ANG LOVER KONG KUNDOKTOR (SHORT STORY) - LAST PART
Naguguluhan
sa nangyayari sa Jasmine kaya naman umalis din ito at sinundan sila John. Sa gilid
ng mall natagpuan ni Jasmine ang dalawa, nagtago siya sa gilid at pinakinggan
ang pinag-uusapan, wala na ganung tao sa mga oras na iyon, “John, I’m sorry,
‘di ko gusting saktan ka, pero hindi talaga kita mahal” ika ni Rose, “Dapat una
pa lang sinabi mo na para hindi na ako nagmukhang tanga sayo! Ginagamit mo lang
pala ako, sa mga araw na malungkot ka, sa mga araw na nag-iisa ka, ako ang lagi
mong tinatawagan, ako ang lagi mong sandalan! At kalian mo balak sabihin ang tungkol
sa mga bagay na ito?” galit at naluluhang dayalogo ni John, “All these years,
iniwan ko ang pamilya ko sa Amerika ng dahil sayo, binalewala ko ang kayamanan
na makukuha ko dahil gusto kitang makasama habang buhay, akala ko ikaw ang
taong mamahalin ako, akala ko ikaw na ang babaeng pakakasalan ko, hindi pala,
niloko mo lang ako!” dagdag pa ni John, nanlaki naman ang mga mata ni Rose ng
marinig ang mga salitang iyon, “Sorry talaga, inaamin ko, mataas ang naging
pangarap ko, gusto ko mayaman, may pera at gagawin akong prinsesa, gusto ko ng
magarang mga kasuotan at magandang bahay, ayun ang gusto ko” paliwanag ni Rose,
“Simula ngayon Rose, hindi na tayo magkaibigan, simula ngayon hindi na kita
kilala” galit at basta na lang umalis si John.
Kinabukasan,
pagkagising ni John, napakaraming text messages ang hindi niya nabasa, ang
lahat ng ito ay galing kay Rose, subalit, imbes na basahin, binura na lamang
niya ito at dumeretso na sa pagsisipilyo. Maya-maya, may nagtext na naman,
“Okay lang ‘yan, ‘di baleng hindi ka niya mahal, ang mahalaga ikaw ang marunong
magmahal – Good morning” mensahe mula kay Jasmine, agad naman napangiti si
John, at nagreply “Sabay ka nalang ulit samin” ika ni John, “Salamat, pero
hindi pwede e’ nandito ako ngayon sa probinsiya, dinalaw ko mga magulang ko,
namimiss ko na sila e’” Sagot ni Jasmine, “Buti ka pa, ako din namimiss ko na
rin ang buong pamilya ko, nagsisisi nga ako kung bakit iniwan ko pa sila e’”
ika ni John, “alam mo, lahat ng bagay may dahilan” sagot ni Jasmine.
Makalipas ang
dalawang linggo, naka-move on na si John, tinawagan na ulit siya ng kanyang ama
na sumunod na sa Amerika at pumayag naman ito, “Pare, chocolates a’ ‘wag na
‘wag mong kakalimutan ‘yan” biro ni Rey, “Hindi na ako babalik dito, bumili ka
nalang diyan” pilyong sagot ni John, “Grabe ka naman, chocolate lang ipagkakait
mo pa! Pwede naman ipadala yan a’” hinaing ni Rey, “Sige, dahil huling araw ko
na sa pagiging kundoktor, bibilhan kita ngayon” sagot ni John, “Sabi mo yan
ha!” masayang sagot ni Rey.
Habang
kumakain ng chocolate ang dalawa, nakita ni Rey si Jasmine sa kalsada na
nag-aabang ng bus na sasakyan. “John, John, yung babaeng KAIBIGAN mo ‘yun
diba?” tanong ni Rey, agad naman napalingon si John sa labas at agad din itong
bumaba para tawagin si Jasmine. “Jasmine!” Pagtawag ni John, agad na lumingon
si Jasmine at nagulat sa kanyang nakita, “ikaw pala? Kamusta na? long time no
see a’” ika ni Jasmine, “Oo na e’ tara sakay ka na” sagot ni John. Agad naman
sumakay si Jasmine sa bus at pagkaupo, nakita agad ni Jasmine na napakaraming
chocolate sa harap, “wow ang daming chocolate, anong meron?” tanong ni Jasmine,
“Aalis na kasi sa isang linggo si John, pupunta na siya ng Amerika, ‘dun na raw
siya titira kaya nilibre niya ako, kaya magpalibre ka rin, hindi pwedeng
pamasahe lang ang ilibre sayo!” pagpapaliwanag ni Rey, agad nalungkot si
Jasmine, pero makalipas kasi ng nangyari kay John at kay Rose, alam na niyang
mangyayari ito kaya hindi na siya nagparamdam dito, ayaw niya rin masaktan
dahil alam niyang iiwanan din siya nito dahil si Rose ang tunay na iniibig
nito. Hindi na nagsalita si Jasmine, umupo na lang siya at tumingin sa labas ng
bintana, hindi niya namalayan na umiiyak na pala siya.
Napansin agad
ni John na umiiyak si Jasmine kaya inabutan niya ito ng panyo “a’ hindi na,
sorry, ano ba ‘yan? Bakit ako umiiyak?” sabay tawa, pagpapaliwanag ni Jasmine,
“Kung gusto mo, hindi na ako aalis” bulong ni John kay Jasmine, nanlaki ang mga
mata ni Jasmine at iniayos niya ang kanyang pag-upo, “Seryoso ka? Hindi naman
ayun ang iniiyakan ko, saka ano ka ba, nandun ang buong pamilya mo, saka
mapapaayos ang buhay mo ‘dun” agad na pagpapaliwanag ni Jasmine, kinagat ni
John ang kanyang mga labi at tumabi ng pagkakaupo kay Jasmine, “Pwede ba kitang
ligawan?” mahinang tanong ni John, naninikip ang dibdib ni Jasmine, totoong
ayaw niyang umalis si John, at kilig ang kanyang nararamdaman, “Diba nga aalis
ka na? kung sagutin ‘man kita, paano ang magiging relasyon natin?” tanung ni
Jasmine, “Sabi mo sakin dati, pwede mo naman siyang mahalin kahit malayo kayo
sa isa’t-isa, basta ang importante may tiwala ka lang sa kanya, at ganon din
dapat siya” paliwanag ni John, “teka, ganyan na ganyan ang sinabi ko sayo nung
nasa restaurant tayo a’” biro ni Jasmine, “Mahigit isang linggo ko na rin ‘to
inisip, mahal kita Jasmine, kakaiba ka sa mga babaeng nakilala ko, kaya pwede
ka bang ligawan?” ika ni John, “Kung nililigawan mo na ako ngayon, ‘OO’ ang
sagot ko” sagot ni Jasmine.
Agad naman
sumingit si Rey na may tsokolate pa sa bibig, “Ayos, ‘edi hindi ka na aalis?”
Tanung ni Rey, “Oo, kaya babawiin ko na ‘yang chocolates mo” biro ni John.
Sobrang saya ng nararamdaman ni Jasmine, gayundin si John, “Kailan ka aalis?”
tanung ni Jasmine, “Hindi na ako aalis, napag-isipan ko na ito ng matagal,
mamaliitin lang naman ako nila Papa dun dahil hindi ako nakapagtapos” paliwanag
ni John, “Pero…” sagot ni Jasmine, agad siyang niyakap ni John at sinabing “Kung pupunta ‘man ako ng Amerika,
sisiguraduhin kong kasama kita!”
WAKAS
Comments
Post a Comment