ANG LOVER KONG KUNDOKTOR (SHORT STORY) - PART 3

 

Sa totoo lang, isang magsasaka si Jasmine bago pa ‘man siyang makapunta sa Manila para magtrabaho, ito ang nakapagtapos sa kanya sa kursong accounting, dahil kapos ang pamumuhay sa probinsya, pinilit niyang makapagtapos ng pag-aaral sa sarili niyang mga kamay, nakatapos siya ng cum laude. Kahit maputi ang balat niya, nasanay naman ito na babad sa araw at napakasimple lang nang pamumuhay.

Swerte naman nakapasa at nakapasok siya sa isang sikat na kumpanya at sakto rin naman na may mabait siyang pinsan na nakatira sa Caloocan kaya naman naghanap ito ng mauupahan na malapit lang dito, ang pinsan niya rin ang nagturo sa kanya kung paano ang maging sosyal dahil bagay naman it okay Jasmine dahil sa kulay at ganda nito. Simula noon, napakaraming nanliligaw at nagpaparamdam kay Jasmine, at ni-isa rito, wala siyang sinagot.

 

“Bata! Simula pala mamaya hindi na tayo magkasama, may bagong hired na kundoktor e’” bungad ni Kuya Ernie, “Ha? Maayos naman ako magtrabaho a’ bakit nila ako tatanggalin?” Depensa ni John, “Easy lang bata! Ililipat ka lang sa airconditioned, kaya hindi na tayo magkakasama” pagpapaliwanag ni Kuya Ernie, “Mabuti naman, ayaw na kasi kitang makasama, lagi ka lang naman nambibwisit” Pilyong sagot ni John, “Akala mo ikaw lang natutuwa? Ako rin no, matagal ko na itong pinangarap” kontra ni kuya Ernie, “Kuya mamimimiss kita” singit ni John, “Ako rin bata! Sana ibalik ka nila agad dito, baka kasi walang kwenta ‘yung pinalit sayo” nagyakapan ang dalawa  at naghiwalay na.

 

Simula ng huling gabing pag-uusap ni John at Jasmine, hindi na muling sumakay sa ordinary bus si Jasmine, laging aircon at kung minsan ay FX. Sobrang nahihiya na rin siya sa nangyari kaya gusto niya na ring makalimot, ngayon lang na-inlove si Jasmine pero hindi pa pala sila pwede. Isang gabi, sa sobrang pagod niya galing ng trabaho, hindi na niya napansin ang kung sino man ang nasa bus, umupo na lamang siya at ipinikit ang mata. Hindi na niya namalayan na nasa Fairview na siya, gumising siya, iniunat ang mga braso at naalala niyang hindi pa siya nagbabayad kaya agad nitong tinawag ang kundoktor “Ma! Bayad po” pagsigaw ni Jasmine, agad itong nilapitan ni John at binulungan, “Pangalawang beses mo ng makakalibre sakin, swerte mo may kaibigan kang kundoktor na mabait” ngitngit ni John sabay ngiti kay Jasmine, nagulat naman si Jasmine at nanlaki ang kanyang mga mata. “Teka! Hindi ka na sa ordinary?” tanong ni Jasmine, “Dalawang linggo na akong nalipat sa aircon, ayos ba? A-a’ last na byahe na naming ito, dinner naman tayo, nagugutom na ako e’” Pag-aaya ni John, “sige?” patanong na sagot ni Jasmine, hindi alam ni Jasmine kung matutuwa siya o kung mahihiya pero bigla siyang napangiti, “siguro talagang nakatadhana kami? Pangatlong beses na kami nagkikita, hindi kaya?” sa isip ni Jasmine.

Pagbaba ng mga pasahero, pababa na rin sana si Jasmine subalit pinigil siya ni John, “Hoy! Kakain pa tayo!” pagpigil ni John, “A’ e’, pagod na kasi ako, sa susunod na pagkikita na lang natin” pagpapakipot ni Jasmine, “Gano’on ba? Sige, pwede ko bang makuha number mo?” Ika ni John, “sige!”

Habang nakahiga, papikit na ang mga mata ni Jasmine ng tumunog ang kanyang telepono, bigla itong ngumiti sa nabasa niya “Pahinga kang mabuti pa, huwag magpapagod – John, ang iyong kaibigan” nangiti siya subalit nakatulog na rin siya agad at hindi na naka-reply.

Pagkagising kinabukasan, nagtext agad si Jasmine kay John, “ingat ka sa byahe niyo, God Bless!” laman ng mensahe ni Jasmine at nagreply naman agad si John “Nasaan ka na? Hintayin ka na naming dito sa SM Fairview, sabay ka na namin” alok ni John, “Hala, ‘wag na, nakakahiya naman sa driver mo” sagot ni Jasmine, “Okay lang ‘yan, tulog pa naman siya” sagot ni John, “Gano’n ba?” ika ni jasmine, “sige na, tara, ayaw mo ‘nun, libre ka ulit sa pamasahe - Haha” pagbibiro ni John, “Oo na, sige na, pero babawi ako mamayang gabi, ililibre kita ng dinner” sagot ni Jasmine, “Mamayang gabi? Hindi ako pwede nu’n e’, may lakad ako” Ika ni John, “May date ka no?” tanung ni Jasmine, “A’ Oo” sagot ni John, “Sige good luck” na may kasama pang smiley, bigla tuloy nag-alangan si Jasmine kung sasabay pa, pero ayaw niya itong magalit kaya nagmadali agad ito at pumunta na sa SM Fairview.

Pagdating ni Jasmine sa bus, agad siyang sinalubong ni John, “O’ ready ka na? Aalis na tayo” tanung ni John, “Oo naman, hindi na nga ako naligo e’” pabirong sagot ni Jasmine, medyo nalukot naman ang mukha ni John, “Joke lang, di ka naman mabiro” singit ni Jasmine at sabay silang nagtawanan. “Siya nga pala, Jasmine si Rey, ang driver ng bus na ito, Rey si Jamine, kaibigan ko” pagpapakilala ni John, “Kaibigan? Sa gandang ‘yan, kaibigan mo lang?” biro ni Rey, napayuko na lang si Jasmine, “patakbuhin mo na nga ‘yan, alam mo namang…” sagot ni John, “Ikaw lang naman ang nag-cleclaim na girlfriend mo ‘yun e’” biro muli ni Rey, “Tumigil ka nga d’yan!” biglang init ng ulo ni John.

“Bayad o’” pagpupumilit ni Jasmine, “Kaya nga pinilit kitang sumabay para makalibre ka tapos magbabayad ka, magkaibigan nga tayo diba?” pagpapaliwanag ni John, napangiti si Jasmine at napapayag din na huwag ng magbayad. “Sige na nga, paki gising na lang ako ‘pag nasa Taft na A’, salamat” pagpayag ni Jasmine, nagmamasid lang sa nangyayari si Jasmine, punong-puno ang bus at napakasikip nito, hindi siya makatulog dahil naiisip niya pa rin si John, “Jas, Taft na, gising na” paggising ni John, “Maraming salamat, good luck pala sa date mo mamaya a’” pagpapasalamat ni Jasmine.


ITUTULOY...

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN