LEMON WATER


Mataas ang Vitamin C sa Lemon, kaya maganda ito para sa ating immune system, maganda rin itong panlaban sa mga kidney diseases at pampaginhawa rin sa ating blood pressure, nililinis din nito ang urinary track at nagbibigay ng ilang enerhiya sa atin. Ayon pa sa ilang pag-aaral, nakakatulong ang pag inom ng lemon water sa ating dehydration at nakababawas din ng depression.

Maigi nga ba ang lemon water sa ating katawan? Oo, ito ang direktang sagot, subalit hindi ito pupuwede sa mga may problema sa acid, ngunit napakarami naman nitong benepisyo. Isa ang lemon sa pinakakilalang prutas sa buong mundo, halos  lahat ng bansa sa buong mundo ay nag-aangkat or hindi naman kaya umaangkat nito, dahil sobrang kilala ito bilang napaka-healthy. Ayon sa site na smartparenting.com ang Citris limon ang scientific name ng lemon, na siyang bunga ng lemon tree. Bagamat hindi matukoy kung saan ito unang tumubo, pinaniniwalaan na nagmula ito sa northwestern India at nakarating sa southern Italy hanggang maitanim na rin sa marami pang bansa. Kabilang na dito ang Pilipinas, partikular sa Baguio, kung saan matatagpuan ang dalawang common lemon varieties na Eureka at Lisbon.

Kahit isang slice lang ng lemon ay maaari na itong ilagay sa iyong personal tumbler, at maaabsurb na nito ang mga sustansya na nasa lemon sa tuwing ito'y iinumin na natin. Laking tulong din ng lemon water sa ating digestion na nagpapabilis tumunaw ng anumang pagkaing iniintake natin.

Pero ang pinaka-mahalagang benepisyo kung bakit nauuso ang lemon water ay dahil sa mga nagpapapayat, isa kasing antioxidant ang lemon na tumutulong upang ilabas ang toxins sa ating katawan. Healthy na, nakakapayat pa, kaya naman usong-uso ito ngayon. Ang ilan pa nga ay hinahaluan din ito ng luya or di kaya honey at ang iba naman ay pipino na pare-parehong healthy at maganda sa kalusugan ng bawat isa.








Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN