Posts

Showing posts from April, 2021

MY FAVORITE MANG BINATOG

Image
  Kada pupunta ako sa mga mall, lagi kong hinahanap ang stall nila, super favorite ko kasi ang binatog or ang white corn na nilaga at nilagyan ng niyog, asukal, asin at gatas. Kahit sa mga naglalako sa kalsada ay hindi ko ito pinapalampas. Sino ba naman ang aayaw sa napakasarap nitong lasa. Kaya sa ilang beses na pagpunta ko sa SM Megamall, hindi pupuwede na hindi ko pupuntahan ang stall nila sa LG level ng Building B. Mang Binatog, baka naman!  Ayon sa mga artikulong nababasa ko sa internet, itinuturing na street food sa Pilipinas ang Binatog dahil nailalako ito ng mga nagbebenta nito gamit ang kanilang single-bike na nakalagay sa balde ang mga mais at mayroong nakahiwalay na lalagyan para naman sa baso, kutsara, gatas, asukal at niyog.  Isa ring comfort food ang binatog, napasarap kainin nito tuwing tag-ulan pero syempre patok din ito sa tag-init. Sa murang halaga at simpleng mga sangkap nito ay maaari ka na ring gumawa ng sarili mong Binatog. Pero kung malapit ka naman sa mga mall a

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN

Image
  Kung sasakyan ang pag-uusapan, napakaraming aspeto ang kailangan mong malaman tungkol dito, nariyan ang history nito, ang pinagmulan, ang mga parte at mga klase nito, kung pang-pribado o pang-publiko, modelo o ang kulay nito, at siyempre, ang isang importanteng aspeto tungkol sa sasakyan ay ang makina nito mismo. Kotse ang pinaka-unang papasok sa ating isipan sa tuwing pag-uusapan ang sasakyan, ayon nga sa depinisyon ng pinaka-sikat na diksyonaryo online na Wikipedia, Ang  kotse  ay isang de-makinang sasakyan na may mga gulong, kayang umandar sa sarili na ginagamit para sa transportasyon. Tama, makina ang pangunahing dahilan upang ito ay mapaandar, subalit ano-ano nga ba ang mga uri ng makina na puwede sa iyong sasakyan? Ayon sa isang website na nagtatalakay tungkol sa mga sasakyan, mayroong limang klase ng makina o engine sa ingles na karaniwang makikita sa ating mga sasakyan sa panahon ngayon. Una ay ang straight engine, mas magaan, mas maliit at karaniwang ginagamit sa mal

MGA PINAGDADAANAN NG MGA ESTUDYANTE TUWING PATAPOS ANG SEMESTER

Image
                   Tuwing sasapit ang huling yugto ng semester sa kolehiyo, puspusan ang mga estudyante dahil sa mga sari-saring activity na ginagawa ng eskwelahan.               Tulad ng Thesis na talaga namang ikinamamatay ng mga estudyante makapasa lamang at mairaos ang napaka-madugong thesis defense.                Karaniwang mayroong thesis ang halos lahat ng kurso sa kolehiyo, kaya naman ito ang karaniwang kinakatakutan ng mga estudyanteng nais maka-graduate on time.               Sabi nga nila, napakahirap maging estudyante, subalit kailangan itong pagdaanan dahil ang pagiging estudyante ay isang biyaya sa bawat indibidwal, sa magiging kinabukasan ng bawat isa at pati na rin ng ating bansa.               Malaking tulong din ang mga Library sa mga estudyante dahil sa mga kaalamang mapupulot dito mula sa mga aklat o libro na mababasa rito, sa sobrang dami nga nito ay hindi mo mababasa ang lahat ng ito sa loob ng isang buwan.               At siyempre, malaking tulong ito

PANCIT CANTON, PATOK SA KALSADA

Image
Itinuturing na rin na isang street food ang pancit canton na nasa pack o tinatawag din na instant pancit canton na karaniwang almusal at meryenda ng napakaraming Pilipino at paboritong kapareho ng tinapay lalo na ng monay o burger buns.               Makikita sa kahabaan ng Intramuros sa Maynila ang mga karinderya o mga food stand na lutong pancit canton ang hinahain at patok na patok ito sa mga estudyante sa Mga eskwelahan doon tulad ng Letran, Lyceum at Mapua.               Kaya sa mga nagbabalak itong gawing negosyo, napakadali lamang at siguradong kikita kayo, dahil ilang sangkap lamang ang kakailanganin upang makapagtinda nito, tulad na Pancit canton, malinis na tubig at ang gaas na gagamitin sa pangluto.               Ang mga sangkap na ito ay may puhunan kaya naman kailangan itong isaalang-alang upang ma-compute ng maayos ang presyo na ipapatong ditto.               Walong piso ang pancit canton kung hindi ito luto at dahil mahal ang LPG, mapapatungan ang presyo nito at

LEMON WATER

Image
Mataas ang Vitamin C sa Lemon, kaya maganda ito para sa ating immune system, maganda rin itong panlaban sa mga kidney diseases at pampaginhawa rin sa ating blood pressure, nililinis din nito ang urinary track at nagbibigay ng ilang enerhiya sa atin. Ayon pa sa ilang pag-aaral, nakakatulong ang pag inom ng lemon water sa ating dehydration at nakababawas din ng depression. Maigi nga ba ang lemon water sa ating katawan? Oo, ito ang direktang sagot, subalit hindi ito pupuwede sa mga may problema sa acid, ngunit napakarami naman nitong benepisyo. Isa ang lemon sa pinakakilalang prutas sa buong mundo, halos  lahat ng bansa sa buong mundo ay nag-aangkat or hindi naman kaya umaangkat nito, dahil sobrang kilala ito bilang napaka-healthy. Ayon sa site na smartparenting.com ang  Citris limon  ang scientific name ng lemon, na siyang bunga ng lemon tree. Bagamat hindi matukoy kung saan ito unang tumubo, pinaniniwalaan na nagmula ito sa northwestern India at nakarating sa southern Italy hanggang mai

MY SPECIAL EGG FRIED RICE

Image
Haiya! Ayon nga kay Uncle Roger (Niger Ng), isang food reviewer na taga Malaysia, sumikat sya lalo ng i-review nya ang mga kanya-kanyang version ng Egg Fried Rice ng mga sikat na chef sa buong mundo tulad nila Gordon Ramsey, Jamie Oliver at Sherson Liam. May napuri at mayroon ding sobrang na-roast at na-gisa sa sobrang maling paraan ng pagluluto ng Egg Fried Rice. Ang Egg Fried Rice ay isang traditional Asian dish na ginagamitan ng leftover na kanin. Dito sa Pilipinas, tinatawag itong sinangag na napakarami ring bersyon at sahog na maaaring ilagay. Isa rin itong paboritong almusal ng mga Pilipino at ipinapartner sa mga Silog recipes dito sa Pinas. Pero para sa akin, isang napakasarap na twist ang ginagawa ko sa egg fried rice, nilalagyan ko ito ng TJ Hotdogs at Ham na nagpapalasa lalo sa kanin. Narito ang mga sangkap ng my special Egg Fried Rice 2 cups ng leftover rice Isang piraso ng TJ Hotdog Isang piraso ng flavored ham 2 eggs, large 1 ulo ng bawang 1 piraso ng sibuyas 1 tablespoon

ANG PABORITO KONG TOTSONG BANGUS

Image
Isa sa mga paborito kong ulam ang Totsong Bangus sa Itlog na Pula, ngunit sa tuwing ipinagmamalaki ko ito sa ilang mga kaibigan ko at kasamahan sa trabaho ay hindi nila alam ang ganitong klase ng ulam o pagkain, imbento at eksperimento raw ang ginawa ko sa Bangus. Pero sa totoo lang ay kakaiba talaga ang lasa ng Totsong Bangus at hanggang sa ngayon ay hindi ko alam kung bakit itong tinawag na Totso at kung saan ito nagmula. Unique ang lasa nito at walang kapantay para sa akin kung ikukumpara sa ibang klase ng luto nang isda lalo na sa Bangus (Bukod sa Sinigang sa Bayabas sa Bangus). Kung maglilista nga ako ng mga ulam na aking mga paborito, tiyak pasok sa Top 5 ko ang Totsong Bangus sa Itlig na Pula o Maalat. Narito ang mga paraan at sangkap sa paghanda at pagluto ng Totsong Bangus sa Itlog na pula MGA SANGKAP 1 kilo ng Bangus (Isang buo), hiwain ng pahalang 1 ulo ng bawang (minced) 1 sibuyas (sliced) 1 luya (sliced) 2 Itlog na maalat 1 cup ng suka 5 spoon ng asukal 1 tablespoon ng pam

FRENCH FRIES FOR EVERY JUAN

Image
  French fries ang tawag sa klase ng patatas na pinipirito sa mantika dahil nagmula ang konseptong ito ng pagkain sa France, subalit nagkaroon na rin ng iba’t-ibang version sa iba’t-ibang panig ng bansa.               Dito sa Pilipinas, karaniwang French fries na ang tawag sa ganitong klase ng street food o meryenda, marahil sikat ito lalo na sa mga bara-barangay dahil naibebenta ito ng tingi-tingi lalo na para sa mga kabataan.               Lima hanggang bente pesos naibebenta ang French fries sa kalye na talaga namang tinatangkilik ng maraming Pilipino ngunit kung nag-aalangan kayo sa inyong mga binibili sa labas ng inyong tahanan, maaari ring naman gumawa ng sariling fries na may sariling version. MGA SANGKAP ¼ ng patatas (sliced sa maliliit na bahagi) Cheese, barbeque, sour cream powder (para sa flavor) Asin (kung ayaw ng flavor) Mantika Ketchup at Mayonnaise PARAAN NG PAGLUTO/PAGGAWA               Hiwain sa maliliit na slice ang patatas, hugasan ito.         

DINUGUAN, BAWAL NGA BA O TALAGANG KATAKAM-TAKAM?

Image
  Bawal sa ibang relihiyon ang pagkain ng dinuguan, kahit nga sa ibang mga religious group, pinagtatalunan ang bagay na ito sa pagkain ng dugo ng karne.               Subalit, ayon sa pag-aaral, maaari naman kainin ang dugo ng karne ngunit hindi dapat sobra-sobra ang pagkain nito dahil mataas ang posibilidad na makaapekto ito sa kalusugan ng mga may sakit at iba pa.               Bakit nga ba napakasarap ng dinuguan? Iba talaga ang naibibigay ng sarap at aroma ng suka na nagbibigay ng kakaibang lasa nito, at siyempre ang sarap na rin ng dugong gagamitin sa dinuguan, maaari ring gamitan ng iba’t-ibang klase ng sangkap tulad ng gulay.               Mailuluto na at matitikman na ang napakasarap na dinuguan para sa buong pamilya, ang recipe na ito ay hango sa lakusina.com. MGA SANGKAP ½ kilo karne na may taba 3 butil na bawang, pinitpit 2 tasa dugo ng baboy suka asin at paminta ½ taling sitaw, hiwain 1 labanos, hiwain siling berde Paraan ng pagluluto: Iluto ang

MUNGGO, HINDI LANG PANG-PARUSA, PANG-HAPAGKAINAN PA! (RECIPE)

Image
  Madalas, para sa mga pasaway na bata at hindi mapagsabihan, munggo ang katapat nila, oops, kaso hindi ito ipapakain, kundi ipapaluhod ito upang maramdaman ang sakit, subalit may mga gumagawa pa kaya nito upang madisiplina ang kanilang mga anak o mananatili na lamang itong isang tradisyon na kinatatakutan ng mga bata?                Hindi lamang yan, sigurado kasing pagkatapos itong luhuran ay maaari na itong isalang sa kumukulong tubig at labugin ito sa pagluluto ng napakasarap at napakamurang ginisang munggo.                Isa rin itong pangunahing putahe o pagkain sa mga karinderya, wika nga nila, “side dish” para sa ulam na karne at mainit na kanin, bukod sa napakamurang halaga nito, matatakam ka pa sobrang sarap nito.                Ang munggo ay buto o sidlan ng halaman o gulay na toge na ginagawang lumpia, at marami pang iba, ang munggo ay madalas matatagpuan sa southeast Asia o timog silangang Asya na kinabibilangan ng Pilipinas.                Isang pinoy recipe na n