ANG LOVER KONG KUNDOKTOR (SHORT STORY) - PART 2
Habang
nakahiga si John, naisip niya ang mga sinabi ni Ernie “Sasagutin pa ba ako ni
Rose?” Halos walong buwan na rin siyang nanliligaw dito pero hanggang ngayon ay
hindi pa siya sinasagot. Nagulat siya ng biglang may tumawag sa kanyang cell
phone, si Rose “Hello Rose, napatawag ka?” Tanung ni John “John, pwede ba tayong
magkita?” Ika ni Rose, “Ngayon na mismo? Gabi na ‘a” ika ni John, “may problema
kasi, gusto ko lang ng makakausap” pagpapaliwanag ni Rose, “sige papunta na
ako”
May dalang
hamburger si John ng pumunta sa bahay nila Rose, natagpuan niya ito sa labas ng
bahay, nag-iisa at halatang halata ang pagkalungkot. “May problema ba?” tanong
ni John, “Nag-away si Mama at si Papa kanina dahil sa babae, sabi ni Papa,
hihiwalayan na niya si Mama dahil hindi na niya tio mahal, kaya nasaktan si
Mama, umalis siya at hindi ko na makita, hinanap ko na lahat ng pwede niyang
puntahan pero hindi ko siya nakita, si Papa naman tuluyan ng sumama sa babae
niya.” Pagkukwento ni Rose. “Gano’on ba?” Sagot ni John, “pwede bang samahan mo
ako ngayon gabi, natatakot kasi ako nab aka may nangyari kay Mama, di ko alam
kung ano gagawin ko kapag nawala siya e’” ika ni Rose. Nag alangan si John na
samahan si Rose dahil walang ibang tao sa bahay, ayaw niya pero naaawa siya sa
kalagayan ni Rose, kaya naman pumayag din ito.
“Hay naku!!!!
Nasaan na kaya ‘yung lalaking iyon? Wala na kaming kikitain nito”
panghihinayang ki Kuya Ernie. Alas singko na ng umaga pero wala pa rin ang
kundoktor ni Kuya Ernie, umabot na ng alas syete at wala pa rin ito.
Sinusubukang tawagan ni Kuya Ernie ang cell phone ni John subalit walang
sumasagot at hindi rin ito maka-biyahe kapag walang kundoktor.
Mag aalas
nueve na ng dumating si John, nakangiti ito at maaliwalas ang mukha. “Tara na
kuya!” pag-aayaya ni John kay Kuya Ernie, “May balak ka pa palang bumiyahe? Ano
pa kikitain natin nito? Mapapagalitan na naman tayo at wala na naman tayong
sasahurin, palibhasa wala kang binubuhay!” Galit na pagpapaliwanag ni Kuya
Ernie. “Sorry na kuya, babawi ako!” Sagot ni John, “Aba, dapat lang!” Ika ni
Kuya Ernie, “Oo naman kuya, lalo na ‘yan naka-score na ako kay Rose” masayang
kwento ni John. “Ano?” gulat na tanung ni Kuya Ernie, “kaya na-late ako kasi
may nangyari sa amin kagabi” ika ni John, nagulat na lang si Kuya Ernie at
hindi napigilang mapamura. “Sinagot ka na ba niya?” Tanong ni Kuya Ernie,
“tingin ko hindi na kailangan ng ‘OO’ niya para malaman kung sinagot niya ako o
hindi, ayun na ‘yun” sagot ni John.
Ilang araw ng
umaasa si Jasmine na makita niyang muli si John, lagi na rin siyang sumasakay
ng ordinary bus upang ma-tyempuhan ang lalaking nagpatibok sa kanyang puso.
Subalit sa dalawang linggong pag-hihintay, hindi na niya muli itong nakita,
kaya naman sumuko na siya, kaya habang nag-aabang ng masasakyan,
air-conditioned bus na sana ang kanyang sasakyan pero napakatagal ng dating
nito, apat na ordinary bus na ang dumaan pero wala pa ring aircon, nang biglang
dumaan ang isang pamilyar na bus, agad niya itong sinakyan, at maswerte siyang
maluwag at makakaupo pa siya. Sa likod siya umupo upang mas madali niyang
matanaw ang dapat niyang tanawin. ‘Pagkaupo niya sa likod, ginala niya agad ang
kanyang mga mata, ‘TUMPAK!’ sa wakas, nakita niyang muli si John, ang kundoktor
na nagpatibok ng kanyang puso, kaya agad itong nag-ayos, nagpabango at
nagpowder, agad naman nagreact ang katabi niya “Ano ba yan miss!” kaya naman
napatigil siyang bigla. Hindi siya nakilala ni John, “Saan po kayo ma’am?”
tanong ni John, “Nalungkot bigla si Jasmine, ‘di niya aakalin na hindi na siya
kilala “A’ SM Fairview” iniabot ni Jasmine ang saktong thirty five pesos pero
nagulat siya nang hindi ito kinuha ni John, “A’ bayad ko” dagdag ni Jasmine,
“Sige na, libre ko na sayo ‘yan” sagot ni John, napangiti si Jasmine at tila
kinikilig sa tuwa hindi dahil sa nakalibre siya kundi sa nakilala pa pala siya
ng kundoktor.
Sa wakas,
nakababa na ang lahat, sadyang nagpaiwan si Jasmine upang lalong makakwentuhan
si John, halata ni Jasmine na nahihiya si John kaya naman siya na ang nagsimula
ng konbersasyon. “Taga saan ka? Ilan kayong magkakapatid? Ilang taon ka na?” At
iba’t-iba pang mga tanong na sinasagot naman ni John, nagpadeliver pa nga ng
makakain si Jasmine sa isang restaurant malapit lamang sa pwesto ng bus, “Kuya
kain po” pag-aya ni Jasmin kay kuya Ernie, “Sige sa inyo na lang ‘yan, mag date
lang kayo” pang aasar ni Kuya Ernie sabay tawa ng malakas. “Date ka d’yan!”
sagot naman ni John, “A’ Jasmine, taken na kasi ako e’” dagdag pa ni John,
nahalata ni John na nalungkot si Jasmine kaya naman napayuko na lang ito.
“Ano ka ba?
Nakikipagkaibigan lang naman ako sayo, ‘di naman ako nanliligaw, masama bang
makipagkaibigan?” Palusot ni Jasmine. “A’ hindi, hindi, syempre magkaibigan na
tayo ngayon,” sagot ni John sabay ngiti kay Jasmine. Ngumiti na rin si Jasmine
at agad na itong nagpaalam, “sige John, baka hinahanap na ako sa bahay, mauna
na ako.” Palusot ni Jasmine kahit wala naman siyang kasama sa bahay dahil nasa
probinsya ang kanyang mga magulang at pamilya.
ITUTULOY...
Comments
Post a Comment