ANG LOVER KONG KUNDOKTOR (SHORT STORY) - PART 1

 

                        Mainit at iritan-irita na si Jasmine dahil wala siyang masakyang bus na galing Taft Ave. to SM Fairview, bihira na kasi ang bus dahil na ordinansa ng Maynila, kaya naman madalas ang siksikan at laging standing, air-conditioned man o ordinary lalong-lalo na tuwing rush hour.

                       Dahil wala ng choice si Jasmine, sumakay siya ng ordinary bus at sobrang siksikan na, bago pa man, pumewesto muna siya sa likod upang makaiwas sa dukutan, mahigpit siyang humawak sa hawakan ng bus dahil napakabilis ng takbo nito at napakalakas mag-preno, byaheng langit nga kung tawagin ng ilan ang pagsakay ng ordinary bus. Kinakabahan si Jasmine dahil first time nitong sumakay ng ordinary bus, mas komportable kasi siya sa ordinary bus at sanay sa aircon.

               Habang bumabalagkas ang bus sa kahabaan ng España sa Maynila, napansin nitong napakabilis ng bus at beating the red light ang nakikita niyang dahilan nito. Nakita niya rin na palapit na ang kundoktor para singilin siya kaya naman hinanda na niya ang isang daang pisong buo para hindi na siya mahirapan.

               “Saan po kayo Ma’am?” tanung ng kundoktor, “SM Fairview, galing ng Taft Ave.” Sagot naman ni Jasmine, ‘di namalayan ni Jasmine na nakatitig na siya sa kundoktor at dahilan upang mawala ang focus nito sa paghawak sa handrail ng bus. “Ma’am ‘eto nap o yung ticket saka yung sukli niyo” kaya naman bigla niya itong kinuha subalit nawalan ng balanse. Natumba si Jasmine at napatili ito dahil sa takot, nilipat naman ang ticket niya at ang papel na pera, nagkalat naman sa sahig ang sukling barya. Mabuti na lang ay nasalo siya ng kundoktor, “Ahhhhh!” patuloy na pagsigaw ni Jasmine dahilan upang mapagtinginan ng iba pang sakay na pasahero. “Ma’am okay ka lang?” pag-aalala ng kundoktor sa dalagang pasahero at agad naman itong tumayo.

               Nagtawanan ang mga pasahero at kung anu-anong bulungan ang kanyang narinig, “’di ka bagay dito, mag-taxi ka na lang!” o kaya “Pababain na nga ‘yan!” at kung anu-ano pa ang kanyang narinig, pero napakaraming nagtatawanan at hindi maalis ang tingin sa kanya. To the rescue naman ang kundoktor at sinabing “Maging gentleman naman kasi yung iba d’yan!” dahilan upang may tumayong matandang lalaki sa kanyang kaliwa na tatluhan ang upuan.

               Sa sobrang hiya ni Jasmine, hindi na niya maiangat ang kanyang ulo, naluha pa siya sa kahihiyan, pero sa isip-isip ni Jasmine “Buti na lang mabait si kundoktor, dahil kung iba ‘yun ay baka pababain niya rin ako.” Nagtulog-tulugan na lang si Jasmine ng mapansin niyang kakaunti at nakababa na ang karamihan ng pasahero sa Commonwealth Ave. partikular sa Commonwealth market, ini-angat na niya ang kanyang ulo. Hindi niya maintindihan ang kanyang iniisip, at hindi maalis-alis sa kanyang isipan ang nangyari kanina at bigla siyang napangiti ng maalala niya ang ginawang pagtulong ng kundoktor sa kanya.

               Tumitig siya sa kundoktor na nasa pagitan ng dalawang pintuan sa gitna ng bus. Napansin niyang gwapo ito, katamtaman ang laki at pangangatawan at napakalakas ng appeal nito para sa kanya. “O’ dito na po lahat!” Sigaw ng kundoktor ng bus, sinadya naman ni Jasmine na magpahuli sa pagbaba upang makapagpasalamat sa kundoktor. Habang pababa na ang lahat, nilapitan ni Jasmine ang kundoktor “Salamat nga pala kanina, maraming salamat” ika ni Jasmine at sabay ngiti sa kundoktor. “A’ wala ‘yun, sa susunod kasi mag-ingat ka” sagot ng kundoktor, “ikaw kasi e’” pasimpleng sagot ni Jasmine, “Bakit ako?” tanung naman ng kundoktor, “Ang gwapo mo kasi e’” napangiti si Jasmine sa sagot niya. Namula bigla ang kundoktor at hindi niya inakalang sasabihan siya ng mukhang sosyalerang maputi at napakagandang dalaga, “Ay, sus!” Ayun na lamang ang nasagot ng kundoktor at napangiti ito, parang matutunaw si Jasmine sa ngiti ng kundoktor, sa dami ng nanligaw sa kanya, wala kahit isa ang nakapagpatunaw sa puso ni Jasmine sa pamamagitan lamang ng pag-ngiti.

“A’ bago pa ‘man humaba ang usapang ito, ako nga pala si Jasmine” pagpapakilala ni Jasmine, pasagot na dapat ang kundoktor subalit bigla itong tinawag ng kanyang driver, “John! Tara na, kain na tayo” pagtawag ng driver sa kundoktor. “O’ sige na, babalik pa kasi kame e’” Pagpapaalam ng kundoktor na si John.

Tuluyan ng bumaba si Jasmine sa bus na may ngiti sa kanyang mga labi, “’eto na ‘yun, ang gwapo na, mabait pa, sana magkita pa kami” bulong ni Jasmine sa sarili, tinandaan ni Jasmine ang dus, ang plaka nito para lagi niya itong sasakyan.

 

 “Pare mukhang may tama sayo yung maputing babaeng pasahero natin kanina a’” pang aasar ng driver kay John, “ang tibay mo tsong, panalong-panalo ka ‘pag naging girlfriend mo ‘yun” dagdag pa nito. “Anong panalo? Alam mo naman ayoko sa mga ganung babae, gusto ko simple lang” sagot ni John, “Simple lang naman ‘yun a’ napasakay mo nga ng ordinary bus e’, lakas mo talaga, sagutin mo na ‘yun ‘pag niligawan ka ha!” dagdag pa ng bus driver. “Tumigil ka nga d’yan!” galit at halata na ang pagkainis ni John, “Aminin mo na kasi, hindi ka na sasagutin ng nililigawan mo, simple nga, pinapaasa ka lang naman ‘nun, kung ako sayo pare, titigilan ko na ang panliligaw d’yan kay Rose, wala kang mapapala d’yan!” Dagdag pa rin ng bus driver, “Alam mo kuya Ernie, wala akong pakialam!” galit na sagot ni John at sabay alis, “Hala, nag-walkout, John saglit lang, ba-biyahe pa tayo” pagmamakaawa ni Kuya Ernie, “Mag biyahe ka mag isa!” Sagot ni John.


ITUTULOY...

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN