Posts

Showing posts from 2021

ANG MGA PATOK AT RESTAURANT WORTHY NA IBA’T-IBANG URI NG SINIGANG

Image
  Aminado ang lahat na ang Adobong manok ang pagkaing Pinoy na maaari nating ipanlaban sa mga pagkaing banyaga, sa asim at alat nitong lasa ng dahil sa suka at toyo, talaga namang nagbibigay ito ng kakaibang panlasa para sa lahat. Subalit hindi rin natin ma-itatanggi na ang sinigang ang pangunahing paboritong ulamin ng ating mga kababayan, may lutong pang-bahay at pang-restaurant pa.                Pero pagdating sa klase ng sinigang, aba! Napakarami ang maguguluhan kung anong sinigang at sangkap baa ng gagamitin para rito. Sa karne kasi, marami ang maaaring pagpilian, may baka, manok, isdang bangus, hipon, sardinas at napakarami pang iba. Sa pang-paasim naman, mayroong sampalok, miso, kamyas, mangga, bayabas, purong kamatis at marami pang iba.                Siguradong alam na ng napakarami ang sinigang sa baboy sa sampalok at ito na mismo ang pinaka-popular na sinigang sa ating bansa lalo na sa Metro Manila. Subalit ang isang restaurant sa probinsya ng Rizal ay naghahain sila ng

TRADING HAUS, KAINAN, RESTO-BAR ATBP SA HMR PHILIPPINES

Image
  Complete package ba ang hanap mo? Magshopping at kumain sa mas murang halaga kumpara sa mga pangunahing mall sa bansa, narito ang HMR Philippines na tutugon sa inyong mga hinahanap.               Maaaring mag buy and sell ng mga gamit sa kanilang trading haus, sari-saring gamit at appliances ang maaaring ipagpalit dito.               Mayroong Television set, Refrigerator, computer set, Speaker, DVD Players, Electric Fan, Air Conditioner, at napakarami pang iba.               Halimbawa rin ng mga ibinebenta at binibili rito ay ang iba’t-ibang uri ng gamit sa bahay, tulad din ng Sofa, lamesa, aparador at napakarami pang iba.               Kung ikaw naman ay magugutom sa rami ng iyong pinamili, mayroong HMR – Pioneer Market na matatagpuan lamang sa likod ng trade center, napakaraming pagpipilian dito, mayroong Chinese Food, Vietnamese Food, Japanese Food, Western Food at siyempre, Filipino Cuisine.               Mayroong KTV Bar tuwing umaga na matatagpuan sa second floor ng

SANHI AT SOLUSYON SA MATINDING UBO

Image
  Maraming dahilan kung bakit tinatamaan ng matinding ubo at sipon ang isang tao, marahil dahil ito sa klima ng ating bansa, subalit kung tayo ay mag-iingat at magkakaroon ng tamang lifestyle, ay maiiwasan ito. Kaya naman narito ang mga sanhi at solusyon ng ubo (cough), mapabata ‘man o matanda, ay hindi ligtas sa simple ngunit lubhang mapanganib na sakit na ito. Una, mahinang resistensya at madaling tamaan ng virus. Kung ikaw ay walang sapat na bitamina sa iyong katawan, mabilis kang mahahawa sa viral na sakit na ito. Upang maiwasan, ugaliin ang pagkain ng gulay at prutas na mataas sa bitamina C. Sunod, ay kung ikaw laging bilad sa araw, mabilis matuyo ang iyong lalamunan na maaaring sanhi ng pagbuo ng plema sa iyong baga. Ugaliing uminom ng walo hanggang sa labindalawang basong tubig upang ito’y maiwasan. Dahil sa panahon ngayon ay usong-uso na naman ang sakit na ito. Ikatlo, ang sakit na ito ay nakakahawa, upang hindi mahawa at makahawa, ugaliing takpan ang bibig at ilong kung

WATCH REPAIR SHOPS

Image
  Saan mang sulok ng mundo, napaka-halaga ng oras, sa ikli ng buhay, walang ni-isang segundo ang dapat nasasayang, sabi nga nila, YOLO o “You Only Live Once”. Totoong isang beses lamang tayo nabubuhay kaya dapat nating damahin at yakapin ang kada oras na ibinibigay sa atin ng Maykapal. Ika’ nga ng isang sikat na motto, “Time is Gold” at kung minsan ay diamond pa nga. At upang mapangalagaan ang bawat oras ng ating buhay, o di kaya naman mapahalagahan ang bawat segundo ng ating pagtapak sa mundong ibabaw, kinakailangan nating malaman ang oras ng mga pagkakataon sa pamamagitan ng mga relo. Ang relo ay bagay ang ginagamit natin upang malaman ang oras, kaya naman kung wala nito, napakahirap hulaan ang eksaktong oras at panahon na ating kinalalagyan ngayon. Kaya naman napakaraming tindahan ng mga relo, sa kalsada, sa palengke, sa mall at sa online shops, marahil alam ng mga tao ang importansya ng mga ito lalo na sa pang araw-araw nating pamumuhay. Nasa labas ka, kailangan mo nito upa

MGA PATOK NA MERYENDA NGAYONG TAG-ULAN

Image
  Nakakagutom ang panahon tuwing sasapit ang tag-ulan, feel na fel ang patak ng ulan sa bubungan, may malamig na hangin na papasok sa iyong bintana, bagay na bagay sa kumukulong tiyan at gutom na gutom na lalamunan.               Kaya naman napakasarap kumain ng mga pagkaing talaga namang bagay na bagay sa iyong pagsesenti, tulad na lamang ng Goto Baka, madali lamang itong lutuin at kahit mag-isa ka ay kayang-kaya.               Para sa Goto Baka, kakailanganin lamang ng bigay (kahit hindi malagkit) laman ng baka, sibuyas, luya, bawang, at kung nais ay maaari ring dagdagan ng nilagang itlog at tokwa.               Ilaga lamang ang bigas, apat na beses na mas maraming tubig kumpara sa kasing daming tubig tuwing magsasaing, isama na rin ang ibang sangkap tulad ng Baka, sibyas, luya at bawang.               Pakuluan ito ng mabuti hanggang sa lumapot ang bigas at ang pinaka-sabaw nito at para lumambot na rin ng husto ang Baka, at para lalong maging masarap ang Goto Baka, lagyan ito

TIPS SA MASURING PAGPILI NG MGA MATERYALES

Image
  Sa pagpapagawa ng bahay ngayon, dapat lahat tayo ay praktikal, wais at disiplinado sa pag-gastos at pagpili ng mga materyales na gagamitin dito.               Dahil sa panahon ngayon na nagkalat ng mga mang-loloko, siguraduhing safe at maganda ang kakalabasan ng proyektong pagpapagawa ng bahay lalung-lalo na sa mga materyales na ito.               Ang pinaka-unang tip ay ang pag-canvass ng mga pangunahing materyales tulad ng fly woods, blocks, graba, pako at buhangin, kasama na rin ang pintura at ang mga pangunahing kagamitan tulad ng martilyo, plies, pala at iba pa.               Ikalawa, kung nakapag-canvass na, siguruhing i-check at busisiing mabuti ang bawat parte ng mga materyales, tandaan na importante ang kalidad ng mga materyales na ito dahil magiging pangunahing pundasyon ito ng iyong bahay o ng ano ‘mang istruktura na itatayo.               Naka-base rin ang safety ng ating mga buhay ang pundasyon ng bahay, kaya napakahalagang matibay ang materyales at mataas ang ka

MAS PINASARAP NA PORK STEAK

Image
Kung sa ibang bansa, ang pork steak ay niluluto lamang sa pamamagitan ng pan seared, grilled at fried, iba naman ang version dito nating mga Pilipino, ito ay ang Pork Steak with soup na tinawag na Bistek Tagalog. Tulad ng nakasanayan, mas paborito ng mga Pinoy ang may sabaw, kaya naman ang western recipe na pork steak ay hinaluan ng mga Pilipino ng Chinese twist na kung saan gumagamit ng toyo sa paglalagay ng sabaw nito. Karaniwang pamalit ito sa Beef Steak na kung saan ay mas mahal at mas matagal lutuin dahil mas matigas ang karne nito. Sa Pork Steak, karaniwang Pork Chop ang uri ng pig’s cut ang gamit dito, subalit, maaari rin naman gumamit ng iba pang parte ng baboy tulad ng liempo, kasim at laman, subalit may karagdagang flavor kung pork chop ang gagamitin dahil mas malasa ang taba nito. Para sa mga ingredient nito, kakailanganin lamang ng limang pork chop, dalawang malaking sibuyas, dalawang tablespoon ng oyster sauce, walong piraso ng kalamansi, isang ulo ng bawang, pam

MGA LUTUING NAPAKA-NINAMNAM GAMIT ANG SAGING NA SABA

Image
  Sabi nga ng karamihan, ang Pilipinas ay isa sa Banana Capital of Asia na kung saan isa ang ating bana sa nangunguna sa pag-export nito sa mga dayuhang bansa.               Isa na rito ang saging na saba, na kung saan hindi lamang napaka-sarap, napaka-sustansya pa.               Maraming pag-aaral ang ginagawa ang mga dalubhasa paukol sa saging, sa kahit anong uri ng saging, kabilang na ang bida na saba.               Ayon kasi sa latest research, ang pagkain ng isang saging at pag-inom ng isang basong tubig tuwing umaga ay makakatulong upang bawasan ang iyong timbang.               Siguradong may epekto rin sa diet ang saging na saba, ngunit anu-ano nga baa ng mga epektong naidudulot nito sa ating kaulusan?               Unang-una na rito na ang saging na saba ay nakakatulong upang magkaroon ng magandang sirkulasyon ng dugo na dumadaloy sa atin dahil mayaman ang saging na saba sa potassium, tumutulong din ito upang maging normal ang tibok ng ating puso.               Dahi

MAS MADALING PAGHAHANAP NG TRABAHO DAHIL SA INTERNET

Image
  Totoong napakahirap maghanap ng trabaho ngayon, lalung-lalo na ang mga fresh graduate dahil karamihan sa mga employer ay requirement ang experience.               Subalit sa panahon ngayon, isang click lamang ay makakapag-send ka na ang job application sa karamihan ng mga kumpanya, mas gusto pa nga ng mga employer ang online application kaysa walk-in application.               Isa sa nangungunang job search website sa Pinas ay ang Jobstreet.com na kung saang libu-libong vacant job positions ang hina-hire.               Mayroong salary rate, benefits, comparison, job description at marami pang makikita tungkol sa kumpanyang pag-aapplyan.               Kaya kung may internet ka ay mas madali na kumpara sa nakaraan ang paghahanap ng trabaho.               Karaniwan kasi na ang paghahanap ng trabaho noong araw ay mano-mano, mag-fill-up ng biodata, puntahan ang office address at saka maghihintay ng feedback na manggagaling sa kumpanya.               Nung mauso ng cellphone, ma

MAMING GALA SA COMMONWEALTH AVENUE

Image
  Sa kahabaan ng commonwealth Avenue, madadaanan ang isang mamihan, mamihan sa kalye na kung tawagin ay maming gala, matatagpuan ito sa tapat ng commonwealth market at talaga namang dinudumog ito lalo na ng mga pasaherong bumaba sa tapat nito. Pagbaba mo palang sa Jeep, Bus FX o UV Express ay maaamoy mo na agad ang mami na itinitinda roon, at makikita mo agad ito dahil sa dami ng kumakain dito. Tinawag itong Maming Gala dahil ito ay nasa isang trike o tricycle o na dipadyak na mayroong tatlong gulong tinatawag din itong food cart ng ilan, maaari itong pumuwesto kung saan man pu-puwede at magtinda lalo na sa mga naghahanap ng pampalipas gutom. Karamihan sa mga nagtitinda ng maming gala ay otomatikong mayroon ding pares-pares na kung saan pinaparisan ito ng sinangag na kanin. Mapapansin din na nagkalat ang nagtitinda ng Maming Gala, mayroon sa Avenida, Recto, Fairview, Makati at saang dako pa ng Metro Manila, kahit sa ilang kalapit na probinsya ay akalain mong may franchise na ri

TRADING HAUS, KAINAN, RESTO-BAR ATBP SA HMR PHILIPPINES

Image
  TRADING HAUS, KAINAN, RESTO-BAR ATBP SA HMR PHILIPPINES NI JERICHO PAUL DE GUZMAN               Complete package baa ng hanap mo? Magshopping at kumain sa mas murang halaga kumpara sa mga pangunahing mall sa bansa, narito ang HMR Philippines na tutugon sa inyong mga hinahanap.               Maaaring mag buy and sell ng mga gamit sa kanilang trading haus, sari-saring gamit at appliances ang maaaring ipagpalit dito.               Mayroong Television set, Refrigerator, computer set, Speaker, DVD Players, Electric Fan, Air Conditioner, at napakarami pang iba.               Halimbawa rin ng mga ibinebenta at binibili rito ay ang iba’t-ibang uri ng gamit sa bahay, tulad din ng Sofa, lamesa, aparador at napakarami pang iba.                Kung ikaw naman ay magugutom sa rami ng iyong pinamili, mayroong HMR – Pioneer Market na matatagpuan lamang sa likod ng trade center, napakaraming pagpipilian dito, mayroong Chinese Food, Vietnamese Food, Japanese Food, Western Food at siyemp

MY FAVORITE MANG BINATOG

Image
  Kada pupunta ako sa mga mall, lagi kong hinahanap ang stall nila, super favorite ko kasi ang binatog or ang white corn na nilaga at nilagyan ng niyog, asukal, asin at gatas. Kahit sa mga naglalako sa kalsada ay hindi ko ito pinapalampas. Sino ba naman ang aayaw sa napakasarap nitong lasa. Kaya sa ilang beses na pagpunta ko sa SM Megamall, hindi pupuwede na hindi ko pupuntahan ang stall nila sa LG level ng Building B. Mang Binatog, baka naman!  Ayon sa mga artikulong nababasa ko sa internet, itinuturing na street food sa Pilipinas ang Binatog dahil nailalako ito ng mga nagbebenta nito gamit ang kanilang single-bike na nakalagay sa balde ang mga mais at mayroong nakahiwalay na lalagyan para naman sa baso, kutsara, gatas, asukal at niyog.  Isa ring comfort food ang binatog, napasarap kainin nito tuwing tag-ulan pero syempre patok din ito sa tag-init. Sa murang halaga at simpleng mga sangkap nito ay maaari ka na ring gumawa ng sarili mong Binatog. Pero kung malapit ka naman sa mga mall a

IBA’T-IBANG URI NG MAKINA O ENGINE PARA SA SASAKYAN

Image
  Kung sasakyan ang pag-uusapan, napakaraming aspeto ang kailangan mong malaman tungkol dito, nariyan ang history nito, ang pinagmulan, ang mga parte at mga klase nito, kung pang-pribado o pang-publiko, modelo o ang kulay nito, at siyempre, ang isang importanteng aspeto tungkol sa sasakyan ay ang makina nito mismo. Kotse ang pinaka-unang papasok sa ating isipan sa tuwing pag-uusapan ang sasakyan, ayon nga sa depinisyon ng pinaka-sikat na diksyonaryo online na Wikipedia, Ang  kotse  ay isang de-makinang sasakyan na may mga gulong, kayang umandar sa sarili na ginagamit para sa transportasyon. Tama, makina ang pangunahing dahilan upang ito ay mapaandar, subalit ano-ano nga ba ang mga uri ng makina na puwede sa iyong sasakyan? Ayon sa isang website na nagtatalakay tungkol sa mga sasakyan, mayroong limang klase ng makina o engine sa ingles na karaniwang makikita sa ating mga sasakyan sa panahon ngayon. Una ay ang straight engine, mas magaan, mas maliit at karaniwang ginagamit sa mal

MGA PINAGDADAANAN NG MGA ESTUDYANTE TUWING PATAPOS ANG SEMESTER

Image
                   Tuwing sasapit ang huling yugto ng semester sa kolehiyo, puspusan ang mga estudyante dahil sa mga sari-saring activity na ginagawa ng eskwelahan.               Tulad ng Thesis na talaga namang ikinamamatay ng mga estudyante makapasa lamang at mairaos ang napaka-madugong thesis defense.                Karaniwang mayroong thesis ang halos lahat ng kurso sa kolehiyo, kaya naman ito ang karaniwang kinakatakutan ng mga estudyanteng nais maka-graduate on time.               Sabi nga nila, napakahirap maging estudyante, subalit kailangan itong pagdaanan dahil ang pagiging estudyante ay isang biyaya sa bawat indibidwal, sa magiging kinabukasan ng bawat isa at pati na rin ng ating bansa.               Malaking tulong din ang mga Library sa mga estudyante dahil sa mga kaalamang mapupulot dito mula sa mga aklat o libro na mababasa rito, sa sobrang dami nga nito ay hindi mo mababasa ang lahat ng ito sa loob ng isang buwan.               At siyempre, malaking tulong ito

PANCIT CANTON, PATOK SA KALSADA

Image
Itinuturing na rin na isang street food ang pancit canton na nasa pack o tinatawag din na instant pancit canton na karaniwang almusal at meryenda ng napakaraming Pilipino at paboritong kapareho ng tinapay lalo na ng monay o burger buns.               Makikita sa kahabaan ng Intramuros sa Maynila ang mga karinderya o mga food stand na lutong pancit canton ang hinahain at patok na patok ito sa mga estudyante sa Mga eskwelahan doon tulad ng Letran, Lyceum at Mapua.               Kaya sa mga nagbabalak itong gawing negosyo, napakadali lamang at siguradong kikita kayo, dahil ilang sangkap lamang ang kakailanganin upang makapagtinda nito, tulad na Pancit canton, malinis na tubig at ang gaas na gagamitin sa pangluto.               Ang mga sangkap na ito ay may puhunan kaya naman kailangan itong isaalang-alang upang ma-compute ng maayos ang presyo na ipapatong ditto.               Walong piso ang pancit canton kung hindi ito luto at dahil mahal ang LPG, mapapatungan ang presyo nito at

LEMON WATER

Image
Mataas ang Vitamin C sa Lemon, kaya maganda ito para sa ating immune system, maganda rin itong panlaban sa mga kidney diseases at pampaginhawa rin sa ating blood pressure, nililinis din nito ang urinary track at nagbibigay ng ilang enerhiya sa atin. Ayon pa sa ilang pag-aaral, nakakatulong ang pag inom ng lemon water sa ating dehydration at nakababawas din ng depression. Maigi nga ba ang lemon water sa ating katawan? Oo, ito ang direktang sagot, subalit hindi ito pupuwede sa mga may problema sa acid, ngunit napakarami naman nitong benepisyo. Isa ang lemon sa pinakakilalang prutas sa buong mundo, halos  lahat ng bansa sa buong mundo ay nag-aangkat or hindi naman kaya umaangkat nito, dahil sobrang kilala ito bilang napaka-healthy. Ayon sa site na smartparenting.com ang  Citris limon  ang scientific name ng lemon, na siyang bunga ng lemon tree. Bagamat hindi matukoy kung saan ito unang tumubo, pinaniniwalaan na nagmula ito sa northwestern India at nakarating sa southern Italy hanggang mai

MY SPECIAL EGG FRIED RICE

Image
Haiya! Ayon nga kay Uncle Roger (Niger Ng), isang food reviewer na taga Malaysia, sumikat sya lalo ng i-review nya ang mga kanya-kanyang version ng Egg Fried Rice ng mga sikat na chef sa buong mundo tulad nila Gordon Ramsey, Jamie Oliver at Sherson Liam. May napuri at mayroon ding sobrang na-roast at na-gisa sa sobrang maling paraan ng pagluluto ng Egg Fried Rice. Ang Egg Fried Rice ay isang traditional Asian dish na ginagamitan ng leftover na kanin. Dito sa Pilipinas, tinatawag itong sinangag na napakarami ring bersyon at sahog na maaaring ilagay. Isa rin itong paboritong almusal ng mga Pilipino at ipinapartner sa mga Silog recipes dito sa Pinas. Pero para sa akin, isang napakasarap na twist ang ginagawa ko sa egg fried rice, nilalagyan ko ito ng TJ Hotdogs at Ham na nagpapalasa lalo sa kanin. Narito ang mga sangkap ng my special Egg Fried Rice 2 cups ng leftover rice Isang piraso ng TJ Hotdog Isang piraso ng flavored ham 2 eggs, large 1 ulo ng bawang 1 piraso ng sibuyas 1 tablespoon

ANG PABORITO KONG TOTSONG BANGUS

Image
Isa sa mga paborito kong ulam ang Totsong Bangus sa Itlog na Pula, ngunit sa tuwing ipinagmamalaki ko ito sa ilang mga kaibigan ko at kasamahan sa trabaho ay hindi nila alam ang ganitong klase ng ulam o pagkain, imbento at eksperimento raw ang ginawa ko sa Bangus. Pero sa totoo lang ay kakaiba talaga ang lasa ng Totsong Bangus at hanggang sa ngayon ay hindi ko alam kung bakit itong tinawag na Totso at kung saan ito nagmula. Unique ang lasa nito at walang kapantay para sa akin kung ikukumpara sa ibang klase ng luto nang isda lalo na sa Bangus (Bukod sa Sinigang sa Bayabas sa Bangus). Kung maglilista nga ako ng mga ulam na aking mga paborito, tiyak pasok sa Top 5 ko ang Totsong Bangus sa Itlig na Pula o Maalat. Narito ang mga paraan at sangkap sa paghanda at pagluto ng Totsong Bangus sa Itlog na pula MGA SANGKAP 1 kilo ng Bangus (Isang buo), hiwain ng pahalang 1 ulo ng bawang (minced) 1 sibuyas (sliced) 1 luya (sliced) 2 Itlog na maalat 1 cup ng suka 5 spoon ng asukal 1 tablespoon ng pam

FRENCH FRIES FOR EVERY JUAN

Image
  French fries ang tawag sa klase ng patatas na pinipirito sa mantika dahil nagmula ang konseptong ito ng pagkain sa France, subalit nagkaroon na rin ng iba’t-ibang version sa iba’t-ibang panig ng bansa.               Dito sa Pilipinas, karaniwang French fries na ang tawag sa ganitong klase ng street food o meryenda, marahil sikat ito lalo na sa mga bara-barangay dahil naibebenta ito ng tingi-tingi lalo na para sa mga kabataan.               Lima hanggang bente pesos naibebenta ang French fries sa kalye na talaga namang tinatangkilik ng maraming Pilipino ngunit kung nag-aalangan kayo sa inyong mga binibili sa labas ng inyong tahanan, maaari ring naman gumawa ng sariling fries na may sariling version. MGA SANGKAP ¼ ng patatas (sliced sa maliliit na bahagi) Cheese, barbeque, sour cream powder (para sa flavor) Asin (kung ayaw ng flavor) Mantika Ketchup at Mayonnaise PARAAN NG PAGLUTO/PAGGAWA               Hiwain sa maliliit na slice ang patatas, hugasan ito.         

DINUGUAN, BAWAL NGA BA O TALAGANG KATAKAM-TAKAM?

Image
  Bawal sa ibang relihiyon ang pagkain ng dinuguan, kahit nga sa ibang mga religious group, pinagtatalunan ang bagay na ito sa pagkain ng dugo ng karne.               Subalit, ayon sa pag-aaral, maaari naman kainin ang dugo ng karne ngunit hindi dapat sobra-sobra ang pagkain nito dahil mataas ang posibilidad na makaapekto ito sa kalusugan ng mga may sakit at iba pa.               Bakit nga ba napakasarap ng dinuguan? Iba talaga ang naibibigay ng sarap at aroma ng suka na nagbibigay ng kakaibang lasa nito, at siyempre ang sarap na rin ng dugong gagamitin sa dinuguan, maaari ring gamitan ng iba’t-ibang klase ng sangkap tulad ng gulay.               Mailuluto na at matitikman na ang napakasarap na dinuguan para sa buong pamilya, ang recipe na ito ay hango sa lakusina.com. MGA SANGKAP ½ kilo karne na may taba 3 butil na bawang, pinitpit 2 tasa dugo ng baboy suka asin at paminta ½ taling sitaw, hiwain 1 labanos, hiwain siling berde Paraan ng pagluluto: Iluto ang