HIDDEN CHARGES NG GLOBE TELCOM

Hindi ko alam kung bakit biglang mayroon na agad na pinadalang bill samin, malinaw na malinaw ang pagkakasabi ng agent at ng installer na ang next bill namin ay December 2017 pa dapat. Pero nitong October lang ay may dumating na na bill na 600 plus pesos. So hindi ko alam kung saan nanggaling 'yun, tapos ang plan namin ay 1299 10mbps (na napaka-bagal) with 50 gb only. Nung nagpa-install kami, nagbayad kami ng 1500 kasi sabi nung agent at nung installer, ayun na raw yung installation fee at first month pay, wala naman silang sinabing amortization ng modem at 6 months lease to own ng landline na hindi naman namin nagagamit. Bali ang total bill namin ay aabot ng kulang-kulang 2k. Ang masaklap pa, ako pa magpi-print ng billing statement. Sana ipadala niyo nalang sa bahay, sayang ang ink at papel.

Okay lang sana ang mga hidden charges na yan kung mabilis ang internet kaso hindi rin naman napapakinabangan dahil sa sobrang bagal. Nanghihinayang talaga ako at hindi ko pa hinintay makapasok ang PLDT sa Village namin. Haynaku. 'yun lang. Sulit na sulit ko ang internet dito sa office. Hahahaha.

Comments

Popular posts from this blog

PINOY SPAGHETTI (Recipe)

PAGTITINDA NG GULAY AT PRUTAS, TALAGANG MABENTA!

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN