DEPRESYON DULOT NG PANDEMYA
Marahil maraming tao ngayon ang dumaranas ng matinding depresyon, kabilang na ang mga taong nawalan ng hanapbuhay, mga taong nawalan ng pag-asa, mga taong nalugi ang negosyo, mga taong natanggal sa trabaho at mga taong nauwi sa hindi magandang karanasan ang kani-kanilang buhay. Simula nitong Marso ipinatupad ang Community Quarantine o mas kinilalang lockdown sa Metro Manila at mga karatig probinsya at ilang buwan itong nagtagal. May mga nakatanggap ng tulong pinansyal at may mga nakatanggap din ng relief goods mula sa ating gobyerno. Subalit, sa dami ng populasyon ng Pilipinas at karamihan sa mga ito ay mahihirap, hindi ito lubos na natugunan.
Isa sa lubos na tinamaan ng Pandemya ang Metro Manila, simula noong Mayo ay umaabot na sa libo ang nagiging kumpirmadong kaso ng Covid-19 kada araw. Ang Covid-19 na ito ay syang sumira sa lahat ng nakatakdang plano hindi lamang sa Pilipinas kung hindi kasama na rin ang buong Mundo. Sa Ngayon, nasa ika-20 na pwesto ang Pilipinas sa pinaka-maraming kaso ng Covid-19. Ang limang bansa naman na lubos na natamaan ay ang USA, India, Russia, Brazil at Spain. Hanggang sa ngayon ay naghihintay pa rin ang buong mundo sa bakuna panlaban sa naturang sakit.
Sa ngayon, pinipilit ng ating mga mamamayanan na maging matatag at lalong tumibay ang paniniwala sa ating panginoong Diyos na matapos na itong pandemya na ito. Napakaraming naging apektado subalit kailangan nating bumangon at magsimulang muli.
Sa ngayon, kailangang maging maingat ang lahat, sumunod sa mga health protocols na itinakda ng ating gobyerno or magkaroon ng sariling pamantayan upang mapanatili ang kalinisan sa ating kapaligiran. Maging mapagmatyag din sa mga nakakasalamuha, sa panahon ngayon ay maigi na ang maging maingat. Hindi lamang ito para sa ating sarili kung hindi pati na rin sa mga taong malalapit sa atin na makaiwas sa naturang sakit. Libangin din ang sarili upang maiwasan ang stress na humahantong sa depresyon. Maging makatao, maging mabait sa kapwa, maging mapagbigay kung mayroon mang sobra, maging maunawain at higit sa lahat, maging maka-Diyos.
Ito ang mga pagsubok na kailangan nating lampasan, ika nga nila, 2020 is the worst year EVER! Hindi lamang para sa atin kung hindi para sa lahat na rin sa buong bansa at sa buong mundo. Sana'y malampasan nating lahat ito at magkaroon tayo ng magandang kinabukasan.
Comments
Post a Comment