BUKO PALABOK, MASUSTANSIYANG – MASUSTANSIYA (RECIPE/HEALTH)
Sa init ng
panahon ngayon, ano ba ang mga alternatibong paraan upang hindi tayo
ma-dehydrate o maubusan ng tubig sa katawan at magpapapresko sa atin ngayong
usong-uso ang heat stroke? Unang – una sa listahan ang buko, hindi lang
pampapresko, matutulungan pa tayong linisin ang ating bato at maiwasan ang
pagkakaroon ng UTI.
Ang buko ay
nagtataglay ng iba’t – ibang bitamina tulad na lamang ng Vitamin C, B6,
Calcium, Iron at Magnesium. May iba’t – ibang gamit din ito at maituturing na
walang sayang ang puno ng buko, puwedeng gawing oil, gatas, pang salad, lotion,
sabon, shampoo, at kung ano-ano pa.
Ginagamit na rin
itong pangunahing sangkap sa iba’t – ibang klase ng lutuin, tulad na lamang sa
Spaghetti, Sinigang at maging sa Palabok.
Ang pangunahing
sangkap nito ay ang ginayat na laman ng buko, ito na rin ang magsisilbing
noodles ng palabok, ang ilang mga sangkap ay ang atsuete, bawang, sibuyas,
mantika, asin, paminta, kalamansi, hiniwang baboy, dinurog na tinapa (tinapa
flakes), nilagang itlog at chicharon.
PARAAN NG PAGLUTO
Igisa
ang sibuyas, bawang at atsuete sa mainit na mantika, ilagay din ang durog na
tinapa at baboy at hintayin itong pumula. Habang naggigisa, ilaga ang itlog
(Hard-boiled egg), pagkagisa, lagyan ng tubig o sabaw, lagyan na rin ng asin at
paminta at hintaying lumapot ang sabaw nito.
Pagkaluto,
ilagay ang sauce sa ibabaw ng ginayat na buko at saka ito lagyan ng toppings na
chicharon at sliced na nilagang itlog at pigaan ito ng kalamansi sa ibabaw.
Napakasarap
na, napakasustansiya pa, tunay na kakaiba ang lutuing ito kaya naman subukan na
at mapatalon sa kakaibang lasa at sarap ng buko palabok.
Comments
Post a Comment