GINILING NA BABOY (RECIPE)

 


May Baka, Baboy at iba pa, alam n’yo ban a napakaraming puwedeng lutuin sa giniling? Lalong lalo na sa baboy, maaari itong gawing Lumpiang shanghai, panahog sa iba;t ibang lutuing gulay at sa mga ginisang ulam.

            Maaari rin itong itorta sa itlog at gawing pangunahing ulam na may sarsa pa. Marahil ito’y nakaka-high blood, ayos naman kung paminsan-minsan lang.

            Isa sa mga paboritong luto ng mga Pilipino ay ang Giniling na baboy with Sarsa kaya naman kakailanganin lamang ng ilang minuto upang ito’y ihanda.

MGA SANGKAP

Isang kilo ng giniling na baboy

¼ kilo ng sariwang patatas

Apat na piraso ng siling pula (bell pepper)

Kalahating kilo ng tomato sauce

Anim na piraso ng nilagang itlog

Isang putting sibuyas

Apat na piraso ng bawang

Apat na kutsara ng mantika

Asin at paminta

¼ cup ng asukal

Dalawang baso ng tubig

PARAAN NG PAGLULUTO

            Igisa sa mantika ang sibuyas at ang dinikdik na bawang, hintayin itong mamula.

Kapag mapula na, igisa na rin ang patatas at siling pula at ang giniling na baboy sa loob ng sampung minuto.

            Lagyan ng tomato sauce at timplahan ng asin, paminta at asukal, lagyan ng tubig at pakuluan sa loob ng labing limang minuto.

            Ilagay ang nilagang itlog sa ibabawa at maaari na itong ihain sa ating mga hapag kainan.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN