ANG PABORITO KONG TOTSONG BANGUS

Isa sa mga paborito kong ulam ang Totsong Bangus sa Itlog na Pula, ngunit sa tuwing ipinagmamalaki ko ito sa ilang mga kaibigan ko at kasamahan sa trabaho ay hindi nila alam ang ganitong klase ng ulam o pagkain, imbento at eksperimento raw ang ginawa ko sa Bangus. Pero sa totoo lang ay kakaiba talaga ang lasa ng Totsong Bangus at hanggang sa ngayon ay hindi ko alam kung bakit itong tinawag na Totso at kung saan ito nagmula. Unique ang lasa nito at walang kapantay para sa akin kung ikukumpara sa ibang klase ng luto nang isda lalo na sa Bangus (Bukod sa Sinigang sa Bayabas sa Bangus). Kung maglilista nga ako ng mga ulam na aking mga paborito, tiyak pasok sa Top 5 ko ang Totsong Bangus sa Itlig na Pula o Maalat.

Narito ang mga paraan at sangkap sa paghanda at pagluto ng Totsong Bangus sa Itlog na pula

MGA SANGKAP
1 kilo ng Bangus (Isang buo), hiwain ng pahalang
1 ulo ng bawang (minced)
1 sibuyas (sliced)
1 luya (sliced)
2 Itlog na maalat
1 cup ng suka
5 spoon ng asukal
1 tablespoon ng paminta
2 tablespoon ng asin
1 cup ng Mantika (pangprito)
2 cups ng malinis na tubig

PARAAN NG PAGLULUTO
  • Painitin ang Kawali sa stove, importanteng mainit na mainit ito upang hindi manikit ang isda kapag ito ay ipinirito
  • Lagyan ng 1 cup ng mantika at iprito ang mga hiniwang Bangus
  • Habang nagpiprito, maghanda pa ng isa pang kawali para naman sa pag-gisa ng mga sangkap.
  • Ihanda na rin ang itlog na maalat (balatan at ilagay sa mangkok, lagyan ng maligamgam na tubig at saka ito durugin.
  • Igisa ang bawang, sibuyas at luya.
  • Ilagay ang nadurog na itlog na maalat na may kasamang maligamgam na tubig
  • Haluin hanggang sa kumulo at lagyan na iton ng suka, asukal, paminta at asin.
  • Lagyan na rin ng tubig at pakuluin
  • Kapag naiprito na ang lahat ng isda, ihalo na rin ito sa pinapakuluang ginisa
  • Tikman kung tama at ayos na ang timpla
Kaydaling lutuin ng ulam na ito at napakamalinamnam, sana ay mapakilala na rin ito sa karamihan dahil napakasarap at paboritong-paborito ito ng aking pamilya.


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN