MUNGGO, HINDI LANG PANG-PARUSA, PANG-HAPAGKAINAN PA! (RECIPE)
Madalas, para sa
mga pasaway na bata at hindi mapagsabihan, munggo ang katapat nila, oops, kaso
hindi ito ipapakain, kundi ipapaluhod ito upang maramdaman ang sakit, subalit
may mga gumagawa pa kaya nito upang madisiplina ang kanilang mga anak o
mananatili na lamang itong isang tradisyon na kinatatakutan ng mga bata?
Hindi lamang yan, sigurado kasing
pagkatapos itong luhuran ay maaari na itong isalang sa kumukulong tubig at
labugin ito sa pagluluto ng napakasarap at napakamurang ginisang munggo.
Isa rin itong pangunahing putahe
o pagkain sa mga karinderya, wika nga nila, “side dish” para sa ulam na karne
at mainit na kanin, bukod sa napakamurang halaga nito, matatakam ka pa sobrang
sarap nito.
Ang munggo ay buto o sidlan ng
halaman o gulay na toge na ginagawang lumpia, at marami pang iba, ang munggo ay
madalas matatagpuan sa southeast Asia o timog silangang Asya na kinabibilangan
ng Pilipinas.
Isang pinoy recipe na nga ang
ginisang munggo na mas sasarap kung hahaluan ng chicharon at hinimay na tinapa,
tara’t alamin kung paano at kung ano ang mga sangkap na kailangang gamitin sa
lutuing ito.
MGA SANGKAP
¼ na munggo,
isang pakete ng chicharon, tatlong piraso ng tinapang galunggong (himayin),
bawang, sibuyas, kamatis, malunggay, mantika, asin at paminta pampalasa.
PARAAN NG
PAGLULUTO
Pakuluan ang munggo hanggang sa
madurog ito at umalsa, tanggalin ang mga balat ng munggo na lulutang sa
pinakukuluan.
Habang nagpapakulo, maggisa ng
bawang, sibuyas at kamatis sa hiwalay na kawali, at ilagay ang chicharong baboy
at tinapa.
Kapag nalaga na ng mabuti ang
munggo, at nagisa na ng gisang-gisa ang mga sangkap, ihalo na ito sa
pinakukuluan at haluin lamang ng haluin.
Lagyan ng mga pampalasa tulad ng
asin at paminta
At ‘pag luto na, ihalo na ang
napakasustansiyang malunggay at maaari na itong ihain sa buong pamilya.
Comments
Post a Comment