GO WITH THE FLOW!

Kapag inaantok ako, hinahayaan ko lang ang sarili kong makatulog, reward ko 'yun sa sarili ko, dahil laging kulang ako sa tulog, kung minsan ay kung anu-ano na ang nararamdaman ko, sakit sa ulo, sa tiyan, at minsan ay panghihina. Kaya ang tip ko para sa mga katulad kong wala ng time matulog kaka-work! Go with the flow! yung tipong standing ako sa Bus, (siyempre Safeway bus ito) at naka-pwesto pa ako sa estribo, go with the flow lang, eh sa inantok ako e. Yung tipong naka-sabit ako sa Jeep. Huwaw kung hindi ko pa naamoy ang masansang nababalot sa Payatas, hindi pa ako magigising, buti ng lang pala ay nakaupo rin ako sa estribo. 

Naranasan ko ring makatulog habang nakapila sa terminal ng Jeep, at syempre walang upuan yun! Special talent ko yata ang pagtulog kung saan-saan. kaya minsan kahit nag-seselfie ay nakapikit din ako. Ay hindi nga pala ako mahilig mag-selfie. Hahaha. 

Tulad ngayon, inaantok na ako, isang matinding Friday na naman ang nagawa ko ngayon, Yung feeling ko ako ang may pinaka-maraming trabaho dito sa office ngayong araw na to. Kaya ang reward ko ngayon ay ang matulog dito mismo sa office. Ayoko ng umuwi at anong oras na rin naman. Haha. Goodnight folks :-)

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN