'Yung Crush ko na alam kong Crush din ako.

Hindi ko alam kung nagfefeeling lang ako, pero feeling ko, si Ateng maganda sa kabilang area ng opisina ay crush ako, bago pa lang sya nakita ko na ang kanyang kagandahan, medyo kinulang nga lang sya sa height pero pwede na rin, mayroong mahabang buhok at rosey cheeks ika nga nila. Mapupungay ang mga mata at mayroong maamong mukha. Kinikilig nga ako sa tuwing makakasalubong ko sya at babatiin nya ako ng "hi sir"! Yihieeee ang landi!

Pero paano ko nga bang nasabi na mayroon din syang crush sa akin? Ito ang aking mga obserbasyon.
1. Lagi kaming nagkakatinginan. Yung tipong pasimple at slow motion pa. Haha
2. Lagi syang tumatawa kapag nagjojoke ako na hindi naman nakakatawa at higit sa lahat, hindi ako sa kanya nagjojoke. Tsismosa lang sya at humahaba ang tenga pag naririnig na ang mala-Bruce Willis kong boses.
3. Wala assumero lang ako. Hahahaha.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN