Posts

Showing posts from 2020

SIOMAI IS IN THE HOUSE (recipe)

Image
  Basta’t Chinese food, hinding-hindi nawawala ang sarap at lasa ng siomai, halos wala naman itong pinagkaiba sa shanghai subalit kakaiba ang paggawa nito dahil ito ay ibinabalot sa molo wrapper at isinasawsaw sa toyo na may chili sauce at kalamansi.                Halos lahat na rin ng kanto sa Maynila ay mayroon na ring nagtitinda ng homemade siomai, at hindi naman nawawala sa mga mall ang mga store ng siomai.                Kung minsan, isinasahog pa ang siomai sa mga ulam tulad ng sinabawang miswa at patola, puwede rin itong i-steamed or fried.                Ang mga sangkap ng siomai ay ang mga sumusunod: Giniling na baboy, giniling na carrots, sibuyas, at bawang, kailangan din ng bread crams, itlog, asin, paminta, asukal, betsin, mantika, at molo wrapper.                Para naman sa sawsawan, chili sauce na may bawang at sili, toyo at kalamansi ang kakailanganin upang makumpleto ang lasa nito. PARAAN NG PAGLUTO                Pagsamahin sa isang lalagyan ang giniling

SCHOOL SUPPLIES SA PAPARATING NA PASUKAN

Image
  Malapit na naman ang pasukan, kaya ang mga nanay, kanya-kanyang paraan upang makatipid sa mga gagamitin ng kanilang mga anak para sa susunod na pasukan ngayong taon.                Kaya naman kung gustong pagkakitaan ang pagbebenta ng mga school supply, maaari itong gawin sa inyong lugar na wala gaanong kalaban, subalit panalo sa presyo at tiyak na makakamenos ang mga ilaw ng tahanan.                Mas mainam naman kung sa mga sikat na palengke na tiyak na mas mura ang presyo, tulad ng sa Divisoria, Baclaran, Quiapo o sa Recto hahango ng mga school supply na maaaring ibenta.                Maaaring magpatong ng dalawang piso sa kada piraso ng notebook, halimbawa, mabibili ang string notebook sa halagang pitong piso kada piraso, maaari itong ipasa sa mga consumer ng siyam o sampung piso kung kailangan bawiin ang ginastos sa pamasahe.                Gayundin sa lapis, ballpen, papel, eraser, pangtasa, manila paper, crayons, file case, envelops, pentel pen o marker, at marami p

PANCIT VS SPAGHETTI

Image
  Sa mga Pilipino, tiyak na paborito tuwing birthday, binyag, kasal at iba pang okasyon ang dalawang pagkaing ito, kahit sa mga restaurant ay bidang bida ang pancit o kaya naman spaghetti.                At kung tatanungin ang ilan sa mga Pilipino kung ano ang kanilang gusting kainin sa kanilang birthday at sa iba pang espesyal nilang araw, hinding-hindi nawawala ang dalawang ito.                Ayon sa ilang mga Pinoy na mahilig sa pagkain, kung tutuusin kasi, mas makakamura kung pancit ang ihahain sa hapagkainan at sa lamesa ng buong bayan, mas mura kasi ang sangkap nito at maaaring kikiam, fish balls o squid ball ang isahog kung walang pambili ng karne ng baboy.                Ang spaghetti naman ang mas mahal subalit mas espesyal ito lalong-lalo na sa mga chikiting at paboritong-paborito nila ito, sino nga namang bata ang hindi kumakain ng spaghetti, kung mayroon man, siguradong iilan lang ito.                Ang spaghetti ay kilala bilang Italian food, kilala sa Italy ang

HALO-HALO, IT’S MORE FUN IN THE PHILIPPINES

Image
  Sa init ng panahon, talaga namang it’s more fun in the Philippines ang halo-halo, sa nakakapawis at nakakahilong init, kung minsan ay nakakasunog pa ng balat ay talagang mapapakain ka ng sikat na sikat na meryenda tuwing sasapit ang panahon ng tag-init. Halos kada kanto ng ating bansa, may nagtitinda ng halo-halo, tiyak kasing mabenta ito upang mapawi ang uhaw at malagpasan ang sobrang init na nararamdaman sa ating katawan.                 Ang iba, kahit gatas at asukal lang ang sahog, perfect na basta’t may yelo, sarap na sarap na ang mga Pilipino.                 May mga sari-saring bersiyon din ang halo-halo sa paraan ng paglalagay ng mga sahog at sangkap, ang iba naman dinadala sa presentation, subalit kung ang afford lang ng iyong customer ay ang halo-halong pangkalsada, aba, tiyak itong mas mura kaysa sa mga restaurant dahil sa mas murang sangkap kaya kadkad dito, kadkad doon.                 Ang mga sangkap na kadalasang inihahalo sa halo-halo ay ang mais, saging, kamo

Tulong PARA SA MGA TAGA-MONTALBAN

Image
Wow, na-aamaze ako na sobramg daminh tulong na dumarating dito sa bayan namin lalo na rito sa Kasiglahan Village kung saan lubhang naapektuhan nang nagdaang bagyong Ullyses. Ang Village namin ang naging laman ng balita sa TV, Radyo at Dyaryo dahil halos nasubmerge ito sa tubig baha nang umapaw ang Marikina River.  Sa ngayon, sobrang dami kong nakikitang dumaeating na truck at tulong sa aming komunidad, kabilang sa aking nakita at nabalitaang nagpunta rito ay ang ating Bise Presedente Leni Robredo, Senator Manny Pacquiao, Team Payaman, Angel Locsin at iba-iba pang mga vlogger ng bansa. May mga private orgs din na nagpupunta ngayon at ang daan papuntang mga evacuation centers ay nagcause na ng traffic sa dagsa ng tulong. Syempre hindi na rin kami nagpahuli at namigay kami ng Hot meals, at relief packs sa Phase 1D, Kasiglahan Village, San Jose, Rodriguez, Rizal kung saan nabaha rin ang bestfriend ko. Ngayon, patuloy ang dumarating na tulong ay isang patunay na likas na matulungin ang mga

ANG MALINAMNAM NA SINIGANG NA BAYABAS SA BABOY (RECIPE)

Image
                                                                       (photo c/o eatlikepinoy.com) Ang sinigang ay isang pagkaing Pilipino na napakaraming bersiyon tulad ng sinigang sa sampalok o ang sinasabi nilang ang orihinal na sinigang, sinigang sa miso, sinigang sa mangga at ang sinigang sa bayabas.                 Kilala ang bayabas bilang herbal medicine subalit ang prutas ng puno nito ay maaaring kainin, ginagawang palaman at sahog sa iba’t-ibang putahe tulad na nga ng sinigang.                 Depende rin kung anung klase ng karne ang gustong ihalo sa sinigang bilang pangunahing sangkap, puwedeng baboy (Laman, liempo o buto-buto), maaari rin sa hipon, tilapia at ang pambansang isda na Bangus.                 Sa pagluluto ng sinigang na bayabas sa baboy, inaabot ng mahigit kalahating oras kabilang na ang pagpapalambot sa karne nito.                 Ang mga pangunahing sangkap sa pagluluto ng sinigang sa bayabas ay ang hinog na bayabas upang ito’y mas lumasa at madalin

MAARING PAGKAKITAAN SA BUNGA NG MGA PUNO

Image
                      Sampung taon bago mamunga ang puno ng mangga, sampung taon ang paghihintay upang matikman ang napakatamis na bunga nito, subalit sulit naman ang magiging bunga nito kung aalagaan ng mabuti at magiging makabuluhan ang paghihintay.                 Tulad ng napakaraming puno ng mangga, karaniwang namumunga ito sa pagsapit ng pasko hanggang sa tag-init at bihira na lamang ito sa tag-ulan.                 Maaaring ibenta ang bawat piraso nito ng piso hanggang tatlong piso depende sa laki at puwede rin naman limang piso kada kilo mas mura kaysa sa mga humahango.                 Bukod sa puno ng Mangga, kilala ang pilipinas sa puno ng buko, sa uri ng panahon dito sa Pilipinas, marami ang naghahanap ng mga malalamig na inumin, at ang isa sa mga patok ay ang buko juice, maaari ring gawing ice candy ang laman ng bunga nito, at ibentang panlinis ng bahay ang bao nito, ang bunot.                 Kung magtatanim ng mga punong ito, siguraduhin lamang na mayroon kayong e

KARE-KARE, PINOY’S FAVORITE FIESTA DISH (RECIPE)

Image
                        Napakaraming fiesta sa Pilipinas, fiesta rito at fiesta roon, kaya sa bawat fiesta na magaganap sa bansa, karaniwang paborito ng mga Pilipino ang kakaibang lasa ng kare-kare, hinahanap-hanap at talagang mapapa-thumbs up ang kumakain nito.                 Sino ba naman ang hindi nakakakilala ng Kare-kare ng mga Kapampangan? Sa totoo lang, hindi lang kare-kare ang ipinagmamalake ng mga Cabalen, nariyan ang bopis, manok at bangus relleno, crispy pata, embutido, kaldereta, lechon kawali, at pochero.                 Nagkaroon na rin ng iba’t-ibang version ang kare-kare, mayroong naglalagay ng gata tulad na lamang ng version ng mga Bikolano, at sari-sari pa tulad ng paglalagay ng iba’t-ibang gulay tulad ng kangkong at iba pa.                 Ang iba naman, ginagawa itong exotic, bukod sa mga version nito sa iba’t-ibang panig ng bansa, sa karaniwang baka at baboy na pangunahing sahog ang iba mayroong vegetarian kare-kare, kare-kareng kambing, kare-kareng manok, a

MICRO ART, NAUUSO!

Image
                      Nakakita na ba kayo ng mga napakaliit na art at halos nakakaduling na? Mga guhit mula sa shell itlog at mga tattoo na ‘sing liit ng barya, aba, talagang kakaiba.                 Talaga namang nakaka-challenge ito, sa sobrang liit, may posibilidad na hindi na makita ang mga detalye nito subalit ayon sa ulat ng GMA news, ang micro tattoo ay napaka-kumplikado pero ito’y specialty in the house ng isang tattoo artist.                 Ang imahe nga ng last supper, naiguhit sa balat na kasing laki lamang ng band aid, ayon pa nga sa mga may micro tattoo, astig ito at talaga naman incredible.                 Subalit, kahit mas maliit sa normal na laki ng tattoo, mas matagal naman itong gawin dahil sa mga detalyeng kailangang hindi mawala sa art na ito at ang presyo nito, aabot ng 1,000 – 25,000 na piso.                 Samantala, shell ng itlog, ginagawa na ring canvass upang lumikha ng kakaibang sining, ayon sa isang egg artist, ang itlog ay isang makapangyarihang

BUSY KAHIT WEEKEND

           Di ko alam, pero di ko namamalayan na natatapos ang aking weekend sa kung anu-anong bagay, ni hindi ko magawang magpahinga, mag-Netflix and chill at matulog magdamag. Kasi naman, maglalaba pa ako tuwing sabado after pumunta sa pinapasukang part-time job (maliit kasi sahod sa opisina. Hehe) at i-type lahat ng resibong makukuha roon, tuwing linggo naman ay work work work pa rin dahil itong Manager ko, nagtatrabaho sya tuwing linggo at syempre, dinadamay na rin nya ako (utos dito, utos doon).          Kaya pag nagyayaya ako minsan sa kaibigan ko ay nagugulat sila at ang bungad nila sa akin, "wala kang labahin ngayon? Haha naging trademark ko na ata yun sa tuwing hindi ako sumasama sa mga gala. Kailangan kasing maging responsable at hindi na tayo bata para sa mga ganyang bagay. Pero sana after nitong pandemic, bumalik ang lahat sa normal at makapag-gala at makipagsocialize ulit. Sa ngayon kasi, mag prefer ko ang humarap sa laptop, magsulat ng kung anu-anong bagay, tulad nit

INIHAW NA BANGUS, PATOK SA HANDAAN! (RECIPE)

Image
  Pambansang isda ng Pilipinas at isa sa mga itinuturing na pinaka-masarap na pagkain sa bansang pinaliligiran ng karagatan, ang bangus o ang milkfish sa ingles. Ang bangus ay isang uri ng isda na kung saan ito ay matinik o mabuto, subalit napakahalaga nito para sa mga tao lalo na sa timog-silangang Asya na kung saan karaniwan itong makikita, kasama na nga rito ang Pilipinas. Ang bangus ay kabilang sa pamilya ng Chanidae at tinatawag sa ibang lugar na Chanos.                Siyempre, ‘pag sinasabing bangus, hinding-hindi mawawala sa isip ng mga Pilipino ang Dagupan, Pangasinan, ang sinasabing Bangus Capital of the Philippines at taun-taon ay ipinagdiriwang ang bangus festival sa naturang lugar.                Sa sobrang daming puwedeng lutuin at putahe sa bangus, isa sa mga tumatak sa sikmura ni Juan ang Inihaw, paano ba naman? Napakasasimple lang kasi nito, mag-iihaw ka lang at maaari mo ng ihain sa mga handaan, inuman at kahit sa buong pamilya. Pero ang simpleng inihaw na bangus,

MGA MANGINGISDA, SUMABAK SA SWIMMING COMPETITION

                 Mga mangingisdang Cebuano naman ang sumabak sa sports na may kinalaman sa tubig, ang boat race at ang swimming competition sa Mandaue, Cebu. Sa paraang ito, hinihikayat ng naturang organizer ng event na mahilig sa sports ang kanilang mga mangingisda at upang mahubog ang kanilang talento sa paglangoy at pagpapalakas ng kanilang bisig sa pagsagwan.                Ayon sa ulat sa GMA News TV, tumigil muna sa pangingisda ang mga kalahok upang makasali sa kakaibang kumpetisyon na karaniwang nilalahukan lamang ng mga propesyunal at may pera.                Ayon pa rin sa ulat, 15 na mangingisda ang lumahok at nakipag-unahan sa boat race, at nagwagi ang 55-anyos na si Jaime Parawan at inungusan niya ang mga mas bata pang manglalahok kaysa sa kanya.                Ang 29-anyos naman na si Jocel Serafica ang namayani sa ginanap na swimming competition sa nasabing event.                Ang mga palarong ito ay bahagi ng kanilang proyekto sa kanilang pista at mahikayat n

BULUTONG, USO TUWING MAYO

                         Pinandidirihan, kinakatakutan at iniiwasan sa dahilang baka mahawa ng sakit na isang beses lang kung dumapo sa buhay ng isang tao, ang bulutong o ang chicken pox. Subalit, ano ng aba ang bulutong o ang chicken?                Ayon sa isang sagot sa Answers.com, isang online site, ang Chicken Pox ay usong-uso sa panahaon ng tag-init dahil sa panahong ito ay humihina ang immune system ng katawan ng tao. Karaniwan itong nakukuha sa " varicella virus" sa pamamagitan ng direct contact, droplet o airborne spread ng fluid o secreation mula sa taong may bulutong tubig. Nakakahawa ito limang araw bago at pagkatapos makitaan ng mga blisters.                Upang mas malinaw, ang chicken pox o bulutong ay isang karamdaman sa balat na nagbibigay ng mga butlig dito. Madaling makahawa ang bulutong, nakakahawa ito tuwing makakalanghap ang pasyente ng hangin na nakontamina na ng virus na Varicella zoster at madali itong makukuha sa mayroong mahinang resistensiya.

PORK SISIG, PANGPULUTAN NA, PANG-ULAM PA! (RECIPE)

Image
                           Kahit saang kanto na may nag-iinuman, kung hindi chichirya ang kanilang nginangata, ang pinaka pamosong Sisig ang pinaka partner ng anumang inumin. Maraming uri ng sisig na puwedeng gawin, may laman loob ng baboy o manok, o kaya naman parte ng baboy tulad ng liempo. Subalit hinay-hinay lang a’, mataas ang koresterol nito kaya nakakahilo at madaling makasakit ng ulo dahil fat nito.                Subalit napakadali lang naman nitong lutuin para sa isang serving, at sa isang upuan ng pakikipag-inuman at pakikipagkuwentuhan sa mga barkada at kaibigan. MGA SANGKAP Baboy (liempo) Luya Sibuyas Bawang Siling pula Calamansi Itlog Mayonnaise Mantika Asin at paminta PARAAN NG PAGGAWA                Pakuluan ang baboy sa kumukulong tubig, ‘pag napakuluan na, iprito ito sa mainit na mantika, kailangan ditto ay deep fried o ‘yung lubog sa mantika upang hindi manikit.                Habang nagpiprito, hiwain ng pino ang bawang, sibuyas, luya a

PINOY SORBETES, ANG NAG-IISANG DIRTY ICE CREAM NA MASARAP

Image
                      O’, huwag kayong magugulat a, malinis ang dirty ice cream, tinawag itong dirty marahil sa murang halaga nito at abot kaya para sa mga bata. Subalit, may mga ilan na nagsasabing napakarumi nito dahil sa vendor mismo o ‘di kaya naman ay dahil sa paggawa nito.                 Ang isang itinuturong dahilan ay dahil sa vendor o yung mismong nagtitinda nito, karaniwang walang gloves, at madalas hila ang kariton ng ice cream at saka ito gagamitin tuwing may bibili. Isa pa ay ang paggawa nito, ang higit na dahilan ng ilan ay ang hindi nakikita o hindi alam ng tao kung paano ito ginagawa, subalit, wala na sanang tumatangkilik nito kung marumi ang paggawa ng ice cream.                 Pero ang pinakakatanggap-tanggap na dahilan ay dahil sa environment kung saan ito ibinebenta, karaniwang mabibili sa kalsada, sa daan na kung saan puno ng usok ng mga sasakyan at sa kung ano pang dahilan na maihahalintulad sa ating kapaligiran.                 Subalit, sino nga ba ang ay

PINAY STUDENT, PASOK SA US MAGAZINE VULTURE’S ‘30 INTERNET CELEBRITIES’ LIST

                 Isang Pinay na 20-anyos ang nakapasok sa listahan ng US magazine vulture’s ’30 internet celebrities bilang isang twitter sensation. Ayon sa GMA News online, si Clara Quiambao ay mayroong 2.6 million followers sa kanyang twitter account o page na hindi nakapangalan direkta sa kanya.                 Ang twitter account na ito ni Quiambao ay para sa mga post patungkol sa mga sa kabataan at naglalaman ito ng mga inspirational quotes. Ayon pa sa nasabing online news, kasama ni Quiambao sa listahan ang ilan sa mga internet comedians, YouTube stars, at ang kalook-a-like ni Justin Bieber.                 Ang account na ito ni Quiambao ay pinamagatang “It’s a thing teen” na kung saan, regular niya itong ina-update at nagpopost ng mga quote na magbibigay inspirasyon sa mga kabataan.                 Ayon muli sa online news, nalaman na isang Mass Communication Student si Quiambao sa Centro Escolar University o CEU na kung saan malapit na rin itong magtapos sa pag-aaral. Ayo

MAPUTING NGIPIN, MAS HEALTHY MAS APPEALING

  Sinasabi nilang ang magandang ngipin ang puhunan para sa isang killer smile, nakakahiya nga naman na ngiti ka ng ngiti pero madilaw at puro sungki ito, ang solusyon ng iba, bleaching at ang brace para pumuti at magpantay pantay ito. Subalit, para lamang ito sa mga may pera dahil napakamahal nito para sa mga ordinaryong tao na nagto-toothbrush lamang ng isang beses sa isang araw, o minsan ay nakakalimutan pa.                 Narito ang ilang tips para mapanatilihin ang matibay at maputing ngipin, una, magtoothbrush lagi pagkatapos kumain, naiiwan kasi ang mga bacteria mula sa pagkain sa mga pagitan ng ating ngipin na nagiging sanhi ng cavity. Pumili rin ng toothbrush na angkop lamang sa sukat ng ating bibig at ngipin upang hindi masugatan ang gums. Maglagay lamang din na sapat na toothpaste at h’wag masiyadong marami upang hindi masayang, dahil ito ay tumatapon lamang.                 Mahalaga rin na i-maintain ang mga bitamina upang tumibay ang ngipin, tulad ng Vitamin A na tumut

CD BURNING NGAYONG SUMMER

  Boring na ba ang summer mo sa harap ng iyong computer? Para maging makabuluhan ang pagpa-facebook at pag-twitter, kung mayroon namang burner ang inyong computer para sa pagcopy ng mga kanta at pelikula.                 Php40.00 ang karaniwang presyo sa pagbuburn ng CD, o DVD, kasama na ang casing, printing, blank CD/DVD at siyempre ang mga kantang gusting ipalagay ng mga costumer. Sa Movie burning naman, kailangan may master copy ang costumer para icopy sa blank DVD.                 Puwede ring magburn ng office and school files, edited photos and videos at napakarami pa, nakatutulong din ang CD burning upang madocument ang mga files at hindi ito mawala.                 Patok ito sa mga mahilig sa music at movie, karaniwang may laman na 18 songs ang isang CD, 80 Minutes lang kasi ang kapasidad nito, para naman sa DVD, mayroon itong 120 minutes. Para naman sa files, may memory na 700 MB para naman sa mga files na gusting ilagay dito.                 Siguraduhin lamang na tatan

HOMEMADE MALUNGGAY PIZZA, YUMMY NA MASUSTANSIYA PA (RECIPE)

Image
  YUMMY – Sino nga ba ang hindi pa nakakakain ng Pizza? Kahit nga tingi ay mayroon nang makikita sa kalye na mabibili sa mas murang halaga kada sliced ng Pizza. Sinong mag aakala na pang may class at pang mayayaman lang ang yummy recipe na ito, maaari na rin kasi itong gawin sa loob mismo ng ating kusina, kaya naman hindi na lang sa mga restaurant natin matitikman at malalasap ang masarap na Pizza, matitikman na rin ito sa bahay, samahan pa ng napaka healthy na Malunggay.                 Ang Pizza ay isang Italian food, subalit sa napakasarap at napakalasa nito at talagang pang masa, kaya naman nabaliw ang buong mundo sa pagkain nito lalong-lalo na ang mga Pilipino. Sa ngayon, maraming nagsasabing sa Italy nagmula ang Pizza, subalit may mga historian na nagsasabing ito ay nadiskubre sa Greece at ang iba naman ay sinasabing unang nakain sa Egypt. MGA SANGKAP Para sa Dough, kakailanganin ng mga sumusunod: Isa’t kalahating cup ng maligamgam na tubig, lebadura o yeast, tatlo’t kalaha

TAPSILOG PARA SA BUONG PAMILYA (RECIPE)

Image
  COMBO – para sa mga Pilipino, ito ang pinakamasarap na kombinasyon para sa almusal at kung minsan ay midnight snack pa.                Sino nga ba ang hindi pa nakakakain ng pinaghalo-halong tapa, sinangag at itlog sa isang pinggan? Kahit saan sulok ng bansa, may makikitang karatulang “Tapsilugan” at “Tapahan”. Kahit napakaraming kalaban ng Tapsilog, tulad ng Tosilog o tocino, sinangag at itlog, Hotsilog o hotdog, sinangag at itlog, at napakaraming silog, tapsilog pa rin ang best seller nito.                Ano nga ba ang sekreto ng napaka-yummy na tapa? Alamin ang pinaka-tinatagong sekreto sa likod ng napakasarap na tapa. MGA SANGKAP Baka o Beef (hiwa-hiwa sa maliliit na parte) Toyo, oyster sauce, asukal, kalamansi, paminta at betsin (Pang-marinade sab aka o beef) Lamig na kanin, asin, bawang, hotdog (sliced), chorizo (sliced) at butter (Para sa sinangag) Itlog at mantika PARAAN NG PAGLUTO                I-marinade o ibabad sa toyo, oyster sauce, asukal, kalamansi,

SCOTCH TAPE SELFIE O SELLOFIE, NAUUSO!

  Nauuso lalong-lalo na sa ibang bansa ang kakaibang gimik na ito na kung saan babalutan ng scotch tape ang mukha at saka ito pi-piktyuran, tinatawag itong scotch tape selfie.                Tinatawag din itong sellotape selfies, ayon sa isang UK website, naintroduce ito noong 2012, lalagyan o babalutan ng scotch tape ang mukha upang ito’y malukot o ma-distort at kukuhaan ng litrato upang ito’y mapansin. Ayon kay Lizzie Durley, 21-year-old na isang estudiyante ng Brighton University na ring gumagawa ng sellofie, nagsimula siyang magbalot ng scotch tape sa mukha ng makita niya sa pilikulang Yes Man na kung saan may eksena na binalutan ni Jim Carrey ang kanyang mukha, hindi siya maka-get over sa katatawa kaya naman sinubukan niya rin itong gawin at pinost niya ito sa kanyang Facebook page. Umabot sa higit 120,000 na likes ang kanyang Facebook page at nakakatanggap na rin siya ngg daang-daang komento at sellofie galing sa mga mahihilig mag selfie araw-araw.                Willing ka b

EPEKTO NG GLUTATHIONE SA BALAT NGAYONG TAG-INIT

  Ang Glutathione ay isa sa mga pinaka-popular na paraan ng pagpapaputi, subalit ano nga ba talaga ito? Ayon sa pag-aaral ng isang blogspot na glutalab, ang Glutathione o GSH ay isang maliit na protein molecule na mula sa amino acids cysteine, glycine, at glutamic acid. Ito ay ginagawa sa loob ng mga selula o cells. Ang abilidad ng mga selula na gumawa ng Glutathione ay nalalaman sa supply ng raw materials o glutathione precursors.                Marami rin ang naeenganyong gumamit nito dahil sa napakaraming gusto ang pumuti, bakit nga ba? Ayon kasi sa maraming Pilipino, mas maganda ang isang babae o kahit na rin ang lalake kung ito ay maputi. Isa ito sa qualification upang masabi ng maraming Pilipino na maganda ang isang tao, at dahil ito rin ang sinasabi ng ating komunidad, mas maputi, mas maganda.                Ang pangunahing epekto ng paggamit ng Glutathione ay para pumuti ang balat ng mga taong gusting pumuti. Inaalis kasi ng Glutathione ang mga harsh chemicals sa katawan ng

BABAE SA INGLATERA, TAKOT SA NEWSPAPER

  Isang babae sa England ang pinaniniwalaang may chloephobia, o nag takot sa newspaper sa loob na nang 25 na taon, siya ay si Diane Freelove, 49.                Nagsimula ang takot niya sa newspaper nang siya’y bata pa lamang, sa tuwing nagbibiruan ang kanyang mga magulang, pabirung hinahampas ng kanyang ina ang kanyang ama ng dyaryo at doon nagsimula ang takot niya rito.                Ang chloephobia ay isang kundisyon na kung saan, ang isang tao ay nakakaranas ng takot sa dyaryo, takot itong makakita, at makaamoy ng dyaryo, maaaring ito ay marahil sa past experiences na nakakaapekto sa isang tao.                Ayon sa mga balita, ang 25 – taong pagdurusa ni Mrs. Freelove ay maaari ng matuldukan matapos sumailalim sa ilang test.  

