Posts

Showing posts from April, 2018

50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) LAST PART

39th day – 48 th day: Naging masaya ang pagsasama ng dalawa, masayang masaya, kulang pa ang mga salitang iyan para idescribe ang kanilang kasiyahan. 49 th day: Kung ganun kaikli lang ng kanilang pagkakakilala sa isa’t-isa at sa maikling panahon na ‘yon ay naging maganda ang kanilang pagsasama. Ayon nga sa isang kanta, “Oh kay bilis ng iyong pagdating, pag alis mo ay kay bilis din” Nakatanggap ng tawag si Jenny papuntang abroad, sa Switzerland, naroon ang kanyang kapatid at niyayaya itong doon na manirahan at mamuhay ng payapa, at kailangan ng umalis kinabukasan. Hindi makapagdecide si Jenny dahil ayaw niyang iwanan si Johnny subalit ayaw niyang iwan ang pagkakataong matagal na niyang pinapangarap. Kinagabihan ay nag-usap sila ni Johnny “Huh? Iiwan mo na lang ako basta-basta, hindi naman tama iyan, mahal kita, ayokong mawala ka sa piling ko” – “Babalik ako! Pangako ko sa iyo yan, intindihin mo naman ako, matagal ko ng pangarap ito, bata pa lang ako gusto ko ng mag-abroad, pleas

50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 4

“Ano ba ang nangyari? Gumaling na ang tatay ko pero parang nagluksa ka naman diyan, at ano nangyari sa braso mo?” – “Masaya lang ako para sa tatay mo, at masaya rin ako kasi kinakausap mo na ako” Bumalik si Johnny sa kanyang puwesto at tinanong nito si Ryan kung may problema ba si Jenny. “Binubugbog kasi siya ng Boyfriend niya eh, matagal ng nangyayari iyon pero hindi niya ito maiwan dahil mahal niya, mahal na mahal niya!” Natahimik si Johnny sa kanyang narinig at agad bumalik sa kinapupuwestuhan ni Jenny. “ Alam mo Jenny, hinding-hindi kita sasaktan ” – sambit ni Johnny, napangiti lang si Jenny sa kanya at sinabing “alam ko naman iyon eh, ako lang naman ang nananakit sayo eh” – “Kailan mo ko sinaktan? Kahit saktan mo ako, tatanggapin ko ‘yon dahil mahal kita”. “Hindi” – sambit ni Jenny ng biglang sumingit si Johnny “Ako, hindi ako naniniwala sa love is blind, dahil ang pagbubulag-bulagan sa pagmamahal ay isang katangahan, ang pagmamahal ay maitutulad sa isang puno, dahil ang pu

50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 3

“Mahirap talaga magmahal no? Lalo na kapag ang taong minamahal mo ay naghihirap ngayon sa isang karamdaman na hindi mo alam kung magigising pa siya o hindi na, ngayon, hindi ko na alam ang kapalaran ng buhay” – Singit pa ni Johnny. Sumagot naman si Jenny sa kanya at sinabing “Alam mo, ang kapalaran ng buhay ay hindi hinuhulaan, dahil ang kapalaran, ginagawa ‘yan at pinaghahandaan”                 Paputol na sumagot si Johnny “Bakit? Hindi ko naman pinaghandaang mahalin ka ah, pero mahal pa rin kita, mahal na mahal pero ikaw hindi mo kaya” – “Di puwede Johnny, may mahal akong iba”                 Agad pinutol ni Johnny ang usapan at napaiyak na lamang sa kanyang narinig, sa isip-isip niya, napakalupit ng mundo, malupit ito lalo na sa mga damdaming nasasaktan, naisip niya rin na napaka unfair ng buhay.                 21th day midnight – 22th day: Hindi makatulog si Jenny, tanung niya sa sarili, tama ba ang ginawa niya, lalo niyang nasaktan ang damdamin ng iba, kaya naman labis na

EGGS EVERYDAY!

Image
Alam kong healthy ang itlog pero kung every day, ayun ang hindi ko alam, basta ang alam ko, my favorite dish every morning is scrambled egg na itinitinda sa canteen namin sa office. So, every morning eggs ang almusal ko, may nagsabi kasi sa akin na healthy at maganda sa katawan ang itlog kung araw-araw itong kakainin tuwing umaga. Pero we all know naman na everything should be in moderation, kaya naman kanina, hindi na scrambled egg ang breakfast ko, tortang talong at meat loaf naman na kinover sa itlog. Hahaha. Pero ano nga ba ang magandang epekto ng itlog sa ating katawan kung araw-araw itong kakainin? Ayon sa aking pagsisiyasat, ito ang mga datos na aking nakuha. 1. Inirerekomenda ito ng mga doktor dahil sa mga magandang nutrisyon at napakaraming bitamina tulad ng Vitamin A, D, E, K, B6, B12 at may Thiamin, Riboflavin, folate, Betaine. 2. Ngunit napakaraming cholesterol na matatagpuan dito, maihhalintulad ang taas ng cholesterol nito sa seafoods, atay at iba pang pagka

50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 2

Third Day: Bored na bored na si Johnny sa kanyang mga ginagawa pero okay lang ito para sa kanya dahil nakikita niya naman ang kanyang crush.                 Fourth Day: Birthday ni Johnny ngayon, hindi niya ito sinasabi sa mga kasama niya sa office dahil sa nahihiya siya subalit may biglang bumati sa kanya. “Happy Birthday to you!” napalingon si Johnny kung sino ang bumati sa kanya upang magpasalamat agad “Thank you” tugon naman ni Johnny ng maglulat naman siya na si Jenny pala ang bumati. “Paano mo nalaman?” tanung ni Johnny na medyo kinikilg pa sa kanyang boses. “Edi sa Resume mo! Mamaya, icelebrate natin yang birthday mo” sagot ni Jenny, Ngumiti na lamang si Johnny at namumula na lang dahil kinakausap siya ng crush niya.                 Kinagabihan sa office, mga 7 ng gabi, pauwi na siya, may dumating na cake para sa kanya at doon na sila nagsimulang magcelebrate. Doon na rin siya naging kumportable kay Jenny na agad niyang naging kaibigan.                 Fifth Day: Dahil sa

50 DAYS WITH JENNY (SHORT STORY) - PART 1

Required sa practicum ni Johnny na mag OJT sa isang kumpanya upang makagraduate agad sa susunod na semester. 400 Hours ang required hour’s nila ito ay katumbas ng limangpu’t araw na kailangan niyang bunuin upang matapos ang internship, ang 400 hours ay kabuuan lamang ng dalawang buwan saw along oras na pasok araw-araw.                 Nagpaalam si Johnny sa kanyang Ina na maghahanap muna sya ng pag oojt-han ngayong araw. Si Johnny ay isang Information Technology student sa isa sa mga sikat na unibersidad sa bansa, ang Adamson University. Nag apply si Johnny sa isang sikat na IT company sa bansa upang ipamalas ang kanyang kakayahan sa larangan ng computer programs.                 “Sir san po ba maaaring magpasa ng resume for OJT?” Ani ni Johnny. Pinapunta siya ng guard sa HR Department upang makapagpasa ng resume, may nakita siyang kakaiba, nakita niya ang isang empleyado, maganda at kaakit akit at mukhang kaedad niya lang din. “Jenny, pa-assist muna itong nag-aapply for OJT” ani

CARINDERIA: MURA NA, SULIT PA (Pangkabuhayan Tips)

Mura, abot kaya at talaga namang nakatitipid ang mga gutom na sikmura sa karendirya, kya simulan na itong inegosyo upang may mapagkakitaan ngayong panahon ng tag gutom.                 Patok na patok ang mga karendirya lalong lalo na sa mga driver, mga busy sa trabaho at kahit ang mga nagtitipid na mga estudyante. Parang restaurant din ang menu at ang mga putahe na maaaring pagpilian. Laging present sa pagpipilian ang menudo, sinigang, nilaga, kung anu-anong gulay, pritong isda, lutong manok at marami pang iba.                 Saan nga ba nagmula ang konsepto ng carinderia? Ang carinderia ay inintroduce sa atin ng mga Espanyol na kung saan nagging patok na patok sa panlasa ng mga Pilipino. Kaya saan pa? Kahit saang kanto ng ating bansa ay mayroong carinderia, kaya halina’t magtayo nito.                 Maraming mga factor na kailangan isaalang-alang kapag magtatayo ng carinderia. Una, kailangan alamin ang gusto o hilig na ulam ng mga Pilipino. Pangalawa, alamin kung saan maaarin

TOKWA’T BABOY SA TAUSI (recipe)

Madalas ipulutan, ito ang laging unang isasambit tuwing maririnig natin ang pagkaing Tokwa’t Baboy, bukod kasi sa sisig, paboritong pulutan ng mga lasinggero’t lasinggera ang tokwa’t baboy na isasawsaw lang sa suka at ayos na at bagay na bagay na sa pampainit ng inuman.                 Sabi ng iba, bagay talaga sa isa’t isa ang Tokwa at ang Baboy, ano nga ba ang meron sa mga ito na pati ang mga nag-iinuman ay ito ang hinahanap-hanap? Ang tokwa kasi ay mayaman sa protina at calcium na nagpapatagal at nagpapalakas sa mga tagayan, nagpapalasa at nagbibigay naman ng sarap ang baboy dito.                 Pero alam niyo ba na hindi lang pulutan ang tokwa’t baboy? Madalas din itong gawing ulam sa mga restaurant at kahit sa lutong bahay lang. Sinasamahan ito ng Tausi, ang tausi ay isang black beans na binuburo upang lumabas ang sarap at lasa nito, ito ay nagbibigay din ng aroma at nagdadagdag ng flavour sa kung anung ulam na lalagyan nito. MGA SANGKAP Baboy (Hiwain ng pa-cubes) Tokw

BANANA CUE, CAMOTE CUE, TURON! (tips)

Image
Matamis, panghimagas at talagang paborito ng karamihan tuwing tag ulan lalo na kung ito’y bagong luto, ano nga ba ang sikreto sa masarap na mga meriendang ito? Alamin kung bakit patok na patok ito sa mga de karitong at de tulak na tindahan, lako o puwesto sa mga kalye ng iba’t ibang dako ng bansa.                 Masayang inegosyo ang pagtitinda ng banana cue o banana q, Camote cue at turon sapagkat karamihan ng mga Pilipino ay kumakain nito. Maaari mong ibenta sa halagang sampung piso sa kada stick o tuhog na may dalawa hanggang tatlong piraso ng saging. Sa pagtitinda ng mga ito, kinakailangan mo lang ng maraming mantika at asukal na pula at manibalang (kahihinog pa lang) na saging nang saba. Sa camote cue naman, ang dapat na gamiting kamote ay ang Kamoteng gapang (dipende sa kulay, may kulay ube, puti at dilaw), kadalasan itong nakukuha sa ilalim ng lupa. Tiyak na malaki ang tutubuin dito ng isang mamumuhunan basta’t may tiyaga at maging pasensyoso sa paghihintay ng mga customer.

BEEF BROCCOLI (recipe)

Malinamnam, masarap at isa sa mga pinakamahal na gulay sa ating bansa – ano pa, edi ang sosyal na ulam ng mga Vegetarian, ang Broccoli, pero lalo itong mas sososyal kapag sinamahan mo ng baka, malambot na baka.                 Alam niyo ba na ang pagkaing ito ay hindi lamang sikat sa mga Pilipino Restaurant, isa rin ito sa mga binibida ng mga Chinese, American at European Restaurant. Hindi nakapagtataka, paborito ito ng maraming tao sa buong mundo. Sa Pilipinas, sa Baguio City ang may pinaka mataas na produksyon nito kaya kung nagbabalak bumili, siguradong mura sa Baguio, ayun ay kung malapit ka lang sa lugar na iyon.                 Ang Broccoli ay mayaman sa vitamin C at dietary fiber at nagtataglay ng anti-cancer vitamins tulad ng diindolylmethane at selenium kaya naman napakahalaga ng gulay na ito. At hindi lang iyan, mayroon pa itong 24 o dalawangpu’t apat na bitamina sa kada isang kilo ng broccoli.                 Tiyak na masarap na recipe ang kahit anung ulam na may kasa

PINAKASIKAT NA TINDAHAN NI ALING NENA (TIPS)

Pabili, pagbilan – ano ‘yon? Ilan lang ang mga katagang iyan na palagi nating maririnig sa tindahang kahit saang kanto ay mayroon, daig pa nito ang grocery store na ikaw mismo ang maghahanap ng bagay na iyong bibilhin bagkus may tinderang nakaabang para ibigay ang iyong binibili.                 Ang tindahang ito ay ang Sari-sari store, bakit nga ba ito tinawag na sari-sari? Dahil ang mga paninda rito ay sari-sari, may de lata, junk foods, sabon, instant noodles at iba pang kakailanganin natin sa ating mga kabahayan, ang salitang ito ay katulad lamang ng iba-iba. Alam niyo ba na ang Sari-sari store ay matatagpuan lamang sa Pilipinas? At karamihan ng mga nito ay nasa tabi lang ng kalye, tapat ng kalsada, harapan lang ng bahay na kadalasang suki ang mga kapitbahay.                 Kaya kung ikaw ay may magandang puwesto, o nagbabalak ng ganitong uri ng negosyo, bakit di mo i-try? Di ka na aalis ng iyong bahay, kikita ka pa. At dapat, ay matiyaga kang maghihintay ng customer na sis