MGA PINAGDADAANAN NG MGA ESTUDYANTE TUWING PATAPOS ANG SEMESTER
Tuwing sasapit ang huling yugto
ng semester sa kolehiyo, puspusan ang mga estudyante dahil sa mga sari-saring
activity na ginagawa ng eskwelahan.
Tulad ng Thesis na talaga namang ikinamamatay ng mga estudyante makapasa lamang at mairaos ang napaka-madugong thesis defense.
Karaniwang mayroong thesis ang
halos lahat ng kurso sa kolehiyo, kaya naman ito ang karaniwang kinakatakutan
ng mga estudyanteng nais maka-graduate on time.
Sabi
nga nila, napakahirap maging estudyante, subalit kailangan itong pagdaanan
dahil ang pagiging estudyante ay isang biyaya sa bawat indibidwal, sa magiging
kinabukasan ng bawat isa at pati na rin ng ating bansa.
Malaking
tulong din ang mga Library sa mga estudyante dahil sa mga kaalamang mapupulot
dito mula sa mga aklat o libro na mababasa rito, sa sobrang dami nga nito ay
hindi mo mababasa ang lahat ng ito sa loob ng isang buwan.
At
siyempre, malaking tulong ito para sa mga estudyanteng mayroong Thesis subject
na magbibigay ng mga reference upang lalong mapaunlad ang mga kani-kanilang
term paper.
Kung
sabagay, hindi lamang mga estudyante ang sumasakit ang ulo pagdating sa
iba’t-ibang activity ng mga unibersidad, pati na rin ang mga magulang na hindi
malaman kung saan kukuha ng pang allowance at iba pang expenses ng mga
estudyante nila, liban na rin dito ang tumataas ng matrikula sa mga
pang-pribadong eskwelahan.
Isa
pang matinding pinagdadaanan ng mga college student ay ang kaliwa’t kanang
examination tests, na talaga namang masakit sa ulo dahil kung minsan ay
sabay-sabay pa ang mga subject sa iisang araw.
Kaya
kung minsan ay napaghahalo na ang mga ni-review na lessons sa ating utak,
stressful iyon para sa mga ordinaryong estudyante na hindi naman gaanong
katalinuhan, kanya-kanya na lamang diskarte upang makapasa, at siyempre, bawal
ang mangdaya.
Minsan
din sa buhay ng mga estudyante ang sumali sa extra-curricular activities, sayaw
dito, sayaw doon, kanta rito, kanta roon, kumbaga kahit saang activity ng
eskwelahan ay makikita ang pagmumukha ng estudyanteng ito, subalit mahirap iyon
kung makikisabay pa ito sa mga importanteng bagay upang makapasa at
maka-graduate na rin sa wakas.
Isang prestiyosong extra-curricular activity na maaring salihan ay ang Broadway Musical, pero sa ibang kurso tulad ng Mass Communication sa Adamson University, required ito para sa mga nagte-take ng drama subject.
Gastos, puyat,
awayan, pagod at marami pang iba ang mararanasan dito, subalit napakasaya naman
nito kung ito’y matatapos at maitatanghal sa harap ng maraming tao, kasama na
rin ang mga magulang mo na nagbigay ng baon mo.
Pero bago maranasan ang mga mabibigat na bagay na ito, hinding-hindi mawawala sa curriculum ang intership, o mas kilala bilang on-the-job training, karaniwang kinukuha ito tuwing summer, dito mararanasan kung gaano kahirap ang maghanap ng trabaho at matutunghayan ang sinasabi nilang real world.
Depende sa kung
saan company ka mapupunta ang magiging experience mo, mayroon kasing wala kang
matututunan subalit mayroon namang talagang hindi ka lang mag eenjoy,
lubos-lubos pa ang aral na makukuha, at puwede mo pang ipagpatuloy ang mga
trabahong sinimulan mo na kahit ikaw ay graduate na.
Napakasayang
mag-aral, halos lahat ng magagandang experience ang makukuha at matutunan dito,
ang pagiging malikhain at kung sino ka ngayon.
Sabi nga ng
karamihan, ang pagiging successful ay wala sa eskwelahang pinasukan, kundi sa
estudyante mismo na syang gumagawa ng kanyang kapalaran.
Kapag ito’y
napagtagumpayan na, napakasarap sa feeling, makukuha ang inaasam na diploma na
magiging pamana sayo ng iyong mga magulang.
Aakyat ka sa entablado ng may ngiti sa iyong mga labi at masasabing ito na sa wakas, may patunay na ang lahat ng iyong paghihirap.
Comments
Post a Comment