IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN

 

Kung sasakyan ang pag-uusapan, napakaraming aspeto ang kailangan mong malaman tungkol dito, nariyan ang history nito, ang pinagmulan, ang mga parte at mga klase nito, kung pang-pribado o pang-publiko, modelo o ang kulay nito, at siyempre, ang isang importanteng aspeto tungkol sa sasakyan ay ang makina nito mismo.

Kotse ang pinaka-unang papasok sa ating isipan sa tuwing pag-uusapan ang sasakyan, ayon nga sa depinisyon ng pinaka-sikat na diksyonaryo online na Wikipedia, Ang kotse ay isang de-makinang sasakyan na may mga gulong, kayang umandar sa sarili na ginagamit para sa transportasyon.

Tama, makina ang pangunahing dahilan upang ito ay mapaandar, subalit ano-ano nga ba ang mga uri ng makina na puwede sa iyong sasakyan?

Ayon sa isang website na nagtatalakay tungkol sa mga sasakyan, mayroong limang klase ng makina o engine sa ingles na karaniwang makikita sa ating mga sasakyan sa panahon ngayon.

Una ay ang straight engine, mas magaan, mas maliit at karaniwang ginagamit sa maliliit na sasakyan, subalit hindi gaanong pino o smooth ang takbo ng mga ito, pero hindi ito maingay at higit sa lahat, pinakamura ito lalung-lalo na sa maintenance nito.

Mas madaling gawin o i-assemble ito kuMpara sa ibang engine tulad ng V-engine.

 


Ikalawa ay ang V-Engine, tinawag itong V-Engine dahil sa hugis nitong pa-letter V, ang makinang ito ay isa sa pinaka-mahal na engine, mas maliit ito kumpara sa straight engine at mas makabago ang itsura nito.

Kilalang engine ito para sa mga motorsports o pang-karera tulad ng Formula races, 1 and 2, motoGP, NasCar at marami pang iba, dahil mas maganda ang stability at mas attractive rin ito.

Mayroong apat na design ang karaniwang makikita sa V-Engine, ang V6, V8, V10 at V12.

Dito sa Pilipinas, karaniwang makikita ang V8 engine sa mga malalaking sasakyan tulad ng mga truck at bus na naghahari sa mga pangunahing kalsada ng Metro Manila.

Ang engine na ito ay mayroong napakalakas at napakagandang power, kaya naman mahal ito kung sa maintenance ang pag-uusapan.


Ang ikatlong engine naman ay ang boxer o mas kilala bilang Flat Engine, dito sa Pilipinas, karaniwang gamit ito ng mga may ari ng sports car na kung saan napaka-ingay sa daan ng kanilang mga sasakyan.

Maingay ito dahil sa kanyang design na kulang sa air boxes at engine bay.

Ang ika-apat naman ay ang Rotary o Wankel Engine, isa sa pinaka-kumplikadong disenyo ng engine dahil sa apat na stroke na pino-produce nito, ang intake, compression, power at ang exhaust, gagana ang lahat ng ito sa tuwing paaandarin ito at kusang iikot ang mga parte nito.  

Tinawag itong Rotary dahil sa rotational forces nito na nagbibigay ng lakas upang humarurot ang sasakyang may gamit nito.

Sa ngayon, iisang modelo lamang ng sasakyan ang mayroong ganitong makina, ang Masda RX-8.

Sinasabing naglalabas ito ng maraming usok sa daan dahil nagsusunog ito ng mahigit sa 20 percent ng gasoline o fuel.

Ang pinakahuli sa lahat, subalit ang pinaka-sikat na engine, hindi lamang dito sa Pilipinas maging sa ibang bansa ay ang Diesel Engine.


Karaniwang ito ang gamit dahil sa dami ng advantage nito sa ating mga sasakyan, una, mayroon itong 45% efficiency upang maconvert ang gasoline bilang mechanical energy, ibig sabihn ay nagiging mas matulin o maganda ang takbo ng isang sasakyan kung malakas ang mechanical energy nito.


Ikalawa, napakahaba rin ng buhay ng diesel engine, sabi nga sa kasabihan, habang tumatagal ang diesel ay lalong lumalakas, mas maganda rin ang reliability nito at mas maliit ang tsansa ng engine failures.


Nagpo-produce rin ito ng sariling cooling system upang maiwasan ang over-heat.

Subalit mas mahal din ito at mas maingay din sa kalsada, minsan ay ginagamit din ito pang-karera subalit mas advisable pa rin ang V-engine.

Sinasabi nga nilang luho lamang ang magkaroon ng mga sasakyan, ngunit sa hirap ng transportasyon sa ating bansa, bakit hindi subukan, alamin lamang kung anu-ano ang mga makakabuti at hindi makakabuti sa ating mga sasakyan.

 

 

 

 

 

 

 

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!