Ice For Sale (Pangkabuhayan tips)
Sa ganitong panahon, sunod-sunod ang pagtaas ng mga bilihin at bayarin kaya marami ang gustong makatipid, ang solusyon? Magbawas sa paggamit ng mga appliance sa mga kabahayan. Kaya naman ang iba, sinasamantala ang mainit na panahon upang kumita. Marami sa mga bahay-bahay ang gumagawa ng yelo sa plastic na s’yang ibinebenta o ipinagbibili. Sa totoo lang, malakas komunsumo sa kuryente ang refrigerator na gaamitin sa pagtitinda ng yelo dahil mas malaki ang makina nito at malakas din ang pino-produce na init. Subalit kung ayaw naman itong patayin dahil sa init ng panahon at makapagpalamig din ng tubig na inumin, pwede naman itong pagkakitaan o pangdagdag bayad sa kuryente. Kung ang freezer ng refrigerator ay malaki o maaaring makagawa ng 30 piraso ng yelo, siguradong kikita ka ng kulang kulang 100 na piso kada araw sa tatlong pisong halaga nito kada piraso. Tiyak na kikita sa ganitong paraan dahil plastik na pang yelo lamang ang kakailangan