ANG LOVER KONG KUNDOKTOR (SHORT STORY) - PART 4
“Pare, ayus
‘yun a’, ligawan mo na!” Ika ni Rey, “Hindi ako two-timer tulad mo! Ikaw lang
‘yun” Sagot ni John, “Ano’ng two-timer? Tumigil ka nga! Kung girlfriend mo
‘yung Rose na ‘yun, bakit hindi mo maisabay dito sa bus ‘yun? Sa picture ko pa
nga lang nakikita ‘yun e’” Pagtatanong ni Rey. Biglang nanahimik si John, tila
napaisip sa mga sinabi ni Rey pero hindi niya maiwasan na isipin na baka totoo
nga ang mga sinabi ni Rey, pumunta ito sa likod ng bus, itinapat niya ang
aircon sa kanyang sarili at iniliabas ang aircon, nagtype siya sa kanyang cell
phone, “Rose, tuloy tayo mamaya ha, I Love You,” mensahe ni John, hindi
nagreply si Rose, umabot na ng hapon, walang reply na dumarating at hanggang
umabot na ng gabi, huling biyahe na nila John at Rey subalit wala pa ring pagtunog
ang kanyang cell phone. Habang naghihintay na lamang ng mga bumababa sa bus,
nang biglang tumunog ang kanyang cell phone, kaya naman agad niya itong
binuksan at binasa ang mensahe, bigla siyang nalungkot ng makita na si Jasmine
lamang ang nagtext, isang Quotation lamang ang laman ng mensahe.
“Nasaan ka
na?” Tanung ni John kay Jasmine sa kanyang mensahe, agad naman nagreply si
Jasmine, “Nakasakay sa bus, bandang Litex na!” Sagot ni Jasmine, “Litex? E’
nasa litex na rin kami e’, naka ordinary bus ka lang ba?” Tanong ni John, “Nasa
aircon, kitang-kita nga kita mula dito sa inuupuan ko e’” sagot ni Jasmine,
agad na nilibot ni John ang kanyang mga mata sa likod ng bus, agad naman niyang
nakita si Jasmine sa pinakadulo ng bus kaya naman nilapitan niya ito. “Sorry,
‘di kita napansin, ‘di ka tuloy nakalibre ng pamasahe” paghingi ng paumanhin ni
John, “Sinadya ko talagang hindi magpakita, ‘nung patungtung ko palang sa bus
nakita agad kita kaya nagtago ako ng mukha at sa likod ako umupo para di mo
talaga mahalata, nakakahiya na kasi, ikaw na lang ang laging nanlilibre, bukas
ng umaga ililibre kita!” sagot ni Jasmine, “Bakit bukas pa? ‘di ba pwedeng
ngayon na?” Tanong ni John, “Ngayon na? diba may date ka?” tanong naman ni
Jasmine. Napayuko na lamang si John at kapansin-pansin ang pagkalungkot sa
kanyang mga mukha, “’di na kasi matutuloy e’ may emergency lang” ika ni John,
“Ganun ba?” Sagot naman ni Jasmine.
Sa isang
mamahaling restaurant pumasok sila Jasmine, “Teka, teka! Mahal dito a’?”
pagpigil ni John, “Ilang beses mo ba ako nilibre sa bus? Bawi lang ako” sagot
ni Jasmine, sobrang saya ni Jasmine sa gabing iyon, kumain at nagkwentuhan sila,
nakwento rin ni John na may tatlo pa siyang kapatid, buhay pa rin ang kanyang
mga magulang at lahat sila ay nasa Amerika, may kaya ang kanyang pamilya, may
kumpanya ang kanyang ama sa Los Angeles, at ito ang bumubuhay sa kanila. Pero
ayaw ni John na manirahan sa Amerika, kaya naman nagpaiwan siya rito sa
Pilipinas at naghanap ng sariling mapagkakakitaan. Ganun din si Jasmine, nakwento
niya ang buhay probinsya at ang kanyang mga paghihirap upang maging isang
accountant.
“Mayaman ka
pala e’” ika ni Jasmine, “pero bakit ayaw mong manirahan sa Amerika?” tanong ni
Jasmine, “Nandito kasi ang taong mahal ko” sagot ni John, halata ang lungkot na
nramdaman ni Jasmine subalit sinundan niya agad ito ng payo, “pwede mo naman
siyang mahalin kahit malayo kayo sa isa’t-isa, basta ang importante may tiwala
ka lang sa kanya, at ganon din dapat siya” payo ni Jasmine, “Oo, tama ka d’yan
pero ‘pag nagmahal ka kasi, gusto mo lagi mo siyang kasama, gusto mo lagi mo
siyang nakikita, at gusto mo lagi mo siyang nakakausap” sagot ni John,
“Sabagay, hindi naman kita masisisi e’, ‘di pa kasi ako nagmahal” ika ni
Jasmine na napayuko at tinuloy na lang ang pagkain, nagulat naman si John sa
kanyang narinig, “ibig sabihin, sa ganda mong ‘yan, ‘di ka pa
nagkaka-boyfriend?” gulat na tanong ni John, “Oo, may mga nanliligaw pero
binabasted ko agad ‘pag di ko naman gusto, ayoko
lang kasing umasa pa sila sakin tapos wala naman silang mapapala”
pagpapaliwanag ni Jasmine, napaisip naman bigla si John sa kanyang mga narinig,
sa isip-isip niya, pinapaasa lang ba siya ni Rose at dapat na niya itong
pakawalan?
Saktong
patapos na silang kumain, biglang may pumasok sa restaurant, si Rose, may
kasama itong lalaking halos kasing edad niya lang at naka-akbay ito sa kanya,
panay din ang halik ni Rose sa lalaking kasama niya, napatitig si John kung si
Rose nga talaga ang kanyang nakikita, titig na titig siya, napansin ni Jasmine
ang pagkatitig ni John kay Rose. Napansin din niya ang mga mata ni John na tila
mamamaga at namamasa-masa, naiiyak si John, kaya naman agad niyang nilingon ang
tinititigan ni John, at ibinalik ang kanyang tingin kay John, “Okay ka lang?”
tanong ni Jasmine, “Hindi, pwede bang umalis na tayo rito?” tanung naman ni
John, agad tumayo si John subalit nakita siya ni Rose, nagkatitigan silang
dalawa, kitang-kita ang pagkagulat sa mga mukha ni Rose at napayuko na lamang
ito, “Babe, may problema ba?” tanung ng lalaking kasama ni Rose, agad naman
lumabas ng restaurant si John at tuluyang iniwan si Jasmine sa loob ng
restaurant, agad naman sinundan ni Rose si John upang komprontahin.
Comments
Post a Comment