DAMBUHALANG AHAS, PINANINIWALAANG ISANG “ANACONDA”

  Marami ang humanga at natakot sa pelikulang Anaconda na nagkaroon pa nga ng apat na serye, pero paano na lang kung ditto mismo sa Pilipinas ay mayroon nito, maniniwala ba kayo o patuloy lang itong kathang isip na nakikita lamang sa pelikula?                Isang dambuhalang ahas na hinihinalang anaconda ang napatay ng mga magsasaka sa barangay Balarin sa bayan ng Boac sa lalawigan ng Marinduque.                Ayon sa ulat ng GMA News, ikinuwento umano ng isang magsasaka na nakita niya ang ahas matapos kainin ang kanyang alagang baboy na may 30 kilo ang bigat.                Pero nang aatakihin din siya ng ahas na may 25 talampakan ang haba, humingi na umano siya ng tulong sa mga kapitbahay at napatay nila ito ang nasabing dambuhalang ahas doon din nila nakita ang kinain nitong baboy.                Nangangamba naman ang mga residente sa kanilang kaligtasan subalit ayon sa mga awtoridad, h’wag basta na lang patayin ang ahas o anumang hayop sa halip ipagbigay alam na lamang mu

MGA KAKAIBANG MOTORSIKLO SA CEBU

  Nagningning sa isang event sa Mandaue City, Cebu ang mga kakaibang hugis at disenyo ng mga motorsiklo na customized na ang iba ay ang mga karakter pa sa Transformers.                Ayon sa Balita Pilipinas, sinabing bukod sa pagdisenyo sa mga motorsiklo na kamukha ng ilang karakter sa  Transformers , ibinida rin sa event ang pag-upgrade sa ilang accesories at parts ng sasakyan.                Ipinakita sa ulat ang ibat’ibang disenyo at kulay na ginawa sa mga motorsiklo, ang iba naman ay halos naging kamukha na ng mga robots na ipinapakita sa transformers.                Dinesenyuhan rin mula sa hawakan ng kamay, sa katawan , sa gulong at hanggang sa tambutso ng mga motorsiklo.                Ang layunin umano ng event na ito na maipakita ang talento sa pagpapaganda ng mga motorsiklo   ng mga taga Mandaue at upang mapaunlad ang kanilang turismo.

JEEPNEY WITH WIFI

    Patok ngayon sa mga pasahero sa Dagupan City, Pangasinan ang isang pampasaherong jeepney dahil sa karagdagang serbisyo na iniaalok nito-- ang libreng WiFi.                ayon sa GMA News Online, ang jeep na ito ay pinapasada ni Mang Gerry, madali naman daw makilala ang kanyang jeepney na may nakalagay na markang "Kissmark" na siya ring password sa WiFi.                Ayon sa ilang pasahero, nakakatulong sa kanila ang WiFi lalo na kung mabagal ang daloy ng trapiko dahil mayroon silang pagkakaabalahan.                  Bagaman dagdag gastos kung tutuusin ang WiFi, sinabi ni Mang Gerry na nababawi naman niya ang buwanang bayad niya sa WiFi dahil mas dumami ang nakukuha niyang pasahero at may mga nagbibigay din ng “tip.”                Pero paalala ang mga pulis sa mga pasahero ng nasabing jeepney, dapat maging maingat sila dahil maaaring maging target sila ng mga magnanakaw at nang-aagaw ng mga mamahaling telepono.                Matatandaang, una nang naglungsad