DINUGUAN, BAWAL NGA BA O TALAGANG KATAKAM-TAKAM?

 


Bawal sa ibang relihiyon ang pagkain ng dinuguan, kahit nga sa ibang mga religious group, pinagtatalunan ang bagay na ito sa pagkain ng dugo ng karne.

              Subalit, ayon sa pag-aaral, maaari naman kainin ang dugo ng karne ngunit hindi dapat sobra-sobra ang pagkain nito dahil mataas ang posibilidad na makaapekto ito sa kalusugan ng mga may sakit at iba pa.

              Bakit nga ba napakasarap ng dinuguan? Iba talaga ang naibibigay ng sarap at aroma ng suka na nagbibigay ng kakaibang lasa nito, at siyempre ang sarap na rin ng dugong gagamitin sa dinuguan, maaari ring gamitan ng iba’t-ibang klase ng sangkap tulad ng gulay.

              Mailuluto na at matitikman na ang napakasarap na dinuguan para sa buong pamilya, ang recipe na ito ay hango sa lakusina.com.

MGA SANGKAP

½ kilo karne na may taba

3 butil na bawang, pinitpit

2 tasa dugo ng baboy

suka

asin at paminta

½ taling sitaw, hiwain

1 labanos, hiwain

siling berde

Paraan ng pagluluto:

Iluto ang karne sa kaunting tubig hanggang sa magmantika.

Ihalo ang bawang hanggang pumula at sabawan ng tubig.

Pag kumulo, ihalo ang dugo, halu-haluin para hindi mamuo.

Ilagay ang gulay.

Paglambot ng baboy, timplahan ng asin at paminta, at lagyan ng suka.

Lutuin.

              Hayan, luto na ang napakasarap ng Dinuguan na siguradong maipagmamaliki ng buong pamilya pati na rin ng buong Pilipinas na maituturing na original Filipino recipe ito.

Kahit anu man ang paniniwala ng tao, importante na irespeto ito, kung bawal sa kanila ang pagkain nito, mararapat lamang na magbigay respeto at huwag ng makipagdebate pa.


*Photo credit to PanlasangPinoy.com

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN