ONLINE SURFING, MAKAKATULONG PARA HINDI MA-DEPRESS ANG MGA SENIOR CITIZEN

 

Ang internet ay hindi lang para sa mga kabataan at mayayaman, nakakatulong din ito upang mabawasan ang stress at maiwasan ang pagka-depress ng isang senior citizen. Karaniwang nade-depress ang mga may edad tuwing sila ay nag-iisa o madalas ay wala ng makausap o ang sobrang kalungkutan.                

Nararamdaman kasi nila na napag-iiwanan na sila ng panahon, kaya naman isinusulong ng mga pag-aaral na turuan at pahalagahan ang social life ng ating pinakamamahal na lolo at lola sa pamamagitan ng kinahuhumalingan ng lahat ngayon, ang internet.

                Ayon sa ilang Psychologist, nakakatulong ito dahil napapanatiling konektado at magkakaugnay ang mga senior citizen sa kanilang mahal sa buhay kahit ito’y nasa malayo na. Nakaka-chat at malalaman nila kung ito ay nasa mabuting kalagayan. Nagkakaroon din ng significance ang online surfing para sa mga senior citizen kung ito ay nakakabuti na maging “in” sila sa uso at hindi nagpapahuli sa mga pag—click ng like at share.

                Kaya ‘wag magalit kung mahirap turuan ang mga senior citizen, pasensya lang at tiyak na magiging happy ang ating mga lolo’t lola.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN