Posts

Showing posts from September, 2019

MGA MAAARING PAGKAKITAAN TUWING SUMMER (TIPS)

MGA MAAARING PAGKAKITAAN TUWING SUMMER Ni: Jericho Paul De Guzman                 Ngayong summer, siguradong ubos ang allowance ng mga estudiyante, dahil walang pasok, subalit may mga alternatibong paraan upang kumita habang nakatambay lamang.                 Pumapatok na naman ngayon ang mga pampalamig na pagkain tulad ng Halo-halo, mais at saging con yelo, ice cream at iba pa, pero may mas madaling paraan upang kumita, ang Ice Candy.                 Maaaring magtimpla ng iba’t ibang flavor sa patok na patok na pampalamig na ito, may gumagawa mula sa powder subalit mas masarap at nakakatakam lalo na sa mga bata ang sariwang prutas na maaaring ihalo sa sangkap.                 Karaniwang flavor ng ice candy ay ang mangga, pinya, strawberry, cocoa o chocolate, melon, buko, abukado, ubas at napakarami pang iba. Gatas, asukal at ang napiling flavor fresh man o powder ay ang mga pangunahing sangkap sa paggawa nito na maaaring ibenta sa halagang piso hanggang limang piso depende

PININYAHANG MANOK, PATOK SA MGA HANDAAN (RECIPE)

Image
PININYAHANG MANOK, PATOK SA MGA HANDAAN Ni: Jericho Paul De Guzman                 Masarap – patok na patok ang pagkaing ito tuwing may birthday, binyag, kasal at kung anu-ano pang okasyon lalo na sa inuman. Isa ring nagpapalasa rito ay ang manok lalo na kung ito ay Kal, ito ay isang uri ng manok na kung saan napakalasa subalit napakatigas ng karne, kaya naman pinapayuhan ng mahabang pasensiya ang magpapalambot ng karne nito.                 Isa ring pampalasa sa putahing ito ay ang pinya, mas masarap kung sariwang pinya ang gagamitin ngunit kung ayaw ng maabala pa sa pagbabalat at paghihiwa nito, maaari na rin ang nasa lata. Nagbibigay sarap din ang ibang sangkap nito lalo na ang gatas, ang gatas ay ang nagbibigay ng balanse sa lasa nito. MGA SANGKAP 1 kilo ng manok (kal) Isang lata ng pinya/isang sariwang pinya Isang medium size ng evap milk Bawang at sibuyas Limang piraso ng hotdogs (sliced) Asin at paminta Asukal Mantika PARAAN NG PAGLUTO              

SAGADA! ONE OF MY BEST TRAVEL ADVENTURES SO FAR

Image
Ngayong taon, isa sa naging travel goal ko ang lugar ng Sagada, at isa lamang ang masasabi ko, "Satisfying". Napakaganda at napaka-peaceful ng lugar na ito, napakarami rin naming napuntahang mga lugar, maganda ang hotel accommodation at masarap ang mga pagkain (native). Noong aking kaarawan, nagpasya kaming magkakaibigan na pumunta at tumungo sa Sagada. Tatlong lugar ang sakop ng aming travel trip, Benguet, Sagada at Baguio, subalit hindi kami natuloy sa Baguio dahil masama ang panahon at nagkaroon ng landslide sa daraanan. Subalit nasunod naman ang karamihan sa aming mga ruta, tulad ng Hanging Coffin, Bomod-ok Falls at Banawe Rice Terraces. Bomod-Ok Falls Papunta pa lamang sa Falls na ito ay talagang adventure na, sa ibabaw kami ng jeep sumakay ay muntikan pa kami bumangga sa kasalubong na Jeep, puro bangin pa naman ang babagsakan, buti safe pa rin kami. Ito ang aming dinatnan pagkatapos naming bumaba ng libo libong steps pababa, at syempre mas challenging ang paaky

SARSIADO WITH FRIED TILAPIA (RECIPE)

