Posts

Showing posts from 2017

PROMOTION!

Akala ko talaga mapo-promote na ako, 3 years na ako dito sa company na ito, pero yun I end up na salary adjustment lang ang nangyare sa akin which is na napakasaya ko na rin. Lalo na yan na super selected lang kami. uy

THE BONIFACIO DAY

This day is a regular holiday here in the Philippines, yes it is, pero ito ako ngayon nagtratrabaho sa office (beside sa pagbloblog). Pero syempre may advantages naman, like double pay at mababawasan ang napakarami kong pending dahil ang dami ko ng leave of absence. ⇎✋✊👅👐👥👧👻💂💘😋😑😆😉😊😌😂💦💔💬😀💇💘⃠. Kaya thank you talaga kay Gat Andres Bonifacio, isang magiting na bayani dito sa aming bansa.

SOUL SEARCHING

Kahit isang beses hindi ko pa na-try magleave sa trabaho para magbakasyaon out of town or out of the country, syempre bukod sa financial status ay hindi rin talaga ako mahilig mag-gala. Subalit may mga listahan ako ng mga lugar na gusto kong puntahan, locally and internationally. These are the following places; Local PALAWAN - I know, we know, maraming magandang landmarks dito, syempre sa Coron at ang underground river ay gusto kong mapasyalan kahit in my dreams lang (hindi kasi ako marunong lumanoy) BAGUIO - Gusto ko lang ma-feel yung lamig dun kahit alam kong halos pareho lang ang Metro Manila at Baguio, yung klima talaga ang nagdala. BALER - Ito yung tipong soul searching moment talaga, yung mag-isa lang akong magtravel dito dahil medyo malapit lang naman din sa Manila, okay na rin sa akin ito. BATANES - Ito yung pinaka-pangarap kong puntahan sa Pinas, hindi lang pang soul searching, pang peace of mind pa. International MOSCOW, RUSSIA - Bata pa lang ako, Russia na yung f

'Yung Crush ko na alam kong Crush din ako.

Hindi ko alam kung nagfefeeling lang ako, pero feeling ko, si Ateng maganda sa kabilang area ng opisina ay crush ako, bago pa lang sya nakita ko na ang kanyang kagandahan, medyo kinulang nga lang sya sa height pero pwede na rin, mayroong mahabang buhok at rosey cheeks ika nga nila. Mapupungay ang mga mata at mayroong maamong mukha. Kinikilig nga ako sa tuwing makakasalubong ko sya at babatiin nya ako ng "hi sir"! Yihieeee ang landi! Pero paano ko nga bang nasabi na mayroon din syang crush sa akin? Ito ang aking mga obserbasyon. 1. Lagi kaming nagkakatinginan. Yung tipong pasimple at slow motion pa. Haha 2. Lagi syang tumatawa kapag nagjojoke ako na hindi naman nakakatawa at higit sa lahat, hindi ako sa kanya nagjojoke. Tsismosa lang sya at humahaba ang tenga pag naririnig na ang mala-Bruce Willis kong boses. 3. Wala assumero lang ako. Hahahaha.

URINARY TRACK INFECTION

Dati na akong may history ng UTI, pero hala, sige pa rin sa pagkain ng maaalat at sa pag inom ng softdrinks, hanggang nitong nagdaang linggo kung saan bila na lamang akong nanahimik sa mundo ng blogging dahil nakaranas ako ng severe UTI. Pero ano nga ba ang UTI, bakit ako ginagambala nito. edi ni-research ko sya sa wikipedia. Ayon dito, ang UTI ay isang uri ng sakit kung saan infected ang kidney ng isang tao. Wow, infected na yung kidney ko, balak ko pa naman itong ibenta, siyempre joke lang.  "Medical  Definition  of  Urinary tract infection . Urinary tract infection : An  infection  of the kidney, ureter,  bladder , or urethra. Abbreviated  UTI . Not everyone with a  UTI  has symptoms, but common symptoms include a frequent urge to urinate and pain or burning when urinating." - Ang pambansang WIKI. Hindi naman masakit sa tuwing iihi ako pero yung sakit sa lower back ko ang matindi, uminom lang ako ng uminom ng maraming tubig at isang tablet ng sambong leaf ay nawala na

LUNCH OUT

Yung lahat ng ka-team ko ay naka-lunch ngayon ako lang ang hindi, aaminin ko naman na medyo loner ako, kaya naiwan ako dito sa office at sa canteen ako nag-lunch dahil sa mga sumusunod na kadahilanan. Una : May baon akong tocino na favorite ko. Pangalawa : Marami pa akong gagawin, knowing them pag nag-lunch out, hanggang 1pm lang ang break pero inaabot sila hanggang 2pm. Pangatlo : Mas feel ko makinig na Christian songs kapag naka-break, tulad ng ginagawa ko ngayon, nagblo-blog at the same time nakikinig din ng music. Pang-apat : Hello! Marami akong bayaring bills, e KKB kaya yung lunch out nila. Hahaha. Panglima : MATUTULOG AKO!

SINOK NOK NOK NOK!

Grabe ang nakakahiyang moment ko kahapon, after kasi maglunch, grabe yung sinok ko, hicups sa english, sunod-sunod na ang lakas pa. Kada sinok ko tumitingin lahat ng ka-officemates ko dahil nabubulabog ang tahimik na kapaligiran. Habang kinakausap ako ng Finance Staff ng isang seperated company under our company din. Finance Staff: Jek rush yung PD at yung CA ah. Ako: Ah oo, walang prob(sinok ng malakas)lema. Finance Staff: My Manager: My Colleague: My Whole Office: -------- Grabe nakakahiya yun, naalala ko kasi nung lunch, nag two rice ako tapos wala pang 5 minutes tapos na akong kumain. Hahaha

MY UNENDING MEDS!

Image
Hindi ko alam kung bakit ang dami dami kong gamot na iniinom, almost 3 months na, dahil sabi naman ng Doctor at libre naman ang gamot dahil HMO benefits, sige go lang, tanggap lang ako ng tanggap. Tumaas lang ng kaunti yung Liver Enzymes, Cholestrol at Uric Acid ko, tig-90 pcs ng gamot agad for 3 months ang apat na klase at 150 agad para sa liver enzymes na medyo prinoblema ko talaga. Pero hindi naman ako mataba, ayos lang ang aking pangangatawan. Talagang wala lang akong disiplina pagdating sa pagkain. At dahil jan, ito ang resulta,sandamakmak na gamot! Kung hindi to libre hindi talaga ako bibili nito. Bahala na si Lord sakin.

GO WITH THE FLOW!

Kapag inaantok ako, hinahayaan ko lang ang sarili kong makatulog, reward ko 'yun sa sarili ko, dahil laging kulang ako sa tulog, kung minsan ay kung anu-ano na ang nararamdaman ko, sakit sa ulo, sa tiyan, at minsan ay panghihina. Kaya ang tip ko para sa mga katulad kong wala ng time matulog kaka-work! Go with the flow! yung tipong standing ako sa Bus, (siyempre Safeway bus ito) at naka-pwesto pa ako sa estribo, go with the flow lang, eh sa inantok ako e. Yung tipong naka-sabit ako sa Jeep. Huwaw kung hindi ko pa naamoy ang masansang nababalot sa Payatas, hindi pa ako magigising, buti ng lang pala ay nakaupo rin ako sa estribo.  Naranasan ko ring makatulog habang nakapila sa terminal ng Jeep, at syempre walang upuan yun! Special talent ko yata ang pagtulog kung saan-saan. kaya minsan kahit nag-seselfie ay nakapikit din ako. Ay hindi nga pala ako mahilig mag-selfie. Hahaha.  Tulad ngayon, inaantok na ako, isang matinding Friday na naman ang nagawa ko ngayon, Yung feeling ko ak

NBA Mania

Image
Dahil nagsimula na ang NBA Regular season, ang dami na namang papansin sa FB, although isa ako dun pero sa ngayon hindi pa ako nagpopost. At syempre pinaka-pinag-uusapan ang Cavs, Warriors at Celtics. Eh paano naman yung ibang teams? 30 teams kaya yan, sabagay alam niyo naman na yun hindi ko na kailangang banggitin. May mga overhype na team at syempre meron ding NO HYPE tulad ng favorite team ko ngayon. Ito lang ang mase-say ko sa 30 teams na kalahok sa NBA. EAST CAVALIERS - SYEMPRE, as predicted ng mga magagaling, NBA Finals ulit. CELTICS - Gusto ko sana to kaya lang injured na si Hayward. MAGIC - Ito raw ang dark horse this season, pero sana sumali pa si Gordon sa Slam Dunk sa all star. PISTON - Wala akong pake. PACERS - No Comment HORNETS - Team Jordan! Haha WIZARDS - Will be a dark horse raw, we'll see. Anjan pa rin naman ang poker face e RAPTORS - Sana magpalit na sila ng ibang guard or magdagdag, for me Lowry is not effective anymore. pero playoffs material pa r

HIDDEN CHARGES NG GLOBE TELCOM

Hindi ko alam kung bakit biglang mayroon na agad na pinadalang bill samin, malinaw na malinaw ang pagkakasabi ng agent at ng installer na ang next bill namin ay December 2017 pa dapat. Pero nitong October lang ay may dumating na na bill na 600 plus pesos. So hindi ko alam kung saan nanggaling 'yun, tapos ang plan namin ay 1299 10mbps (na napaka-bagal) with 50 gb only. Nung nagpa-install kami, nagbayad kami ng 1500 kasi sabi nung agent at nung installer, ayun na raw yung installation fee at first month pay, wala naman silang sinabing amortization ng modem at 6 months lease to own ng landline na hindi naman namin nagagamit. Bali ang total bill namin ay aabot ng kulang-kulang 2k. Ang masaklap pa, ako pa magpi-print ng billing statement. Sana ipadala niyo nalang sa bahay, sayang ang ink at papel. Okay lang sana ang mga hidden charges na yan kung mabilis ang internet kaso hindi rin naman napapakinabangan dahil sa sobrang bagal. Nanghihinayang talaga ako at hindi ko pa hinintay makapas

PAYLESS PANCIT CANTON NA PETMALU!

Wala akong planong mag-endorse or kunin nilang endorser, pero pwede naman din. Hahaha. Nagtataka lang din kasi ako sa mga ka-officemate  kasi ang hilig nila sa Lucky Me Pancit Canton na halos wala ng laman at iba na rin ang lasa niya di katulad ng dati, nung panahong wala pa akong UTI, lagi kasi akong nagpapancit canton at syempre, Payless lagi ang binibili ko dahil isang piraso lang solve na solve na ako. Isang linggo, nagpabili yung nanay ko ng Payless Pancit Canton Chili Mansi ng apat na piraso pero tatlo lang kami kakain, grabe hindi na nagkasya sa malaking malukong na tasa yung pancit pagkaluto nito, pero naubos pa rin naming tatlo with matching monay with cheese pa yun. whaaaaaaa. Busog na busog kami nun, ayun para hindi tamaan ng UTI uminom ako ng isang galon na tubig. Le Minerale. Haha.

MY DREAM RESTAURANT

Wannabe chef talaga ako, namana ko sa nanay ko na napaka-sarap magluto, lagi kasi akong nanonood sa kanya sa tuwing nagluluto siya, kaya lahat ng technique natutunan ko sa kanya. Lalo na nu'ng nagkaroon kami ng cable, aba, wala ng ibang channel kung hindi food network at AFC, subaybayko pa lahat ng episode ng Masterchef US. - Courtney is my favorite contestant/winner. so angst. Sabi ko sa sarili ko tuwing nagluluto ako ng paninda namin sa carinderia, balang araw magkakaroon ako ng sariling restaurant na talaga namang sisikat at mafe-feature pa sa iba't-ibang food magazine sa buong mundo, at siyempre ma-recognize ng mga paborito kong chef na sina Gordon Ramsey at Jaime Oliver. Una kong goal ay matuto ng husto sa mga technique, gusto kong mag-aral ng culinary para tuluyan akong matawag na chef. Yung iba kasi jan kahit hindi naman gaanong bihasa sa pagluluto basta't nakapag-aral ng culinary ay natatawag ng chef (although wala namang masama dun) feeling ko lang mas kaya ko

NAG-APPLY AKO NG CREDIT CARD PARA SA TUMBLER

Hindi ko naman talaga gusto ang Credit Card, hangga't maaari ayoko kasi kitang-kita naman natin ang dis-advantages nito. Una, ang Anual Fee, pangalawa, ang interest rate at siyempre ang luho. At dahil mayroong nag-aalok dito with free tumbler para sa mga nag-aapply, edi nag-apply ako, kapag dumating na yung card ipapa-cut ko na. Hahaha.

SAFEWAY BUS (PART II)

Nakasakay na naman ako ng safeway kanina, grabe sumasayaw na yung bus sa sobrang bilis, walang sinabi ang traffic sa EDSA lalo na sa Cubao. Maraming salamat pala kay kuya Konduktor na pumulot ng cap ko, ibibigay ko na sana sayo yun kasi ikaw talaga ang pinaka-mabait na konduktor na palagi kong nasasakyan. Dati payat ka pa pero ngayon tumataba ka na! Hahahaha. Subaybay pala, ayun hindi ko binigay yung cap kasi ayun ang favorite cap ko e. Next time pag may dala akong iba ibibigay ko na sayo. Hahaha. Wala lang, hindi kasi ako na-late kahit late na ako ng gising. Thank you SAFEWAY! Haha.

Mga Klase ng Pasahero sa Jeep na Hindi ko lang Nakakasabay, Nakakatabi ko pa!

(PART 1) Sa araw-araw ba naman na ginawa ng Diyos, normal na sa akin ang pagsakay sa Jeep, well except for Sundays siguro pero occationally go pa rin. Ilang klase na ng mga pasahero ang nakakasabay ko, at based on my experience, masasabi kong wow na wow talaga, iba-iba talaga ang ugali ng mga tao, iba-iba ang mga pananaw sa isa't-isa at iba-iba ng paniniwala. Kaya ito, naisipan kong ilista ang lahat ng experience ko at mga kagimbal-gimbal na karanasan. 1. Yung katabi kong Near Sighted. Yung tipong 72 na ang font size ng kanyang cellphone, edi ayan nabasa ko tuloy ang pagyayaya niya sa Jowa niyang pumunta kung saan-saan, Grabe iniiwasan ko talagang tumingin sa Cellphone niya pero ano ang magagawa ko e Tsismoso nga ako. Next time kuya, pakiliitan yung font size, kahit 48 lang ha.  2. Yung FLYING HAIR ni Ate, Nabusog ako! Hindi ko ugaling mag-almusal sa bahay bago umalis papasok sa trabaho, pero ito si Ate kakaiba, nilibre ba naman ako ng almusal, okay sana kung smooth an

HINDI AKO MAHILIG MAG-SELFIE PERO.......

Image
Hindi talaga ako mahilig mag-selfie, hindi ko feel mag-picture ng sarili ko at isa pa napakalabo ng camera ng Cellphone ko, dinaig pa yung mga makalumang camera. Actually isang taon yata bago ako magpalit ng DP sa Facebook, kaya kapag nakikita ko ang mga Friends ko in person ay nagugulat sila. Hindi talaga ako mahilig mag-selfie pero dahil sa kung anu-anong pa-raffle at pa-contest ang sinasalihan ko, ayun nanalo ako ng isang selfie stick. Ano naman kaya ang gagawin ko dito? edi ibibigay ko nalang siguro sa kapatid kong kulang nalang idikit ang kanyang mukha sa Cellphone niya. Feeling ko tuloy ang swerte ko ngayong buwan na to, akalain mo yun, nanalo ako ng Noche Buena package sa isang pa-bingo dito sa office, aba, edi sali naman ako, kahit may bayad na 100 pesos for 3 cards, pwede na 'yun. At nitong Friday lang, may pa-quiz bee si Corporate Governance dito sa office, edi sali ulit ako, sasagot lang naman ng mga tanong at paunahan magreply sa email. hindi talaga ako nag-exp

FEELING HOPELESS! PETMALU!!!!!!!!!!

Feeling ko talaga hopeless na ako, ang dami kong crush pero hindi ko man lang magawang ligawan. Last month nga, maryoong bago rito sa office, she's so beautiful, mukhang mahinhin, dalagang Pilipina ang itsura, makinis at mukhang mabait (first impression ko 'yun at hindi pa rin nagbabago ngayon).  So feeling ko makaka-score talaga ako ng pogi points dahil lagi ko  syang binibigyan ng ticket ng PBA, pero hindi ngayon kasi Finals tapos Ginebra pa naglalaro, saka malayo ang Philippine Arena, ayaw ko syang mapahamak. HUWAW! lagi nila akong inaasar dun pero nahihiya talaga ako, in short torpe ako. Tapos nalaman ko pa na single siya, edi tumalon ang puso ko. pwede sa Long Jump competition. edi wow, Lodi!. Edi torpe talaga ako wala naman mababago dun. Pero ang hindi ko talaga matanggap e may nagsusulat sa kanya ng letters ngayon dun sa table nya, may pa-chocolate pang nalalaman, at may pa-dunkin' donut pa! Para lang malaman mo kung sino ka mang stalker ka! BAWAL YAN SA O

SAFEWAY BUSSES

Iba talaga ang lipad ng Safeway bus, feeling ko natanggal na lahat ng balakubak ko sa ulo. Hahaha. pero the best, never akong na-late sa trabaho ko kapag safeway ang nasasakyan ko. Yun lang bye.