FRENCH FRIES FOR EVERY JUAN
French fries ang
tawag sa klase ng patatas na pinipirito sa mantika dahil nagmula ang konseptong
ito ng pagkain sa France, subalit nagkaroon na rin ng iba’t-ibang version sa
iba’t-ibang panig ng bansa.
Dito sa Pilipinas, karaniwang
French fries na ang tawag sa ganitong klase ng street food o meryenda, marahil
sikat ito lalo na sa mga bara-barangay dahil naibebenta ito ng tingi-tingi lalo
na para sa mga kabataan.
Lima hanggang bente pesos naibebenta
ang French fries sa kalye na talaga namang tinatangkilik ng maraming Pilipino
ngunit kung nag-aalangan kayo sa inyong mga binibili sa labas ng inyong
tahanan, maaari ring naman gumawa ng sariling fries na may sariling version.
MGA SANGKAP
¼ ng patatas
(sliced sa maliliit na bahagi)
Cheese,
barbeque, sour cream powder (para sa flavor)
Asin (kung ayaw
ng flavor)
Mantika
Ketchup at
Mayonnaise
PARAAN NG
PAGLUTO/PAGGAWA
Hiwain sa maliliit na slice ang
patatas, hugasan ito.
Magpainit ng mantika at ilagay ang
patatas dito (kailangan ay deep fried upang hindi masunog ang patatas)
Maghanda ng powder (cheese,
barbeque, or sour cream) at ilagay ito sa Tupperware, patuluin naman ang
mantika sa patatas sa salaan upang hindi lumabsa.
Maglagay ng mayonnaise at ketchup
(o isa lang sa dalawa) at paghaluin ito upang maging thousand islands para sa
sawsawan at maaari na itong ihain sa buong pamilya lalong-lalo na sa mga bata.
Napakadali lamang, siguradong
napakalinis pa at safe na safe ang mga kabataan.
Photo credit to PanlasangPinoy.com
Comments
Post a Comment