Image
SARSIADO WITH FRIED TILAPIA Ni: Jericho Paul De Guzman                 Isa na namang napakasarap na lutuing Pinoy ang matitikman na may pangunahing sangkap ng kamatis, ayon sa answers.com, Ang kamatis ay mayaman sa lycopene na kung saan ito ay pinakamabisang anti-oxidants. Mayaman din ang kamatis sa Vitamin B, C, E at K na may kasamang minerals, iron, copper at phosphorous gayundin ang protein, pantothetic acid at niacin. Meron din itong tryptophan at folate.             Kaya naman sa sustansiya pa lang, panalo na ang ulam na ito, tiyak na magugustuhan din ito ng mga bata dahil ang sarsiado ay hinahaluan din ng pritong isda, bangus man o tilapia. MGA SANGKAP Isang kilong kamatis Dalawang puting itlog Isang kilong piprituhin na tilapia Bawang at Sibuyas Mantika (pangprito at pang-gisa) Asin at paminta Asukal PARAAN NG PAGLUTO                 Iprito muna ang isda sa mainit na mantika, mainam na huwag tustahin ang isda dahil ihahalo pa ito sa kamatis, pagkaprit

COOKIES, MABENTA SA MGA CHIKITING! (tips)

Image
COOKIES, MABENTA SA MGA CHIKITING! Ni: Jericho Paul De Guzman                 Yummy – Usong pambaon ng mga chikiting, kaya naman napakainam na gawing negosyo ang pagbebenta ng cookies. Maraming uri ng cookies ang maaaring ibenta, nariyan ang chips ahoy, banana chips, fretzel at marami pang iba.                 Karaniwang hinahango ito sa mga malalaking palengke at sa iba’t – ibang factory upang makakuha ng mas mura at ipasa sa halagang 70-100 pesos depende sa flavor at uri ng biscuit. Madali rin itong ibenta dahil maaari lamang itong ilako at ialok sa mga kapitbahay na may mga maliliit na chikiting.                 Karaniwang makakahango nito ng 40-60 pesos at maipapasa ito sa 70-100, basta’s huwag lamang patatagalin sa pagkakaimbak dahil maaari itong masira o amagin. Siguraduhin din na nakalagay ito ng maayos sa kahon o anumang lalagyan upang hindi ito madurog.                 Tandaan din na mahalagang magkaroon ng listahan sa bawat ibebena at maibebenta, importante rin an

WITH A SMILE (SHORT STORY) - LAST PART

Kinabukasan, inayos na ni Anna ang kanyang mga papeles upang opisyal na makaalis sa kumpanya. “Bye friend!” sambit ni Anna sa kanyang kaibigan na si Samby. Nagyakapan ang dalawa at saka umalis si Anna.                 Nag-apply din agad si Anna sa ibang company, at naisipan niyang magpasa ng resume sa pinapasukan ni Aaron. May napansin agad siyang isang lalaki, napaiyak agad siya ng makita niya ang kawangis ng kanyang ama. Nanginig siya at gusto niya itong lapitan, subalit hindi niya kaya. Palapit ng palapit sa kanya ang lalaking iyon, at tinanong siya nito, “Are you applying?” tanung ng lalaki, hindi nakasagot si Anna at patuloy lamang lumuha. “May problema ba?” tanung ng lalaki,                 “Papa!” ang nasambit ni Anna, na patuloy ang pagluha                 “Teka miss, ‘di ako ang papa mo, kung mag-aapply ka, tumungo ka doon sa info. desk” Sagot ng lalaki.                 Inilabas ni Anna ang panyong may pangalan niya at ipinakita ito sa lalaki, nagulat ang lalaki at k

WITH A SMILE (SHORT STORY) - PART 3

Habang nasa jeep, iniisip pa rin ni Anna ang nangyare, pero hindi niya mapigilang kiligin, pinipigilan niya ang sarili pero pakiramdam niya na Love-at-first-sight siya. Alam niyang twice na silang nagkita at napapaisip pa rin siya “ano kaya pangalan niya? Saan kaya siya nagtra-trabaho?” At kung ano-ano pang tanung sa sarili tungkol sa lalaking nakita niya.                 Kinagabihan, habang nag-aabang ng jeep na masasakyan, lumilingon-lingon siya sa paligid, ipinagdarasal na makitang muli ang lalaking dalawang gabi na niyang nakikita. Ngunit, nakasakay na siya’t lahat, wala siyang nakitang anino ng lalaking nagsauli sa kanya ng panyo.                 Habang nakaharap sa computer, “Mr. Reyes, may meeting tayo mamaya! Don’t be late” tawag sa kanya ni Mr. Santos, Executive Manager ng company. Nag-init ang ulo nito at itinaas ang dalawang paa sa itaas ng kanyang lamesa. Habang nasa meeting, tinawag siya ni Mr. Santos, “Mr. Reyes, what can you say about this proposal?” Tumayo si Aa

WITH A SMILE (SHORT STORY) - PART 2

“Uuwi na ako!” Malungkot na pagpapa-alam ni Anna sa kanyang kaibigan. Lumabas na siya ng building ng kanyang pinagtra-trabahuhan at naglakad patungo sa sakayan ng Jeep. Habang naghihintay, may tumabi sa kanya, nanginig siya sa sobrang natakot, ‘di na siya makatakbo dahil nakadikit na ang lalaki sa kanya, inisip niya ang tatlo niyang kapatid na nag-aaral pa, ang nanay niyang may sakit na “Oh Lord, tulungan niyo po ako, ibibigay ko na po ng sweldo ko basta’t huwag niyo po akong pabayaang mamatay, may mga kapatid pa akong nag-aaral at kailangan pa ako ng nanay ko” pagdarasal ni Anna. Inilabas na niya ang sobre na may lamang pera at iaabot na niya ito sa mamang nakadikit sa kanya. “Ano yan?” – tanung ng lalaki (si Aaron), “napaka-tangang holduper naman nito” bulong ni Anna. Narinig ito ni Aaron sabay sambit “Holduper? Mukha ba akong holduper?” Biglang nawala ang kaba ni Anna “Kung ganun, hindi ka holduper?” Sambit ni Anna at agad naman sumagot si Aaron “Pero kung ibibigay mo ya

GINISANG AMPALAYA, MAPAIT NGUNIT PUNO NG SUSTANSIYA (RECIPE)

Image
GINISANG AMPALAYA, MAPAIT NGUNIT PUNO NG SUSTANSIYA Ni: Jericho Paul De Guzman                 Mapait – Ito ang karaniwang dahilan kaya maraming hindi kumakain ng Ampalaya, naihahalintulad pa nga ito sa ugali ng isang tao na may mapait na karanasan sa kanyang buhay pag-ibig, pamilya at sa eskwelahan.                 Liban sa kaalaman ng karamihan, kahit mapait ang lasa ng Ampalaya, napakarami namang sustansiya ang maaaring makuha rito, tulad ng Zinc, Potassium at Dietary Fiber. Mayaman din ito sa Bitamina A, B9 o Folic Acid at C.             Isa sa popular na luto rito ay ang ginisa, maaari itong igisa sa itlog, sa giniling, corn beef, at iba pa, pero karaniwan na ang ginisang Ampalaya sa giniling. MGA SANGKAP Isang kilong Ampalaya ¼ na giniling Sibuyas Bawang Mantika Asin at Paminta Oyster Sauce PARAAN NG PAGLUTO             Igisa ang sibuyas at bawang sa mainit na mantika, isabay na rin ang giniling, maglagay ng oyster sauce at pakuluan ito.           

WITH A SMILE (SHORT STORY) - PART 1

WITH A SMILE Ni Jericho Paul De Guzman                 Nag-aabang ng masasakyang jeep si Anna, isang call center agent sa isang madilim na kalye sa Cubao, alam ni Anna na delikado na ang ganung oras ng pag-uwi subalit ‘di niya kayang iwanan ang kanyang trabaho na bumubuhay sa kanyang buong pamilya at ang nagpapa-aral sa tatlo niya pang nakababatang kapatid. Hindi nakapag-tapos ng pag-aaral si Anna dahil sa kakapusan sa pera at pang matrikula, kahit naging scholar siya sa isang sikat na unibersidad sa Maynila ay hindi niya pa rin kinaya ang gastos sa pagkain, pamasahe at pangtustos sa kanyang mga project kaya naman naisipan nitong huminto na lamang at mag-trabaho.                                    Habang naghihintay ng masasakyang Jeep na rutang pa-Lagro at Fairview, nakita niya ang isang lalaking naka polo – shirt at kupas na maong at kahina-hinala ang mga kilos. Napatingin siya sa lalaki ngunit sa kanyang pagtingin, napatitig naman ang lalaki sa kanya, binigyan siya ng isan

PRINTING SHOPS, MALAKI ANG KITA! (TIPS)

Image
PRINTING SHOPS, MALAKI ANG KITA! Ni: Jericho Paul De Guzman CLICK , EDIT at PRINT – Digital na ang panahon ngayon, mismo ang paggawa ng math assignments ay printed at computerized na. Karaniwang mga tapos sa kursong Information Technology, Computer Science, at Computer Engineering ang mga sanay sa ganitong negosyo, subalit kung may alam ka sa printing industries lalong – lalo na sa Adobe photoshop at Microsoft Office, maaari ka na ring mgtayo ng ganitong uri ng negosyo. Tarpaulin, word document, poster,sticker, portfolio, ID pictures, calendars at marami pang iba, ito ang mga maaaring isama sa mga pagpipilian ng mga customer sa kanilang pagpapaprint. Ayon sa isang tauhan ng isang printing shop na malapit sa kilalang unibersidad sa Maynila na mas mainam kung sa malapit sa pribadong o kahit sa pampublikong paaralan ang printing shop dahil mas mabenta. Sa puhunan naman, dapat sapat ang inyong pera sa pambili ng computers at iba’t ibang uri ng printer, mayroon ka rin dapat n

SOPAS PARA SA TAG – ULAN (RECIPE)

Image
Jericho Paul De Guzman SOPAS PARA SA TAG – ULAN                 Ngayong tag-ulan, gusting gusto ng mga Pilipino ang mga maiinit at masasabaw na pagkain tulad ng mami, lugaw at ang paborito nating lahat, ang sopas.                 Masarap sa pakiramdam tuwing makakakain tayo ng mga ganitong pagkain tuwing umuulan dahil sa sabaw o soup pa lang nito, ang sarap ng higupin lalo na sa sarap ng lasa nito na hindi mo maiipapaliwanag kung ano.                 Marahil dahil sa gatas na inilalagay dito, nagkakaroon ng kakaibang lasa ang sopas, kasama na rin ang mga sahog nito na masarap na, masustansiya pa.                 Madalas itong inaalmusal ng maraming Pilipino dahil pampagising umano ito ng diwa at hindi nakaka antok sa nakalalambot na umaga. Yung iba naman, inuulam din ito sa kanin, meryenda at kung minsan naman, almusal na, tanghalian pa, at hapunan na.                 Kaya ito na ang lulutuin natin ngayon para sa buong araw na paghigup ng sopas para sa buong pamilya. MG

BASURA, SUBOK NA MAPAGKAKAKITAAN (TIPS)

Image
Jericho Paul L. De Guzman BASURA, SUBOK NA MAPAGKAKAKITAAN             Subok at napatunayan na, ang pera ay maaaring makuha sa basura, pero para sa mga mayayaman o kahit na sa mga nasa middle class lamang, hindi mismong aakalaing ang basurang itinapon nila ay siyang nagbibigay biyaya sa mga mahihirap.             Karamihan sa atin, kapag basura na, kailangan na itong itapon dahil nakakalat lamang ito subalit para sa mga maralitang basurero, ito ay kayamanan, kayaman na puwedeng pagkakitaan. Marami ang mga nabubuhay sa ganitong gawain at propesyon ng maituturing sa dami ng mga Pilipino na may ganitong uri ng trabaho.             Sa ilang Junkshop, malaki ang pakinabang sa mga bakal at bote. Nagagawan pa ng panibagong bagay ang mga maliliit na piyesa at nagagawa itong bagong inbesyon.             Bumibili rin ang mga Junkshop ng mga sirang sasakyan at aalisin ang mga mahahalagang piyesa nito at kukumpunihin muli para gawing bagong sasakyan at ibebenta sa mas mababang halaga.

‘PAG MAY BAHA, MAY DAGA (HEALTH)

Image
Jericho Paul De Guzman ‘PAG MAY BAHA, MAY DAGA                 Nakamamatay – ang daga ay mapaminsala sa tuwing mayroong baha ngayong tag ulan, kung saan-saan na naman mababalitaan ang baha rito, baha roon lalo na dito sa metro manila, ano nga ba ang dahilan kung bakit nakamamatay ang daga? Makamandag o madumi, ano nga ba ang Leptospirosis?                 Pinag-iingat ngayon ng mga awtoridad ang mga Pilipino sa paglusong sa baha lalo ngayong tag ulan. Sa Maynila kamakailan lamang, nabalitaan ang mga istranded estudyante at mga pasahero, karamihan, napilitang lumusong sa baha dahil sa pang matagalang trapiko na naranasan ng ating mga kababayan. Makikita sa litrato na kung paano nilusong nga mga tao ang maduming tubig sa ilalim ng taft ave corner UN sa Maynila, di nila alintana kung anung sakit ang maaaring makuha sa paglusong sa maduming baha.                 Ano ba ang mga sakit na maaaring makukuha sa maduming baha na lagging makikita at madadaanan sa kalakhang Maynila? Un

STREET FOODS, MABENTANG MABENTA (TIPS)

Image
STREET FOODS, MABENTANG MABENTA Ni: Jericho Paul De Guzman             Maasim, maanghang at matamis na sawsawan, ilan lang ang mga ‘yan sa dahilan kung bakit binabalik-balikan ang street foods tulad ng Kwek – Kwek, fishballs, squidballs, kikiam, hotdogs, chicken balls, tokneneng at marami pang iba.             Ayon sa isang naging tindera ng mga pagkaing mabibili sa kalye, “nasa sawsawan talaga ang labanan.” – paliwanag niya pa, nasa tamang timpla ng bawat suka, tamis at paminta upang makamit ang hinihinging panglasa ng mga mamimili.             Sa dami ng nagtitinda ngayon ng mga ganitong uri ng pagkain, hindi makakailang napakahilig ng mga Pinoy sa tinatawag na “tusok-tusok” o pagtusok ng stick sa mga pagkaing ito.             Kahit may banta ito sa kalusugan dahil sa mga sangkap at kalinisan nito, hindi papipigil ang mga pinoy sa pagtusok ng mga ito pampalipas oras pati na rin ng gutom.             Kadalasang mabenta ito tuwing hapon, dahil sa ganitong oras naglalaba

GINATAANG LANGKA WITH ALIMASAG, KATAKAM-TAKAM (RECIPE)

Image
GINATAANG LANGKA WITH ALIMASAG, KATAKAM-TAKAM Ni: Jericho Paul De Guzman             Yummy – ginulay na langka ang isa sa mga paboritong ulam ng mga taga probinsiya, bukod sa mura ito, masustansiya pa at talagang katakam takam lalo na kapag hinaluan ng lamang dagat.             Karaniwang nauso ang ganitong luto sa mga taga Visayas, at naisipan itong lagyan ng iba’t ibang uri ng lamang dagat tulad ng kuhol, talaba, alimasag, hipon at marami pang iba.             Madalas naman sa mga karinderya ay hinahaluan ito ng karne ng baboy, manok o baka, subalit naisipan naman ng mga Bikolano na lagyan ito ng gata ng niyog at tuluyan itong pumatok sa mga Pilipino.             Madali lamang ang paggawa at pagluto nito, karaniwang inaabot lamang ng dalawangpung minuto at ito’y maihahain na. MGA SANGKAP Ginulay na langka Gata (Kakang gata) Sibuyas at bawang Alimasag Asin at paminta Mantika ( PHOTO C/O ATBP.PH) PARAAN NG PAGGAWA             Pakuluan sa mainit na tu