “Nag-away si Mama at si Papa kanina dahil sa babae, sabi ni Papa, hihiwalayan na niya si Mama dahil hindi na niya tio mahal, kaya nasaktan si Mama, umalis siya at hindi ko na makita, hinanap ko na lahat ng pwede niyang puntahan pero hindi ko siya nakita, si Papa naman tuluyan ng sumama sa babae niya.” Pagkukwento ni Rose. “Gano’on

ANG LOVER KONG KUNDOKTOR (SHORT STORY) - PART 1

                                Mainit at iritan-irita na si Jasmine dahil wala siyang masakyang bus na galing Taft Ave. to SM Fairview, bihira na kasi ang bus dahil na ordinansa ng Maynila, kaya naman madalas ang siksikan at laging standing, air-conditioned man o ordinary lalong-lalo na tuwing rush hour.                           Dahil wala ng choice si Jasmine, sumakay siya ng ordinary bus at sobrang siksikan na, bago pa man, pumewesto muna siya sa likod upang makaiwas sa dukutan, mahigpit siyang humawak sa hawakan ng bus dahil napakabilis ng takbo nito at napakalakas mag-preno, byaheng langit nga kung tawagin ng ilan ang pagsakay ng ordinary bus. Kinakabahan si Jasmine dahil first time nitong sumakay ng ordinary bus, mas komportable kasi siya sa ordinary bus at sanay sa aircon.                Habang bumabalagkas ang bus sa kahabaan ng España sa Maynila, napansin nitong napakabilis ng bus at beating the red light ang nakikita niyang dahilan nito. Nakita niya rin na palapit na ang

Nakakatamad MAGSULAT

Image
Lately, super tinatamad talaga ako magsulat at magpublish ng kung anu-ano man dito sa BLOGGER, pero seryoso, napakarami kong naka-line up na stories, pangkabuhayan tips, recipes, at marami pang iba. Although mas madali ang mag blog kaysa magVlog, nakakaengganyo rin ang mag isip ng content, pero dahil hindi ako magaling mag edit ng videos, 'wag na lang. Haha. Tinry ko gumawa ng mga videos pero mukhang wala namang kwenta kaya hinayaan ko nalang at magbabalik loob na lamang ako sa pagsusulat. Ito ang ilang mga video na inupload ko sa aking channel.

DEPRESYON DULOT NG PANDEMYA

          Marahil maraming tao ngayon ang dumaranas ng matinding depresyon, kabilang na ang mga taong nawalan ng hanapbuhay, mga taong nawalan ng pag-asa, mga taong nalugi ang negosyo, mga taong natanggal sa trabaho at mga taong nauwi sa hindi magandang karanasan ang kani-kanilang buhay. Simula nitong Marso ipinatupad ang Community Quarantine o mas kinilalang lockdown sa Metro Manila at mga karatig probinsya at ilang buwan itong nagtagal. May mga nakatanggap ng tulong pinansyal at may mga nakatanggap din ng relief goods mula sa ating gobyerno. Subalit, sa dami ng populasyon ng Pilipinas at karamihan sa mga ito ay mahihirap, hindi ito lubos na natugunan.            Isa sa lubos na tinamaan ng Pandemya ang Metro Manila, simula noong Mayo ay umaabot na sa libo ang nagiging kumpirmadong kaso ng Covid-19 kada araw. Ang Covid-19 na ito ay syang sumira sa lahat ng nakatakdang plano hindi lamang sa Pilipinas kung hindi kasama na rin ang buong Mundo. Sa Ngayon, nasa ika-20 na pwesto ang Pilip

Si Spotify at AKO

Image
I love listening to music, everything about music, POP, Christian, RNB, Country, Alternative Rocks even Hip hop and etc. Kung ayan ay may tono ay may liriko, paniguradong pakikinggan ko yan. Kaya sa panahon ngayon, si Spotify na lamang ang aking malalapitan, thanks God, hindi ko na need magdownload ng music or ng song kung may bago akong gustong pakinggan, search ko nalang sa Spotify at usually mayroon na sila nito. Sa dami ng pinagdadaanan ko ngayon, si Spotify nalang ang totoong kaibigan na nakikinig sakin, lahat ng drama ko sa buhay, siya lahat ang saksi, hindi rin ako ako komportable magkwento ng face to face, mahilig ako magsulat, oo, pero sa tuwing ako'y nalulungkot, kukuha lamang ako ng earphone at bubuksan na ang aking paboritong playlist. Narito nga pala ang aking mga paboritong playlist sa spotify na talagang pumapawi ng pagod, lungkot at minsan kahit masaya ay syang nakadaragdag at nakakapagpagaan ng aking kalooban. https://open.spotify.com/playlist/0z30TgGYsOiRo