MY SPECIAL EGG FRIED RICE




Haiya! Ayon nga kay Uncle Roger (Niger Ng), isang food reviewer na taga Malaysia, sumikat sya lalo ng i-review nya ang mga kanya-kanyang version ng Egg Fried Rice ng mga sikat na chef sa buong mundo tulad nila Gordon Ramsey, Jamie Oliver at Sherson Liam. May napuri at mayroon ding sobrang na-roast at na-gisa sa sobrang maling paraan ng pagluluto ng Egg Fried Rice. Ang Egg Fried Rice ay isang traditional Asian dish na ginagamitan ng leftover na kanin. Dito sa Pilipinas, tinatawag itong sinangag na napakarami ring bersyon at sahog na maaaring ilagay.

Isa rin itong paboritong almusal ng mga Pilipino at ipinapartner sa mga Silog recipes dito sa Pinas. Pero para sa akin, isang napakasarap na twist ang ginagawa ko sa egg fried rice, nilalagyan ko ito ng TJ Hotdogs at Ham na nagpapalasa lalo sa kanin.

Narito ang mga sangkap ng my special Egg Fried Rice

2 cups ng leftover rice

Isang piraso ng TJ Hotdog

Isang piraso ng flavored ham

2 eggs, large

1 ulo ng bawang

1 piraso ng sibuyas

1 tablespoon ng mantika

2 Tablespoon, salt

1 Tablespoon, paminta

2 Tablespoon ng Mamasitas Oyster Sauce

Celery

Butter

Narito naman ang paraan ng pagluluto

1. Ihanda ang mantika, lagyan ito ng butter.

2. Hintayin matunaw ang butter, at ilagay agad ang mantika upang hindi ito masunog.

3. Igisa ang bawang at sibuyas, papulahin ng konti ang bawang at sibuyas.

4. Ilagay na rin ang Hotdog at Ham, imbes na giniling na baboy, mas paborito kong inilalagay ang Hotdog at Ham.

5. I-set aside ang mga sangkap na nasa kawali at saka batihin ang itlog at ilagay dito, hintayin itong maluto at halu-haluin.

6. Ilagay ang oyster sauce.

7. Isunod na rin ang left over rice at lagyan ng celery, paminta at asin, halu-haluin ito hanggang sa mainin ang kanin at pwede ng ihain ang special fried rice.


Photocredit to PanalasangPinoy.com

Video is mine

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN