SECOND HAND PRODUCTS, MABENTANG – MABENTA
Sa hirap ng buhay, hindi maiwasan
na ibenta ang mga naipundar na gamit tulad ng iba’t – ibang appliances,
electronics, alahas at iba pang gamit na mahalaga. Basta’t kailangan ng pera, kundi
mangungutang, mas pinipili ng ibenta na lamang ang iba pang mga gamit.
Pero
mas mainam kung ang mga ibebentang gamit ay yung mga hindi na ginagamit subalit
mapakikinabangan pa ng iba tulad ng mga damit na mahuhusay pa, kung may sobrang
appliance tulad ng telebisyon o radio na hindi naman gaanong nagagamit, maaari
na itong ibenta.
Mas
pinipili ng ilan na i-post ito kung saan-saang online selling pero kung kapos
naman sap era at walang access sa internet at walang magagarbong gamit, maaari
itong ilako sa labas o kaya naman ialok sa mga kapitbahay upang magkaroon ng
pera.
Sa
isang kalye sa Rodriguez, Rizal, matatagpuan ang mga sari-saring gamit na
ibinebenta sa gilid ng kalsada, dinudumog naman ito ng mga tao dahil sa
mababang presyo. Kabilang sa mga ibinebentang gamit na makikita rito ay ang
bisikleta, damit, kitchen wares, appliances at iba pa.
Kaya
naman puwedeng-puwede na rin itong gawin kahit saan man, dahil ang mga
Pilipino, basta’t kailangan, may paraan upang ito’y makuha. Kung mahirap ang
buhay, mas madali naman para sa mga Pilipino ang mabuhay.
Comments
Post a Comment