MY FAVORITE MANG BINATOG

 
Kada pupunta ako sa mga mall, lagi kong hinahanap ang stall nila, super favorite ko kasi ang binatog or ang white corn na nilaga at nilagyan ng niyog, asukal, asin at gatas. Kahit sa mga naglalako sa kalsada ay hindi ko ito pinapalampas. Sino ba naman ang aayaw sa napakasarap nitong lasa. Kaya sa ilang beses na pagpunta ko sa SM Megamall, hindi pupuwede na hindi ko pupuntahan ang stall nila sa LG level ng Building B. Mang Binatog, baka naman! 

Ayon sa mga artikulong nababasa ko sa internet, itinuturing na street food sa Pilipinas ang Binatog dahil nailalako ito ng mga nagbebenta nito gamit ang kanilang single-bike na nakalagay sa balde ang mga mais at mayroong nakahiwalay na lalagyan para naman sa baso, kutsara, gatas, asukal at niyog. 

Isa ring comfort food ang binatog, napasarap kainin nito tuwing tag-ulan pero syempre patok din ito sa tag-init. Sa murang halaga at simpleng mga sangkap nito ay maaari ka na ring gumawa ng sarili mong Binatog. Pero kung malapit ka naman sa mga mall at mayroong Mang Binatog. Wow na wow na yan, sana nga lang ay pagtapos nitong quarantine ay makapag-mall na ulit ako at makadalaw sa Mang Binatog. Mang Binatog, baka naman, andito lang ako sa Mandaluyong ngayon. Hehe.


Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN