PANCIT CANTON, PATOK SA KALSADA

Itinuturing na rin na isang street food ang pancit canton na nasa pack o tinatawag din na instant pancit canton na karaniwang almusal at meryenda ng napakaraming Pilipino at paboritong kapareho ng tinapay lalo na ng monay o burger buns.

              Makikita sa kahabaan ng Intramuros sa Maynila ang mga karinderya o mga food stand na lutong pancit canton ang hinahain at patok na patok ito sa mga estudyante sa Mga eskwelahan doon tulad ng Letran, Lyceum at Mapua.

              Kaya sa mga nagbabalak itong gawing negosyo, napakadali lamang at siguradong kikita kayo, dahil ilang sangkap lamang ang kakailanganin upang makapagtinda nito, tulad na Pancit canton, malinis na tubig at ang gaas na gagamitin sa pangluto.

              Ang mga sangkap na ito ay may puhunan kaya naman kailangan itong isaalang-alang upang ma-compute ng maayos ang presyo na ipapatong ditto.

              Walong piso ang pancit canton kung hindi ito luto at dahil mahal ang LPG, mapapatungan ang presyo nito at siyempre, kailangan din ng tubo para sa pagod ng tindera o magnenegosyo nito.

              Sa kabuuan, maaari itong itinda ng luto na sa halagang labing limang piso at maaaring magdagdag bayad kung gusto ng toppings tulad ng nilagang itlog at kalamansi, dagdag bayad din kung gustong umorder ng karagdagang tinapay.

              Maaari ring iulam ang pancit canton kung talagang nagugutom, sampung piso para sa isang order ng kanin.

              Sa panahon ngayon, kailangan lamang maging matiyaga upang umunlad ang buhay, kahit anung klase man ng pagtitiyaga basta’t marangal siguradong tutubo ka.


CC: yummy.ph

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN